chapter11

728 14 0
                                    







"KAMUSTA kahapon? nag date siguro kayo ni mr.rodrigiez kahapon." Anya ni anna..

"H-hindi no!."mariing tinanggi ni pia.

"Weh!!.. eh bakit ka niya dinalaw dito? Syempre para ayain ka mag date kayo..

"Tumigil ka nga anna... hindi talaga promise..

"Promise? Mamatay ka man ngayon? -- tumaas ang isang kilay ni anna at tumingin kay pia na nag sasabing nag sisinungaling ito..

"Oo!!.. " kukurap-kurap si pia sa kanyang mata na sinalo ang mapanganid na mata ni anna.. "akala ko si wilma lang ang may ganitong karisma ng kalokohan,pati rin pala itong si anna..

"Ok balik sa trabaho..-- lumakad si anna papunta sa kabila na parang walang nangyari. huminga ng malalim si pia ng umalis na si anna sa harap niya..

"Totoo ba iyon pia?" -- sulpot naman ng boses sa unahan niya, pag alis ni anna mukha naman ni john ang nakita niya..

"Ikaw pala? John? Kanina kapa??

"Medyo? Pero narinig ko ang pinag uusapan ninyo ni anna, pumunta siya dito, alam ko? tungkol na naman kay matthew rodriguez,Hanggang sa shop siya pa rin, hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa lalaking iyon bukod sa magandang lalaki siya..-- naka simangot na pag hihimutok ni john..

"John? !! Pag uusapan na naman ba natin siya?..

"Ahh!!. Alam ko na dahil rodrigiez siya at anak siya ni emely rodriguez na mayaman,makapanyarihan na negosyante syempre balang araw kahit hindi siya mag aral ay sa kanya na ipapamana ang comapanya nila diba,iyon ang gusto mo sa kanya ,ang pera niya!!.. -- pag papatuloy pa nito.

"A-ano? Anong pinag sasabi mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo??? H-hindi ako makapaniwala na ganyan pala ang tingin mo sa akin mula pa noon?..-- nanunuyang sabi ni pia na tila tumataas ang boses sa mga narinig na insulto galing kay john..

"Akala mo ba hindi ko alam? Ha!! Diba nga kinakaibigan mo si wilma dahil parati ka niyang nililibre,siguro ay ganoon na rin ang ginagawa ni matthew sayo ngayon,kumakain kayo sa mamahaling restaurant tapos bibilhan ka niya ng pang shopping mo tapos bibigay ka na sa kanya, pupunta kayo sa isang hotel at doon mo ibibigay sa kanya ang lahat lahat, siya lang talaga ang hinihintay mo para ligawan ka niya!!.. -- dag dag pa nito..

Parang sasabog sa galit ang dib-dib ni pia sa mga narinig na pang iinsulto sa kanya ni john, hindi niya akalain na sasabihin nito sa kanya iyon..

"Tumigil ka n john, wala kang karapatan na sabihin iyan wala kang alam..huwag mo akong sabihinan na parang napaka baba kong tao.. hindi ako ganoong klase ng babae.. -- nanginginig siya sa galit, namumugto ang mga mata niya.. lumabas ang matinding emosyon niya..

"John? Tumigil ka sa mga sinasabi mo kay sofia.. tama na." -- singit ni anna sa dalawa ng marinig ito ang pag tatalo sa pagitan ng dalawa.

Ang sama mo john felix? Hindi kita mapapatawad sa mga sinabi mo!!....
Ang sama mo john!!.... paulit-ulit na sabi sa isip ni pia,galit na galit siya pakiramdam niya ay gusto niyang mag wala ngayon, pinipigilan lang niya ang kanyang sarili...

ng sabihin ni anna parang tila nahimasmasan si john sa mga sinabi niya tumungo siya na may halong pag sisisi ang mg mata..

"Im sorry pia.!!..-- mahinang sambit na may pag sisi sa inilabas na salita..

"Tumigil ka huwag mo akong kausapin..-- mataas ang boses na sinabi ni pia na pilit na pinipigilan ang luhang lalabas sa mga mata niya na no'oy pumapagilid na..at kunti nalang ay papatak na, pinipigilan niya ang maluha dahil kapag pumatak na ang luha na iyon ay tuloy-tuloy na ito at parang walang katapusan.. ayaw niya iyon mangyari dahil nasa oras siya ng trabaho, nanginginig ang kalamnan niya sa itinatagaong galit..

To Love Again (#Adultonly)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon