CHAPTER TEN

13 7 0
                                        

*One Month Later*
* Keianna Loveiy's Pov *
" Ang tagal na ng panahon best,miss na miss na kita.Akala ko buhay ka kasi may nakita akong kamukha mo.Yun pala pinsan mo na Koreano.Ang liit nga naman ng mundo.**sigh**"
"uii,Loveiy,layo na naman ng iniisip mo!" -Gemavil said to me
"Oo nga !"- Sabat naman ni Riza -__-
-Ginugulo nila ako eh! Nakatingin kasi ako sa langit,Yung dalawa naman ayon!Tumitingin na din.
" ah wala to,kain na lang tayo" -Sabi ko sakanila at kumain na.Nasa canteen kasi kami ngayon and it's lunch time.Kaya kailangan naming kumain.At nandito kami sa may dulo ng canteen malapit sa bintana kaya kita mo kung gano kaganda ang langit.
-Si Gemavil at Riza?Sila ang bagong kaibigan ko.Hindi sila umalis sa tabi ko nong mga panahong nangungulila ako sa pagkawala ni Clint.Lagi silang nandiyan kahit cold ang pakikitungo ko sakanila.Lagi nila akong pinapatawa kahit hindi naman ako tumatawa.Basta lagi silang nandyan para sa'kin,and I'm very thankful dahil nandyan sila"
"Oh? ayan na naman eh! Malayo na naman ang iniisip mo!Isubo mo na kaya yang nasa kutsara mo?Mamaya dapuan pa yan ng langaw at sige ka !! Magkakaroon yan ng topping !" -Riza said sabay tawa nila.Ako?Wala lang..Sinubo ko nalang yung nasa kutsara ko baka nga madapuan pa ng langaw..Tapos magkaroon ng toppings!!Tapos makain ko!! Magkasakit pa ako !! Ayoko nun!!(over teh?advance ka eh!) Ayoko lang magkasakit ^__^V Hayy Best,miss ko na din tumawa....kasama ka :(
"Si Clint yan no?" -Sabay na tanong sa'kin no nung dalawa.Tumango lang ako sakanila bilang sagot.Ayos na sa'kin kahit marinig ko ang pangalan ni Clint,hindi ako masyadong nasasaktan.Pero miss na miss ko na siya.
"Alam mo Loveiy slash Ice? You need to move on,wala na siya,wag mo namang ikulong ang sarili mo sakit ng nakaraan.Hello?!Masaya na siya sa langit.Sana ikaw din masaya na,para sa kanya at para sa sarili mo.Alam naman naming hindi ka makakalimutan non eh!!Si Clint pa!!! Diba magbest friend n nga kayo?!" -Mahabang advice sa'kin ni Riza,Ngumit lang ako sakanila.Sakanila lang naman ako ngumingiti eh..minsan..
Kinuha ko ang bag ko na nasa ibabaw ng table at kinuha ang picture frame na may litrato namin ni Clint.Tinitigan ko ito at kinausap gamit ang utak ko....Tumingin lang sa'kin sina Riza & Gemavil at napa-sigh pa.Tsss
"Isang buwan na nang mawala ka Clint,Isang buwan na kitang hindi nakikita,hindi nakakausap at hindi nakakasama.Alam kong nagbago na ako,ibang-iba na ako noon sa ngayon,pero hindi parin nagbabago Clint,miss na miss na kita...at mahal parin kita...Miss na kita best,alam kong masaya ka na.Alam ko naman na miss mo na ako eh...Pero dapat na kitang kalimutan para hindi na ako lalong nasasaktan.Dapat na akong mag-move on.Wala ka na,patay ka na,at hindi kana mabubuhay pa.Alam kong may plano ang diyos,at alam kong hindi pa ito dito magtatapos...paalam na best,bantayan mo'ko ah?Kung nasan ka man...Huwag mo akong kakalimutan..Oo kakalimutan kita,kakalimutan ko lang ang sakit...pero ang mga masasayang ala-ala na'tin..hindi ko 'yon makakalimutan,dahil nakatatak na ang mga 'yon sa puso ko"

"oh ano Loveiy? Tapos kana? Paki punasan ang luha ahh?? ^__^ " -Pang-iisturbo sa'kin ni Riza..Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako..Pinunasan ko ang mga luha ko at tinago na ang frame sa bag ko.
"Oh? ayos kana?" -Ask Gemavil
-Tumango lang ako bilang sagot,ngumiti sila sa'kin at tumayo para yakapin ako.
"wag kang mag-alala Loveiy,hindi ka namin iiwan,," -Said Gemavil while we hug each other
"At hindi na kami mangangako...dahil gagawin na lang namin :) " -Riza said while smiling in front of me.
"aasahan ko yan " -Sabi ko nung umalis na kami sa pagkakayakap.
"Tara na nga !! bell na,baka malate pa tayo,lagot tayo sa TERROR nating teacher" -Riza said while emphasizing the word terror..Loko talagang babae to..tskk
-Kinuha na namin ang mga gamit namin at agad na umalis,hindi na namin niligpit yung kalat namin.Eh sa nagmamadali na kami eh !! kaya takbo ang peg namin..
"Tama nga naman na kapag may umalis,may darating.Basta maghintay ka lang,dahil ibibigay ito sayo ng Diyos sa tamang oras."
---------------------------------------------------

WHEN YOU'RE GONE ╰COMPLETED╮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon