chapter6

871 22 0
                                    








Maya-maya ay lumabas na sila ng candirella restaurant,ang kaninang mabango at malamig na nang galing sa aircon ng restaurant ay napalitan ng lamig na nag mumula sa hangin sa labas..
Buong galang na pinag buksan ni matt ang dalaga sa kaninang puwesto nito sa tabi ng driver.

Nag aalangan na pumasok si pia, hindi niya alam bigla nalang siyang natakot sa binata kapag naalala nito ang sinabi nito kanila lang sa restaurant nang sabihan niya ito ng bakla "ang tanga mo kasi pia bakit ba nag tanong ka sa kanya kung bakla siya" kainis itong bumanganga ko..

pumasok na si matthew sa loob ng sasakyan at sabay ring sinara ang pinto ng malakas at nang akmang mag i-is-strat na ito nang sasakyan ng mapansin niya mula sa gilid ng mata niya ang takot na takot na si pia sa sobrang takot nito ay niyakap nito nang dalawang kamay ang shoulder bag niyang kulay pink at may prints na maliliit na bunny,mahigpit niya itong hawak at kinakagat-kagat pa ang labi sa ibaba at mukhang tensyonado na naka tingin sa bintana, palinga-linga ang mga mata at namumula ang dalawang pisngi.

Hinarap niya rito ang mukha niya para suriin kong anong nangyayari kay pia..

"Nilalamig kaba?" Hahawakan niya sana si pia ngunit iniwas nito ang kanyang kamay para hindi mahawakan ni matthew.
Nag taka si matt at hindi parin nag sasalita ang dalaga.

Ilang saglit pa naalala niya ang sinabi niya kanina rito bago sila tuluyang umalis nang restaurant...

"Iniisip mo ba ang sinabi ko kanina?,

"H-hindi ha?" Nauutal na tinanggi ni pia ngunit hindi parin maka tingin ng derekta kay matthew.

"Huwag kang mag-alala hindi ko gagawin iyon gaya nang sinabi ko kanina, hindi ako ganoong klase ng lalaki.kung papayag ang babae at binigyan ako ng permiso,saka pa!.

...

MAAGANG pumasok si pia sa school at nag punta sa library para mag-aral.sa kalagitnaan habang masuyong nag babasa si pia ng libro nang hindi niya maiwasan na masagi sa isip niya si matthew lalo na ang mga pinag-usapan nila kagabi parang awtomatikong nag p-play iyon sa recorder niya sa isip at inu-ulit-ulit ito, lalo na nang mapag usapan nila ang tungkol sa sex life nila. tila may kakaiba siyang naramdaman sa katawan niya ngayon habang iniisip ito. Lalo pa ng maalala niya ang titig sa kanya ni matthew mula sa mukha at sa dalawang mata pababa hanggang sa dib-dib niya hindi niya maintindihan kung bakit nakakaramdam siya tila sigla sa loob ng katawan niya at nabubuhay ang dugo na dumadaloy sa ugat niya sa tuwing naalala ang nag aapoy na titig sa kanya ng binata.

"Pia? Wow! Ang aga mo ngayon ah?

Nagulat si pia nang may biglang may nag salita mula sa likod niya.luminga siya rito at nakita niya si wilma na nag lalakad palapit sa ka kanya naka sakbit ng handbag sa kanang braso at may dala-dalang laptop.masaya ang mukha na hinila ang silya malapit kay pia at doon ito naupo binaba niya ang kanyang laptop sa ibabaw ng lamesa kung saan tahimik na nag-aaral si pia..

"Kamusta ang date ninyo kagabi ni mr.rodriguez ?" Naka ngiting tanong ni wilma habang binuklat ang laptop at binuksan iyon.

"H-ha? O-ok naman?

"Iyon lang? Mag kwento ka naman tungkol sa nangyari sa inyo? Ano?. kayo na ba? -- sunod-sunod na tanong.

"hindi pa, kumain lang kami at nag kwentohan,yun lang?..

"Talaga? Tungkol saan?

"Sa buhay namin sa isa't isa,.. Actually tungkol lang iyon sa"masarap ba maging anak ni mrs.rodriguez at kung ano pa..at kung ano-ano pa? LOVE LIFE KO SEX LIFE KO!!..(='.'=) "sigaw ng isip ni pia..

To Love Again (#Adultonly)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon