chapter1

4.7K 50 0
                                    







__

NADIDISMAYANG sinimangutan ni sofia agnes alvarez o"pia" para sa nakararami ang sarili niya sa harap ng salamin.

"Kainis ang buhok ko,ayaw talagang sumunod.at nakaka inis rin si wilma zaragoza hindi niya ako sinipot ngayong araw dapat ay mag-aaral kami ngayon para sa final exams sa susunod na linggo.ngayon pa siya nag katrangkaso.

Nakasimangot at nag hihinutok na sabi ni pia sa sarili sa harap ng salamin habang nagba-brush ng buhok niya at sinusubukan itong pasunurin, pinaikot niya ang dalawa niyang mata sa tindi ng pag kayamot at tumingin muli sa salamin sa sarili niya--Sa babaeng maputi, may kulay-itim na buhok na hanggang dib-dib niya ang haba,may itim ring mga matang masyadong malaki para sa kanyang mukhang may kaliitan may mahahabang pilik mata na talagang kapansin pansin. Ganito niya ilarawan sa isip niya ang kanyang mukha.
at muli ay sinubukan na naman niyang pasunurin ang kanyang buhok hanggang sa sumuko na siya. Wala na siyang pag pipilian kundi itali ang pasaway nitong buhok at umaasang magmumukha na siyang presentable kahit papaano.

May sakit ngayon si wilma na malapit niyang kaibigan simula high school actually limang taon na silang mag kaibigan. ngayon ay nasa cavite ito habang nag papagaling dalawang araw na kasing pabalik-balik ang sakit nito kaya napag pasyahan na niyang umuwi ng cavite para makapag pahinga bago pa man ito mag kasakit ay nangako na ito ngayong araw na mag sasabay silang mag aral sa apartment ni-na pia ngunit naalintala iyon ngayon. nito kasing nakaraang linggo pana'y aral ang ginagawa ng kaibigan niya para sa nalalapit nilang final exams at bukod pa do'on editor din siya ng school at masyado ng marami ang kanyang ginagawa dahilan kaya siya nag kasakit.

At dahil nga nag iisa nalang si pia na mag aral ngayong araw.alas otso ng umaga ay nag simula na siyang mag aral at gumawa ng essay.

"Sayang wala si wilma! Balak pa naman sanang mag paturo sa kanya ngayon. Pero debale tatapusin ko muna itong essay kong "tess of the d'unbervilles.

Kausap ang sariling tila nag hihimutok pa rin.habang naka upo sa harap ng study table niya.

Alas nuwebe ng umaga siya natapos sa pag aaral niya kasunod no'n ay nag pasya siyang tumungo sa trabaho niya ng mga bandang alas dose ng tanghali sa "gooding's hardwear store" ang may pinakamalaking shop ng hardwear sa buong lipa. si mrs.clayton ang matandang nakapag asawa ng dayuhan na nuknukan ng sungit buti nalang ay nasa U.S si mr.clayton at si mrs.clayton lang ang nag mamanage ng shop nila dito.
Ng pasukin ni pia ang entrance ng shop ay naroon si anna na isa pang nag babantay sa shop.linggo ngayon kaya naman kalahating araw si pia na mag tatrabaho dahil nag aral siya kaninang umaga apat na taon na siyang nag pa-part-time-job rito kaya naman kilala na siya rito maging si mrs.clayton ay ka-close na rin niya.

Naka tanktop at naka jeans lang siyang nag punta sa shop. naka taas ang buhok sa likoran nito na kanina pa niya inayos at may ilang naka bagsak na hibla sa likod niya at naka shoulder bag lang siya na maliit na hanggang sa balakang niya ang bagsak.

"Kamusta?

Malakas na bati ni anna ng mapansing pumasok sa pinto si pia, walang makikitang bakas ng pag ngiti sa mukha at mukhang hindi mababasa ang nasa isip nito.

"Ayos lang? Dumating na ba si mrs.clayton?

"Oo kaninang mga alas diye's ng umaga pero umalis rin agad dahil pupuntahan daw niya ang kasal ng anak niya sa maynila.

"Ngayon pala ang kasal ng anak niya?

"Oo.

"Hindi ba ako hinanap ni mrs.clayton?

"Hindi? Sanay na siya sayo pia kaya hindi kana niya hinahanap.

Wala siyang reaction ng sabihin iyon kaya hindi tuloy malaman ni pia na nag bibiro lang ba ito o hindi pero sanay na siya rito kaya naman nag kabit balikat nalang si pia para sa kanyang sagot..

To Love Again (#Adultonly)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon