Naglalakad ako sa corridor patungo sa classroom ko. This is going to be long day, i think.
Diretso ang lakad ko habang nginingitian at binabati ang mga kakilala ko pero nabaling ang atensyon ko sa isang classroom kung saan ay maingay. Napatigil ako.
Nakita ko si Avan na dinudumog ng mga kaklase niya. nakatalikod siya akin at suot na ulit ang uniform ng school. He's totally back. Simula ng bumalik siya ay tanging boses lang ang narinig ko sa kanya. Hindi ko magawang tingnan siya at ngayon pa lang. sa malayuan at nakatalikod pa. Naisip ko tuloy kung nakita niya ba ako. Napansin kong tumangkad siya at medyo pumuti.
Napatingin sa direksyon ko si Rancis. Nakita kong malamig ang mga titig niya. Wala akong nagawa kundi ngitian nalang siya. Nawala ang mga malalamig niyang titig at nginitian din ako. Kumaway siya sa akin at kinawayan ko naman pabalik. Pinagpatuloy ko ang paglalakad at di nalang yon pinansin.
Nang makarating ako sa classroom ay malolokong ngiti ng mga matalik kong kaibigan ang sumalaubong sa akin.
Pilit ko silang nginitian pero pinagtawan nila ako.
"nasaan na ang signature smile mo Les? na miss ko yun ah!" halakhak ni Mara at sinabayan naman ni Era at kaira.
umupo ako sa harapang nila dahil wala pa naman ang teacher namin.
binalingan ko si Kaira. "Kai, bat' di mo sinabing babalik pala siya dito"
"Akala ko kasi di kana interesado. Haha!" Napailing na lang ako sa sagot ni Kaira. kung ano nalang ang sinabi ng mga kaibigan ko. nakisabay nalang din ako sa pagtawa
"Ay! alam mo kagabi, may tumatawag kay Av!" Nalipat ang atensyon namin kay Kaira.
"nakakatawa nga eh, ayaw niyang sagutin pero tawag ng tawag! kaya si Ate pinakausap niya."
"Oh, tapos?" Si Era
"Ayun pinagtripan nila ng mga pinsan ko. Nakakatawa ang mukha ni Avan. iritang-irita!" napangiti ako. namiss ko na rin yung mukha niyang ganon.
" Tingin ko may gusto yun kay Avan, ang OA ng mga text eh, pinabasa niya ako." tawa-tawang wika ni Kaira
"Classmate niya daw dun sa dati niyang school."
"Bat' ba siya bumalik dito?" Hindi ko mapigilan ang magtanong.
"Hindi niya daw gusto dun, tyaka nandito kami at mga kaibigan niya kaya bumalik siya. Nakakamiss daw kasi, lalo ka na daw." Humalakhak si kaira at sinabayan ulit ni Era at Mara
"Tumigil ka kaira. Di nakakatuwa!" umiiling akong humarap sa blackboard.
"Kunwari ka pa Celes, kinikilig ka lang eh." Humalakhak na naman sila. Mga baliw ang kaibigan ko.Napatigil lang sila ng biglang dumating ang teacher
Recess at pumunta kami sa cafeteria para kumakain.
Nakaupo kami sa table sa gilid at kasama ko ngayon Sila Kaira, Era at Mara. Wala silang ibang ginawa kundi pausapan yung crush ni Kaira sa ibang school na nakilala nila sa sports fest last month. Halakhak lang kami ng halakhak sa pula-pulang mukha ni Kaira. Di rin siya tinigilan ni Era sa pagnunukso.
Napatigil kami ng lumapit si Lucas. Pinsan rin ni Kaira nakisabay din siya sa amin sa panunukso sa babae. Di nagtagal ay lumapit narin ang mga classmate ni Lucas sa amin. Hindi naman kami nahirapan makibagay kasi mga kaibigan din naman namin sila nung campaigns.
Tumabi sa akin si Aron. Ngumiti ako sa kanya at ganon din siya. Isa rin sa hinahangaan dito sa school si Aron. Di maipagkakaila ang kakisigan ng kanyang pangangatawan at moreno. Gwapo ikanga nila. Magaling din siya sa table tennis kaya maraming nagkakagusto sa kanya. Crush ko nga to dati eh, nung umalis si Avan pero di rin nagtagal. Ang hirap din kasi i divert.

BINABASA MO ANG
It's Meant To Be True
Teen FictionCelestine was ought to be happy and contented after someone left. But then what would happen if her first heartbreak came back to their common school and make her feel his presence again? Is feelings going to come back? Or he's just another hop-to-b...