"Welcom back Avan!"
His name is sends shivers to my whole being.
Bigla ko na lang narinig ang napakabilis na tibok ng puso ko. Matagal na bago ko ulit ito marinig. Yun ay yung nakilala ko siya at ng nawala siya.
"Bro! Avan! namiss ka namin!"
Nakatalikod ako sa mga boses na naririnig ko. Hindi ko kayang humarap at hindi ko siya kayang makita. Isa lang ang gusto kong gawin ngayon. Yun ay ang mawala sa lugar na ito.
"So this means come back to the band? for good na ito diba Avan?" nagsalita si Kyo. isa sa mga kasama ni Avan sa banda bago pa siya umalis.
"i really don't know guys. Mas gusto ko munang makapiling kayo ngayon"
Naramdaman ko ang saya ng marinig ang boses niya. Alam kong hindi dapit ito ang maramdaman ko at dapat ay galit. Kinamumuhian ko siya pero hindi ko magawang ipakita sa kanya. Nanginginig ako at hindi ko alam ang sapat na dahilan kung bakit.
"Les. umalis na tayo?" bumalik ako sa sarili ko ng magsalita si Mara. Mukhang naiintindihan niya ako sa nararamdaman ko ngayon. nasaksihan niya lang naman ang lahat mula sa simula.
"Kung aalis ba tayo dito ngayon agad-agad hindi niya ako mapapansin?" sagot ko. Ayoko talagang magkita kami.
"I don't know Celestine. Let's just get you out here." napagtanto kong tama si Era. isa rin sa mga matalik na kaibigan ko.
"Les nakita niya ako. hindi ko siya matatangihan. Lalapitan ko nalang siguro muna tapos umalis na kayo dito. kailangan natin ng diversion." nagsalita si Kaira. Matalik kong kaibigan na pinsan ni Avan.
"No. kung makikita niya man ako o hindi, wala akong pakialam at hindi siya makikialam." ng matapos kong sabihin yun ay tumayo ako at lumakad papalayo sa lugar na iyon.
Wala na akong pakialam kung nakita niya ba ako. gusto ko ng umalis dito.
Nakaupo ako sa front row ng auditorium dahil may kasalukuyang program dito ngayon. Kami ang nagfacilitate since officers kami sa school council. Hindi ko naman talaga alam ang mangyayari ngayon dahil wala ako sa meeting pero tumulong naman ako sa pag hahanda ngayon.
Alingawngaw ng mga boses ng studyante ang buong naririnig ko. Hindi ko alam kung bakit napaka wild nila ngayon. Siguro ay gusto lang nilang i-enjoy ang freedom day.
"Guuuys! Kamusta? Nag enjoy ba kayo?"
Nabaling ang atensyon ko kay Angelo. Isa sa mga kasamahan namin sa students council na siyang Emcee ngayon. Kasama niya si Era.
"Katatapos lang mga games natin. At hindi pa iyon don nagtatapos! There's more!" masayang wika ni Era.
Bigla namang sumigaw ang mga studyante. parang talagang enjoy na enjoy sila.
"You want moore?" sigaw naman Angelo "This is more! Alam kong namiss niyo silaaaa!" dagdag ni Era.
Kumunot ag noo ko sa ingay na dinala ng babaeng studyante dahil sa mga tilian nila.
"Ang matutunghayan niyo ngayon ay tila reunion! matagal silang hindi nakatugtog ng kompleto dahil umalis ang isang kabanda nila. Gusto niyo ba silang makitaaaa?"
At ang pinakamalakas na sigaw na siguro ng buong school ang narinig ko. Napatakip ako ng tenga dahil dito. Parang alam ko na kung ano ang mangyayari. at napailing ako ng napagtanato kong tama pala ako.
"Let us all welcome back! the Hyperion Band!"
Tuluyan ng nagkagulo ang buong auditorium. Napatingin ako sa likod at nakita kong nagpapaluan ang mga freshmen at tumatalon rin naman ibang studyante. Sayang saya sila sa pagbabalik ng Hyperion. Ganon din naman ako pero iba ang naramramdaman ko ngayon.
BINABASA MO ANG
It's Meant To Be True
Teen FictionCelestine was ought to be happy and contented after someone left. But then what would happen if her first heartbreak came back to their common school and make her feel his presence again? Is feelings going to come back? Or he's just another hop-to-b...