Chapter 27

21.3K 810 7
                                    

"Soar high, Rosalimans! Kaya niyo yan, wag kayong kakabahan. Just enjoy the moment," paalala sa amin ng aming instructor.

Kanina pa ako tahimik at hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong bumuntong hininga. Natatakot ako, at kinakabahan din at the same time.

I roamed my eyes around and saw a lot of audience cheering for their bets. Mas lalo 'ata akong natakot pumunta at mag-perform sa gitna.

"You okay?"

Alanganin akong tumango kay Leo. Katabi namin siya, at ang kanyang mga kaibigan. Mabait ang mga 'to at may sense of humor. Though, minsan ay ayoko sa hobby nilang mag-monkey app. But, well, boys will always be boys.

"Are you sure? You look... tense," he concluded. Bahagya 'tong tumagilid upang mas makaharap ako. Nakakunot ang noo niya at tila ba nag-aalala.

"Kinakabahan ka ba?"

"O-oo," pag-amin ko.

He laughed and reach for my hand. Hinawakan niya 'to at mas lalong natawa.

"Kamay pa ba 'to o gripo?" Pang-aasar niya. Umirap ako at binawi ang kamay ko, mula sa pagkakahawak nito.

He chuckled sexily before apologizing. Nag-peace sign 'to sa akin, at sinubukang abutin muli ang kamay ko.

"Kahit pasmado pa yan, hahawakan ko pa rin. Kahit madulas pa ang kamay mo, hinding hindi ako bibitaw sa pagkakahawak ko," panlalandi nito sa akin.

I shifted my gaze, and tried to calm myself. Tinukso at tinawanan si Leo nang hindi ko pansinin ang banat niya. Tumawa lamang 'to at sinubukang kunin ulit ang atensyon ko.

"I'm sorry," he apologized. "Pinapagaan ko lang ang loob mo. Halatang halata ang pagka-kaba mo e."

"Halata ba talaga?" I asked. Kinakabahan kasi talaga ako. Pakiramdam ko ay hindi ako makaka-sayaw ng maayos. Ang daming tumatakbo sa isip ko tulad ng: Paano kung pumalpak ako? Paano kung magkalat lang ako, o ako ang magpatalo? Paano kung mahulog ako tapos pagtawanan nila ako?

"Yes," he answered. "Mas halata pa sa halata. Look at me, darling. Tignan mo ako sa mata, at huminga ka nang malalim."

I closed my eyes, took a deep breath, and looked at him. He cupped my face and fix some of my baby hair.

"You can do it. Just enjoy the moment, do your best, and give your best smile. No matter what happened, I will always be proud of you. Tatiana—"

"Hoy, tama na yung harutan!"

Nabitin ang landian namin dahil sa biglaang paghila patayo sa akin ni Vettinah.

"Tara na. Tayo na susunod."

Tumango ako at huminga nang malalim bago maglakad papunta sa entrance. My world, stopped breathing for a while when he grabbed my hands and pulled them for a hug.

"Good luck, darling!"

I gulp and turned around. Hindi na 'ko nagpasalamat dahil nawalan ako nang lakas magsalita.

We danced along to the beat and enjoyed each moment while doing our different stunts. The crowd cheered for us, some of them shouted out of nervousness every time na may hinahagis sa aming mga flyers.

"S-R-C-S-! VIVA SANTA ROSA!"

Buong lakas na sigaw namin habang ginagawa ang huling stunt pose. I looked at the crowd confidently wearing my genuine smile.

"Good job, girls!"

Pagpuri sa amin ni coach. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa wakas, sa wakas ay natapos din. Sa una lang nakakatakot at nakakakaba, kapag nasa gitna ka na ay hindi mo mararamdaman na unti unti ka nang nag-e enjoy.

"Pucha! Akala ko malalaglag panty ko kanina," pagra-rant ni Cassandra.

Bumalik na kami sa pwesto kanina, and waited for the announcement.

"Hatid ko na kayo," Leo offered us a ride. Pumayag kami dahil gabi na rin, at hindi na safe kung magco-commute kami.

"Pre, una na kami ha. Uy, girls, congrats!" Paalam nila Cristan.

Hindi namin nakuha ang title, pero nanalo kami sa second place. DCT ang nanalo, at hindi na kami magtataka kung bakit. Palaban at mahusay ang mga 'to, parang pang UAAP level ang performance nila kanina.

Nagpasalamat kami bago pumasok sa kotse ni Leo. Umupo ako sa harap, at sa backseat naman ang mga kaibigan ko.

"Nabalian ata ako ng buto," pagrereklamo ni Ernisha.

"Leeg ata nabali sayo, kakalingon don sa tiga SNA na may jowa."

"Wala ka yatang nabingwit ngayon," panggagatong naman ni Cassandra.

"Shut up, tomboy. Girlfriend lang yon, pwede pang maagaw."

Nagalit ang kaibigan ng tawagin 'tong tomboy. Dati kasi ay napagkamalan siyang tomboy nung mama ni Vettinah.

"Tama yan friend," pangungunsinti naman ni Vettinah. "Kapag hindi sayo, agawin mo. Pwede 'yan."

Una naming hinatid si Ernisha, at sinunod si Cassandra na doon makikitulog kila Vettinah.

I mouthed thank you, ng maihatid ako nito sa bahay.

"Congratulations! Ang galing mo kanina," he complimented with a smile.

"Salamat. Sige na, umuwi ka na. Drive safely."

"Nood ka bukas?"

I shrugged and answered, "Try ko." Bukas ang do or die nila sa SVSF. Waiting ang DCT sa finals, at kung sinong manalo sa SRCS vs. SVSF ang makakalaban nila sa finals.

"Good night, Tatiana."

I smiled and greeted him back. Tumingkayad ako nang kaunti para maabot siya, and gave him a light pecked on his cheek.

"Ilabas mo na kasi," pamimilit ni Ernisha.

"Ayoko. Nakakahiya," I yelled back. Nandito kami ngayon sa court ng Gerona Junior College, for the do and die of SRCS and SVSF.

"Ang arte mo, girl!"

Gumawa ako nang banner para kay Leo. It was a dare okay. Natalo ako sa pustahan namin, at ang dare nila sa akin ay gawan ko 'to ng banner na nakalagay ay: GO LEO, GO DARLING!

Nasa third quarter na, at sobrang exciting ng laro. Ang lakas ng hiyawan ay kahit nahihiya pa ako nung una ay nakisigaw na rin ako.

Parehas na magaling ang dalawang team. Pero napansin kong parang distracted sa laro si Alvin. Konti lamang ang puntos na ambag nito, at puro si Romuel lamang halos ang nakakapuntos.

"Go, Leo!" I shouted. Nasa three-point lane 'to nang sumigaw ako. Saglit siyang lumingon at kumindat bago ihagis ang bola.

"Ang daming nakatingin sayo," Vettinah whispered to me.

Hindi sila sa akin nakatingin, kundi sa suot ko. I was wearing my usual outfit, pero ang pinagka-iba lang ngayon ay suot suot ko ang varsity jacket ni, Leo. He's marking his territory, dahil sa likod ng jacket na 'to ay ang buong pangalan niya.

From this moment, I know that we can't be friends anymore, because I will always see him as something else.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon