Chapter 37

18.4K 610 5
                                    

Umupo ako sa tabi ni Jeysi. He's my Architect on the team. Mabilis kaming nagkasundo, at pumatok sa masa ang mga gawa namin. Were friends, pero madalas kaming napagkakamalan na mag-jowa. Little did they know, na sa likod ng gwapo at matipong katawan na 'yan, ay isang pusong mas malambot pa sa mamon.

He's bisexual. Hindi siya bakla, pero bisexual siya. Magka-iba 'yon, but sometimes people tend to misinterpret it. Bisexual means attracted sa both sex.He has a boyfriend, pero iilan lang ang nakaka-alam non. Unico ijo siya kaya't nahihirapan siyang mag-open up sa parents niya.

Mula sa ilalim ng lamesa ay marahan ko siyang sinipa. Pasimple siyang lumingon sa akin na tila nag-tatanong. I gestured him to start the meeting.

He faked his cough and formally started the meeting. Isa isa niya munang ipinakilala ang miyembro ng team. It's my turn now. Lumingon siya sa akin upang ipakilala ako.

"And, she's Engineer Tat—"

"Tatiana Corsanes. We already know her. Proceed to the main agenda, please!" Ciara, rudely interrupted him. Mukhang nagulat naman 'to sa ginawa ng kapatid ko. Hindi niya siguro inaasahan na sasabihin 'yon ng kliyente namin.

I smirked and decided to introduce myself.

"I am Tatiana Cara Corsanes, head of the Engineering Team, and also the Engineer assigned for this project."

Palipat-lipat ang tingin nila sa amin. They surely feel the tension between us. Umirap siya sa akin kaya naman palihim akong tumawa sa aking isipan. One point for you, Tatiana.

"Okay," I cleared my throat. "Let's start. When did you want to start the renovation?"

"Renovation?" Ciara asked. Tahimik lang si Leo sa tabi niya, at nakikinig lamang sa amin. Madalas ko siyang mahuling tumitingin sa akin, pero hinayaan ko nalang.

"Excuse me, Engineer Corsanes," pagsingit sa amin ni Engineer Rosario. "I'm sorry for not informing you about the sudden changes. It's my fault. Nakalimutan ko po."

"What?!" Tiningnan ko ang mga 'to, ngunit nakayuko na sila at ang iba naman ay umiiwas sa tingin ko.

"Ms. Gaguan re-assigned us to take this project. She wanted the best team for his son's penthouse."

"What happened to the renovation of Soriano General Hospital, then?"

"Ibinigay kay Architect Cassandra." Si Jeysi na ang sumagot para sa akin. Napahilot ako sa sintido ko habang ipinoproseso ang sinabi niya. Bakit hindi ko alam ang tungkol sa bagay na 'to? At isa pa, penthouse?

Pinaglalaruan nanaman ba ako ng tadhana? Gusto nilang ako ang gumawa sa bahay nila? Well, I would love too. Sisiguraduhin kong pinakamura at marupok ang materyales na gagamitin, para kapag lumindol ay magiba at matabunan sila.

"Why, Engineer?" She mocked. "May problema ba?"

"Where would be the location then?" I asked, ignoring what she asked earlier. Fine! I'll accept it. This is purely business. I need to act like a professional, kaya hindi ko dapat isinasama ang mga personal na isyu sa aking trabaho.

"Tarlac," Leo answered.

Napasinghap ako sa biglang pagsagot niyang 'yon. It's his first time to join the conversation. Malamig at malalim ang kanyang boses. Ilang taon ko ring hindi narinig 'yon, at sana'y hindi ko nalang narinig ulit.

I noticed a bit changes in his figure. Naging maskulado 'to at manly tignan.

"What?! Darling, I thought we'd already talked about this? Gusto ko sa Bataan," pagrereklamo niya.

Ang labo niyong dalawa! Magpapatayo kayo ng bahay pero hindi niyo pa pala napag-usapan ng maayos. Aba, kung pagpapatayo pa lang ng bahay pinag-aawayan niyo na, dapat maghiwalay na kayo!

I faked my cough, trying to get their attention. Masungit na umirap si Ciara, at hinayaang si Leo ang magdesisyon.

We talked about a lot of things; kung kailan sisimulan, materials, things, designs, kung gaano katagal ang construction, at etc.

"It's settled then. Tatawagan na lang namin kayo kapag may changes na mangyayari. Let's meet next week for the designs."

"But, I can finish them until Friday," pagsingit ni Jeysi sa usapan. Napa-irap na lang ako sa kawalan dahil sa sinabi niyang 'yon. Nagiging mabilis siya magtrabaho, at nagiging mas masipag lang kapag gwapo ang kliyente.

"Thank you for trusting us." Tumayo ako at ngumiti, bago ilahad ang kamay ko sakanila. Tinanggap 'yon ni Ciara kasabay ng kanyang pag-irap. Habang si Leo naman ay malamig nalang na tinignan ang kamay ko.

I raised a brow dahil nangangawit na ako. Ang choosy niya kasi masyado. I noticed how his Adam's apple moved before accepting my hand.

Bolta-boltaheng kuryente ang nararamdaman kong dumadaloy sa aking katawan, dahil lamang sa simpleng pagdikit ng aming mga palad. Hindi ko na lamang 'yon ipinahalata at nanatiling kalmado.

"Kapatid mo 'yon?" Pag-uusisa ni Jeysi ng makalabas na ang mga 'to, at ang ibang miyembro ng team.

Tumango ako bago isandal ang likod sa upuan. Ngayon lamang naging maayos ang aking paghinga. I did not expect this! Kung alam ko lang sana ay nakapaghanda ako.

"We?! Ba't parang galit sayo?"

"Ex ko si Leo," I replied. Napatigil ako saglit sa aking sagot. Should I consider him as my ex? Nanligaw lang 'to dati, pero hindi kami nagkaroon ng label.

"I mean medyo ex."

Naguguluhan siyang bumaling sa akin dahil sa aking sagot. Should I acknowledge him as my ex? Wala naman kaming label noon tapos bigla na lang kami naghiwalay. Should I consider that as a break-up?

"Medyo ex, really?" Amusement filled his eyes as he looked at me. Mukhang ngayon niya lang narinig ang salitang 'yon.

"Ex suitor."

"Hala! Bakla ka ng taon. True ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro, Jeysi?" Tumawa muna siya bago tumayo at umalis sa tabi ko.

"Kaya pala."

"Kaya pala, what?" I curiously asked. Tumawa lang siya at hindi sinagot ang tanong ko. Lumabas na siya dahil madami pa daw siyang gagawing plates.

Lumabas na din ako at bumaba sa ground floor, para kumain ng brunch. Nag-order lang ako ng chicken fillet, sisig, at half rice.

I brushed my teeth after eating, dahil paniguradong mangangamoy sisig ako. Umakyat na ako ulit at ibinuhos sa trabaho ang oras ko.

"You're still here. Bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong ni Jeysi ng maabutan ako sa parking lot.

"Flat tire," sagot ko. Sumandal ako sa kotse at muling sumulyap sa exit door ng building.

"Are you waiting for Architect Cassandra? Sinundo siya kanina nung boyfriend niyang piloto."

"What?!" Iritable ko siyang hinarap. "Are you sure?"

Tumango siya at lumapit sa kanyang BMW, na halos katabi lang ng akin.

"Get in. Ako nalang maghahatid sayo," he offered.

Binuksan ko ang sasakyan ko at kinuha ang mga gamit ko.

"Bilis, te! May date kami ni Carlo!"

Napa-irap na lang ako sa kalandian niya. Sumakay ako at padabog na isinara ang pinto ng kotse niya.

Some of the employees saw us together. Malamang ay kung ano-ano nanaman ang iniisip nila. Well, gwapo naman kasi talaga si Jeysi. Matangkad siya na medyo payat, pero bagay naman sakanya 'yon. Shade of brown ang buhok niya, mahahaba ang pilik mata, matangos ang ilong at v-shaped na labi. Almost perfect na sana, kaso mukhang adik ang mata niya.

I secretly laughed on my mind. Gwapo siya, pero gwapo din ang hanap niya!

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon