Chapter 4

4 0 0
                                    

[One Fate]

Chapter 4

A L Y A N N A

"Prepare yourself because you'll be now a student in Claire de Lune University tomorrow. Don't worry the documents was already done and the things you need are now inside of your room so you can go now to your room and enjoy yourself" mahabang paliwanag ni Jungkook. Okay pansin ko lang english siya ng english, yung totoo? Taga saang planeta ba talaga sya?

"Gusto mo ng translation?" Tanong ni Rapmon sakin. Aba! Minamaliit niya ba ako?!

"No thanks" sabay irap ko sakanya. Oh ha! Marunong talaga ako mag-english! Hindi lang halata!

Pumunta na lang ako sa room ko raw na nasa ikalawang palapag. Nakita ko naman kaagad yung kwarto ko na may numero daw sa ibabaw numero 5926711 oh ha pati yung numero ang haba psh.

Pagpasok ko ay namangha naman ako sa nakita ko. Wow ha! Special Treatment rin pala ako rito? Akala ko magiging buhay impyerno ako dito tsk.

Yung walls ng kwarto ko ay kulay light blue tapos may mga iba't ibang paintings dito na gawa ko. Wait teka, pano nila nakuha to? Aish ewan ang importante kasama ko ang mga masterpiece ko awiiee hehe. Tapos nakita ko rin ang mga gamit na hindi ko alam kung para saan pero sa tingin ko ito siguro yung sinasabi ni Jungkook sa akin kanina. Mga gamit na gagamitin ko bukas.

Pinagmasdan ko ng maigi yung magiging kwarto ko hanggang sa may nakita ako isang maliit na bagay na tumutunog tapos umiilaw. Teka ano yun? Hindi kaya patibong?

Nilapitan ko ang bagay na yun pero patuloy pa rin siyang umiilaw. Teka parang familiar sa akin ang ganyan ah? Saan ko ba nakita yan? Hmm...ay ewan kakapagod mag-isip bahala na nga.

Kinuha ko ang maliit na bagay tapos tinitigan ko lang. May nakalagay na 0942******* is calling...Answer or Reject. Huh? Hindi ko siya naiintindihan. Anong gagawin ko dito? Eh kung pipindutin ko? Wala naman sigurong mawawala.

Tiningnan ko muna ang paligid ko tapos pinindot ko yung Answer ang nakalagay then bigla na lang yun nagsalita.

"Ay butike!" Nabitawan ko yung maliit na bagay nang nagsalita naman siya ulit. Wow! Ang cool! Nakapagsalita siya!

"Aly?" Isang boses lalaki ang tumawag sakin. Teka kilala niya ako? Paano?

"Sino ka?" Tanong ko sakanya.

"Aly? Aly! Taehyung to!" Sigaw niya sakin. Whaaat? Si Taehyung ay nakulong sa maliit na bagay na yan?

"Taehyung? Anong nangyari? Bakit naging bagay ka? Sinong may gawa sayo nito? Paano?" Patuloy-tuloy kong tanong sakanya pero tumawa lang siya.

"Abat loko ka ah! Tinawanan mo lang ako habang ako rito ay alalang alala sayo bwesit ka!" Galit kong sabi sakanya.

"Chill lang Aly, isa itong technology device na gawa ng mga tao na tinatawag nilang cellphone. Ginagamit ito upang makapagkomunikasyon tayo sa mga tao na nasa iba't ibang lugar at gumagana lang ito kapag nasa mundo ka ng mga tao" mahabang paliwanag ni Taehyung.

"Kung ganun, bakita nakagamit ka niyan eh wala ka naman sa mundo ng mga tao" sagot ko sakanya tapos pinulot ko yung cellphone raw na nabitawan ko.

"Nasa mundo ng mga tao ako ngayon at malapit lang ako sayo" sabi niya kaya napalingon naman ako labas ng kwarto ko. Agad ko itong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at nakita ko naman si Taehyung na hawak-hawak yung cellphone.

"Taehyung!" Tawag ko sakanya tapos niyakap ko siya ng mahigpit!

"Kalma lang Aly, hindi naman ako mawawala sayo eh. Iyong iyong na ako" ngiting ngiting sabi niya. Napabalikwas naman ako tapos sinamaan ko siya ng tingin.

"Wag mo ngang sirain ang moment ko. Ayan tuloy napa-english ako aargh. Masaya lang ako na may kasama ako dito sa mundo ng mga tao" sabi ko sakanya tapos pumasok ako ulit sa kwarto ako at napahiga sa kama kong malambot habang siya ay umupo sa gilid.

"Paano ka pala nakapunta dito?" Tanong ko sakanya.

"Tumakas ako" sabi niya na ikinabigla ko.

"Ano?! Bakit naman?" Tanong ko sakanya tapos tumawa lang siya ulit.

"Ano ba pinagtitripan mo naman ako eh" pagtatampo ko sakanya.

"Humingi ako ng permiso sa ama mo na sasama sayo upang bantayan ka pero ang totoo talaga ay gusto kitang makasama kaya ayun inaprobahan lang rin niya dahil hindi niya kasi matitiis ang kagwapohan ko" paliwanag niya. Aba parang humangin ata?

"Ang yabang mo! Pero salamat dahil sinamahan mo ako. Akala ko magiging aburrido na ang buhay ko dito" sabi ko tapos tumagilid akong pahiga sa kama.

"Hahaha syempre ikaw pa! Ikaw na rin kasi ang palagi kong kasama sa Kaharian ng BTS nung bata pa tayo" sabi niya

"Matulog ka na nga lang, pagod na kask ako eh. Saan ang kwarto mo?" Tanong ko sakanya.

"Sa tabi ng kwarto mo" sagot niya.

"Nagka-usap na ba kayo nina Jungkook?" Tanong ko

"Oo pero parang ang laki ng galit niya sakin" sabi niya.

"Wag ka ng magtaka, ganyan talaga yan. O siya matulog kana dahil may lalakbayin pa tayo bukas" sabi ko tapos naramdaman ko na tumayo siya tapos palayo papuntang pintuan.

"Goodnight" huling sabi niya tapos sinara na rin ang pinto.

One FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon