"MM, push ka. Tank, huwag mong iniiwan 'yong MM natin."
"Pharsa, bot bilis!"
"Gather, nasa Lord sila. Tara din doon, p're. Sama-sama lang tayo."
"Retreat, 'yong base natin mga ulol!"
"Defend lang kaya pa 'to."
"DEFEAT."
Ibinagsak nila ang kanilang mga cellphone at pinanood ko kung paano magsumbatan ang mga kaklase ko. They were playing Mobile Legends; at mukhang sunod-sunod ang talo nila. Nagsisisihan sila at nagtuturuan kung bakit natalo. Napailing na lamang ako dahil sa ingay na naidudulot nila.
"Liz, patikim ako!"
Agaw-atensyon ang pagsigaw ni Xia nang dumating si Liz na mayroong hawak-hawak na frappe. Inilihis ni Liz ang hawak nito nang maramdaman ang balak na paghablot ng kaniyang kaibigan.
"Ang damot mo. Sabi mo iihi ka lang tapos pagbalik mo may frappe ka na!"
"Duh! CR is the new definition of the cafeteria," she playfully replied and let her friend sip on it.
"Guys, si President!"
Agad nagsibalikan sa kanilang upuan ang aking mga kaklase. Tila anghel yata ang pumasok dahil natahimik sila nang dumating si Jake, ang aming President. Mabuti naman dahil kanina pa ako naririndi sa ingay. Kanina pa ako naiinis; hindi pa nakikisama ang mga kaklase ko.
"Wala raw maingay. Absent ang instructor natin sa Reading and Writing pero may—"
Hindi pa man natatapos ang sinasabi ni Jake ay biglang nagtilian na ang mga kaklase ko. May ilan pang tumalon at naghagis ng kanilang gamit. Para tuloy kaming hayop na nakawala sa hawla. Mas lalo lang uminit ang ulo ko dahil wala pa akong tulog. Hindi ako pinatulog ng... oh, nevermind!
"Paki-review daw 'yong mga vocabulary words, may quiz the next meeting."
"Hindi niya na maaalala 'yon," one of my classmates shouted and because of that, we all laughed in unison.
Most of my classmates were noisy and boisterous. Tumayo ako at naisip na matulog na lang sa library.
"Tatiana?" I was about to open the door when Jake called my name. Nakakunot ang noo nito na tila nagtatanong kung saan ako pupunta.
"Library lang," tipid kong sabi. Binigyan ako nito ng library pass bago umalis dahil baka sitahin ako nila manong Gado.
I can't hide my smile as I arrived at the library when the librarian was sleeping.
Pumunta ako sa sulok, nangalumbaba, at ipinikit ang mga mata. Inaantok ako, pero hindi ako makatulog. Naiinis ako sa sarili ko dahil kanina ko pa planong matulog, at hanggang ngayon ay plano ko pa rin. I salute those people na pipikit lang, tulog na agad.
I closed my eyes and tried to sleep. Nakapikit lang ako, pero ang diwa ko ay gising na gising pa rin talaga.
Bigla akong kinabahan at hindi mapakali dahil pakiramdam ko ay mayroong nanonood sa akin. Iniangat ko ang tingin ko at nakita ko ang mukha ng isang pamilyar na lalaki. Hindi ko gaanong mamukhaan dahil nanlalabo pa rin ang aking paningin dulot ng matagal na pagkapikit.
I was about to fall. My breathing seemed to stop for a while. My eyes widened as I saw his handsome face clearly.
"How's sleep, Ms. Kiss and Run?" Isang nakakalokong ngisi ang ibinigay niya sa akin.
He reached for the table and put his elbow over it. Mas lalo kaming naglapit. Amoy na amoy ko ang kaniyang pabango. Sa sobrang lapit namin ay mas lalo kong natitigan ang kaniyang mukha. He had black hair, sharp and dark eyes, thick eyebrows, pointed nose, and kissable lips—
Agad akong napaatras. I stopped what I was doing and bit my lower lip. I saw a twinkle of amusement in his eyes, but he still managed to keep his face straight.
"Are you stalking me?" I asked as I raised one of my eyebrows.
Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay tumawa ito nang malakas na tila ba nang-aasar. His laugh echoed through the entire room. Sa lakas ng kaniyang pagtawa ay nagising ang librarian. Tumingin ito sa amin at sumenyas na manahimik kami.
Bitbit ang mga gamit ko ay mabilis akong naglakad palayo sa kaniya. Tuloy-tuloy ang paglalakad ko patungo sa rooftop. I can still feel his presence.
"Excuse me." Tumigil ako sa paghakbang at humarap sa kaniya.
"Sige, daan na."
"Are you following me?" I asked again.
"Am I?" he answered, as he raised one of his eyebrows. Mas lalo lang akong nainis nang sagutin din niya ng tanong ang tanong ko. Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy-tuloy na lang.
Hindi ako mapakali nang makarating ako sa rooftop. Sigurado akong may binabalak ang lalaking 'to. Nagtatalo ang aking isipan kung mananatili ba ako o aalis upang bumalik na lang sa classroom.
"Small world, right?" he said and then smirked at me. Hindi ko na lang siya pinansin at inilayo nang kaunti ang sarili ko. Pero umusog din siya palapit sa akin.
"What do you want?" I asked again.
"You." Napako ako sa kinatatayuan ko. Napakasimple lang ng sagot niya pero parang malaki ang epekto nito sa akin. Ano ba ang nangyayari sa akin?
"We need to talk about something," he added. Naging seryoso ang kaninang mapaglaro nitong mukha.
"Ano naman 'yon?"
"You devirginized my lips," pagmamaktol nito na ikinatawa ko. I almost laughed because of his expression. Para siyang isang batang inagawan ng candy.
"Don't act as if it's your first," I replied and rolled my eyes at him. Tumayo na ako at naisip na bumalik na lamang sa classroom dahil wala rin akong mapapala dito.
"It is!"
"Impossible! A guy like you," sabi ko habang sinusuri ito pataas at pababa. "For sure, madami ka nang nahalikan. So don't act like that's something special. Halik lang 'yon."
"Aww!" he replied and put his hand over his chest. "You're hurting my ego, darling."
"Even if it's not my first, still, it doesn't change the fact that you stole a kiss from me." He walked in my direction. Napaatras ako sa patuloy niyang paglapit.
"Do you usually kiss a stranger?" Seryoso ang kaniyang mukha. Tuloy-tuloy pa rin ang paghakbang niya sa akin habang ako ay umaatras. Umatras ako nang umatras hanggang sa naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa pader.
"W-why?"
Wait, bakit ako nautal? Keep yourself together, Tatiana! Hindi muna ito nagsalita at nagpatuloy lang sa paghakbang. He pinned me against the wall. Nagtama ang aming mga mata. Hindi ko gusto ang pinatutunguhan nito.
He smirked. "Don't. Seloso ako."
Oh, just kill me already. This is already hell with the demon by my side.
Pabiro ko siyang itinulak dahilan upang magkaroon ng distansiya ang pagitan namin. I grabbed that opportunity to escape from him.
Narinig ko ang malakas niyang pagtawa habang ako ay bumababa sa hagdan. Gosh!
Papa G, sana ito na po ang huling pagkikita naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Between Two Hearts [to be published under Bookware]
Romance-Unedited- Two hearts brought together by fate. Two hearts that fell deeply in love. Two hearts now tied together. Two hearts that will forever beat as one. The game between two hearts is now officially open. Date started: 04/16/20 Date ended:...