NAPAKATAHIMIK,malamlam ang ilaw. Komportable at mainit ang pakiramdam ni pia sa kamang kanyang hinihigaan, unti-unti niyang minulat ang dalawang mata niya sa isang sandali tahimik at payapa ang isip ni pia.ninanamnam ang kakaiba at hindi pamilyar na kapaligiran sa kanya.malamig at mabango ang paligid.
"Na-nasaan ako? -- pananakha niya sa sarili.luminga linga siya sa buong kapaligiran ng silid sa tansya niya ay malaki na ito sa buong bahay nila sa apartment.
Ang headboard na nasa likuran niya ay may korteng malaking araw. malaki at maaliwalas ang buong silid, may mamahaling kagamitan na kulay tsokolate,ginto at beige.
Nag pupumilit ang nalilito niyang isip kung nasaang lugar siya at pilit na inaalala ang mga imahen sa isip niya na kailan siya huling naka puwesto.Sa pag kaka-ayos ng katawan niya halatang sinadya siya roon.
"Oh my anong nangyari sa akin??, nasaan ako??anong lugar ito?
maraming naging tanong mula sa isip niya,naalala niya ilang oras pa lang ang kakaraan mag mula ng mag kasama sila ni matthew at masayang kumakain at umiinum ng white white..
Unti-unting bumalik ang pira-pirasong ala-ala ng nakaraan, naalala niya na nasa resort and hotel nga pala sila, sumulyap siya sa buong katawan niya pinakiramdaman. ganoon pa rin ang suot niya wala nga lang siyang sandals na suot. Natakot siya at nag aalala kung ano ang ginawa sa kanya ng binata matapos niyang mahilo at maka tulog.ngunit paniguradong wala itong kung ano mang ginawa sa kanya dahil maayos ang pakiramdam niya walang masakit sa katawan niya.Sumulyap siya sa bedside table, naka patong doon ang cellphone niya at tubig na malinis.
Maya-maya lang may kumatok sa pinto. Natakot si pia at parang ayaw lumabas ng boses nito. Ngunit bumukas pa rin ang pinto at may biglang pumasok. si matthew ang pumasok doon at mukhang nag palit ito ng damit naka sweatpants siya na maganda ang baksak mula sa balakang niya at naka T-shirt na kulay abo basa ang kanyang buhok mukhang bagong ligo. Naka ngisi ito na lumapit kay pia mula sa kamang hinihigaan nito.
"Hmmp!!..hindi ko alam na madali ka palang malasing.-- kasabay nito ang nakakalokong ngiti naupo siya sa kama na tama lang ang layo mula kay pia.
"H-ha? H-hindi no!..-- namumulang sabi ngunit hindi derektang makatingin sa binata dahil sa kahihiyan.
"Owss!!.tanda mo ba ang nangyari kanina naka ilang inum ka ng wine, hindi naman gaanong nakakalasing ang wine,pero marami kang nainum kaya ka nalasing.-- sabi ni matthew na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.
"Ah??..hehe! Ganoon ba? -- nahihiyang sambit ni pia..
"Akala ko ba maalam kang uminum ng alak?
"ang totoo ,first time ko lang kanina..
Lumawak muli ang ngiti ni mathew. habang si pia ay naka angat na ang kalahati ng katawan sa kama.at marahang itinungo ang buong mukha at tumingin sa kama niya na nakapatong sa hita niya. Ilang sigundo ay biglang pumasok sa isip niya kung nasaan siyang lugar ngayon. kaya muli niyang binaybay ang buong silid mula sa puting pintura nito hanggang sa painting na naka sabit sa pader..
"Nasa hotel ka sa suite ko.. minabuti kong dalhil ka dito para maka tulog ka ng maayos..-- pormal nitong sabi ng mapansin na inuusisa ni pia ang buong paligid sa pamamagitan ng mata.
"A-ano naman ang nangyari pag katapos mo akong dalhin dito.
"Kita mo naman diba iyang suot mo ganoon pa rin walang pinag bago.. hiniga lang kita diyan,yun lang!!..
"Mga ilang oras akong tulog?
"Mga anim na oras na,mukha kasing puyat ka rin kagabi kaya humaba ang tulog mo..
![](https://img.wattpad.com/cover/85605797-288-k477229.jpg)
BINABASA MO ANG
To Love Again (#Adultonly)
RomantikNang maging costomer ni sofia alvarez ang estudyante at anak nang kilalang bussiness woman na si matthew rodriguez sa shop kung saan siya nag ta-trabaho ay agad na siyang nahulog sa maamong mukha ng binata,at di nag tagal ay nag kapalagayan sila ng...