Ika-apat

3 0 0
                                    


Talk.

Hindi ko magawa ng mabuti ang painting sa pagiisip kung paano ko kakausapin si Avan. Hindi ko alam kung paano sisimulan matapos ang lahat. Pero ang alam ko, kailangan ko nang tumigil sa kung ano pa man ang nararamdaman ko sa kanya. Ayoko yung may natitirang galit o ano paman. Gusto ko ng maging normal ang lahat.

"You've grown bigger Les. " napalingon ako sa likod ko ng may biglang nag salita

"A ate Anne? " ngumiti siya sa akin ng tinawag ko ang kanyang pangalan

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. It's been a year since we last talked, simula rin nung nagkalabuan kami ni Avan

"Can we talk for a while? "

Ramdam kong seryoso ang paguusapan namin ate Anne at sa kung anong bagay man yon, i need to be honest sa lahat ng mga sagot ko

Nakatingin ako sa kamay kong puno ng pintura at dahan dahan itong tinatanggal habang nakaupo kami sa ilalim ng Talisay.

"My mother never liked you. "

Bigla akong napatingin sa kanya sa agarang diretsahan na kanyang pagsasalita. Napayuko ako sa narinig.

I know.

"But my brother tried hard to keep you" nabuo ang munting ngiti sa kanyang mukha.

"Ate.. " wala akong masabi

"You grew up together Les. I just cannot believe that after all those years my mother still hates you." napangiti siya ng tila ibinalik yung mga ala ala namin.

"Alam kong you tried to avoid Avan because that's what my mother wants. But i want you with him. And i still like you for him even now."

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya ngayon. Matapos ang lahat. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong pusuan ni ate Anne para kay Avan.

"Ate, impossible na po yung sinasabi niyo. Not because Avan is back, lahat ng nararamdaman namin noon ay babalik rin. I want to be honest with you po, pero i don't think i could keep it with Avan. "

She gave me a glance then smiled.

"Damn. You've really grown. I can't manipulate you anymore. " tumawa siya ng mahina. "kahit si Avan ay yan din ang sinabi sa akin"

Namilog ang mata ko't napatingin sa kanya. Does he still even think of me?

"I don't believe you Celestine. I can see it in your eyes that you're pretending you don't feel anything for my brother anymore. "

Is it visible in my eyes? Wala na naman diba? Anger is one feeling left here. I know it well. Hindi eh.

"Ate wala na po. Mas mabuti na po yung ganito" tumawa lang siya sa sinagot ko.

"I'm here para ayusin ang mga requirements ni Avan sa pag transfer niya Les. And i think he made a right decision this time."

"O siya, mauna na ako. See you around." ginawaran niya ako ng ngiti then she walked away to me

Ate Anne made me think. She witnessed everything na namagitan sa amin ni Avan. Minsa'y nananahimik lang siya pero marami na rin ang iniisip niya. I can somewhere see myself at her. Siguro'y ganyan rin ako paglaki ko. But then Avan thingy? Nah. I might start not to believe anything about him.

Since he came back, siya nalang parati yung iniisip. I think i need to stop. Masyado na akong nagpapaapekto. I made it without him right? Maybe i can make it with him around. Matagal na rin yung lumipas.

I was making my way back to the drafting room. Nahagip naman ng tingin ko si ate Anne at Avan na naguusap sa Registrar malapit. May sinabi si Ate Anne kay Avan at tumingin sa akin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko lalo na nung tinanaw rin ako ni Avan. I don't know why but i feel like my heart froze.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's Meant To Be TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon