"I'm sorry, Tatiana."
Ayan na ang huling salitang narinig ko mula sakanya, bago siya mawala sa paningin ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, o kung ano ang paniniwalaan ko.
I grabbed my pillow and hugged it tightly, imagining that it was him. I can't hold my tears, kaya hinayaan ko nalang silang magbagsakan.
"Tatiana."
I wiped my tears and lifted my gaze. I was shock and happy at the same time to see him. Bumalik siya... binalikan niya ako. Is he choosing me over my sister? Sa akin na ba ang huling halakhak ngayon?
"B-bumalik k-ka," I almost whisper. Ang hilig niyang umalis tapos bumalik, tapos aalis nanaman at iiwan akong mag-isa.
"H-hindi ko na kaya. Let's go," yaya niya sa akin. Hindi niya na ako hinayaang makasagot, dahil agad niya akong hinila palabas at papunta sa parking lot.
Buong biyahe ay wala akong ginawa kung hindi ang tanungin at kulitin siya. Hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari. He's engage with my sister, pero ako ang kasama at katabi niya ngayon.
"Leo, please, tell me what's going on." I begged.
His eyes was too focused on the road. Seryoso siyang nakatingin doon, at mabilis ang pagpapatakbo.
"L-Leo, ang bilis," puna ko. I don't want to die yet. Ayaw kong mamatay na virgin, at walang bebe.
"W-wala na tayong oras, f*ck!" Tarantang sagot niya sa akin at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo. Mas lalo tuloy akong naguluhan at napaisip kung ano ang nangyayari; kung bakit ganito ang reaksyon at inaakto niya sa akin.
Mabilis ang hakbang na ginawa niya nang makarating kami sa Soriano's General Hospital. They own this hospital, pero si kuya Christian ang namamahala nito.
"Wait!" Hinihingal kong sabi bago tumigil sandali upang habulin ang aking hininga. Hinawakan niya ang kamay ko at binagalan kaunti ang hakbang.
"Ano ba talaga ang nangyayari, Leo?" I asked out of curiosity. Alanganin siyang tumingin sa akin at ngumiti. He cupped my face and kissed my forehead.
"Everything will be okay, soon."
Okay? He's getting more weirder than before. Akmang sasagot pa lang ako ng bumukas na ang elevator. We're now on the 6th floor.
"Let's go," he said and hold my hand. Sa bawat hakbang na ginagawa ko, ay siya ring bilis ng tibok ng puso ko.
"Tito," pagtawag ni Leo kay daddy. Agad na napatayo 'to, at maging si tita Rebecca din. I greeted them; I hugged my father because I am longing for this, samantalang inilihis naman ni tita Rebecca ang kamay ng akmang aabutin ko 'yon para magmano.
"Really, Leo?" Tita Rebecca hissed with disbelief. "Talagang sinama mo pa rito ang kabit mo, habang ang fiancé mo ay nakaratay at nag-aagaw buhay sa loob?"
N-nag... nag-aagaw buhay si ate? What happened? Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit parang ako lang ang walang alam sa mga 'to?
"At ikaw naman," bumaling sa akin 'to sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Ang kapal naman ng mukha mong magpunta pa rito! You don't belong here. Bawal ang ahas dito, kaya umalis ka na. Leave!" Pagtataboy niya. Ititulak-tulak niya ako, at akmang sasampalin ngunit agad siyang napigilan ni daddy.
"Enough, Rebecca!" Inilayo niya ang asawa bago ibaling ang tingin kay Leo. "Leo, iho, ilayo mo muna si Tatiana dito. I'll take care of my wife first."
Hinawakan niyang muli ang kamay ko at iginaya ako paalis. I still have a lot of questions to my father, but I have no choice but to leave. Ayaw kong gumawa ng ano mang gulo o eskandalo kaya ako na lang ulit ang lalayo.
BINABASA MO ANG
Between Two Hearts [to be published under Bookware]
Romance-Unedited- Two hearts brought together by fate. Two hearts that fell deeply in love. Two hearts now tied together. Two hearts that will forever beat as one. The game between two hearts is now officially open. Date started: 04/16/20 Date ended:...