London Bridge, Olan Down

26 0 0
                                    

Malamig sa London. Walang buwan ang hindi nawawalan ng ulan.

Sa lugar ni Rowland, mas malamig ang mga tao.

Mula sa loob ng glass office nya, makikita niyang lahat ang kanyang nasasakupan.

Nandyang back and forth ang messenger. Nahihimbing sa pagkakatulog ang isang matabang accountant sa sulok. Walang tigil sa pagfi-flirt sa mga ka-opisina ang chubby ngunit sexy nilang PR. Walang tigil ang pagliwanag ng scanner ng copy machine habang tuloy-tuloy ang nagpo-photocopy.

Ubod sa efficient ang workplace ni Rowland (maliban sa matabang accountant). Walang project at business partner ang hindi nabibigyang pansin ng kanyang kumpanya. Kaya naman tuwang-tuwa ang kanyang ama, si Sir Henry Whittington, na iwan ito sa kanyang pamamalakad.

Ganon pa man, isang foreigner pa rin ang turing sa kanya ng ilang empleyado roon. Minsan nang nabastos si Rowland ng isang bruskong supervisor dahil Pilipino siya. At wala raw mangyayaring maganda dahil sa Pilipinas siya nag-masteral ng kanyang kurso, sabi ng sekretarya. Isinasantabi lamang lahat ito ni Rowland. Dahil sa totoo lang, lahat ng tsismis sa opisina ang nagpapa-andar sa kanya – sumisipag siya, lumalakas ang loob at wala naman siyang pakialam – after all, SIYA ang boss.

Ngunit hindi maikaka-ila, na ito rin ang nagpapa-lungkot sa buhay niya.

* * *

“Rowland, you’ve got to see this!”

O.A. sa excitement ang redhead na kasama ni Rowland habang namamasyal  sa Oxford. Si Samantha ang babaeng linta na nangblack-mail kay Sir Henry upang ipagkasundo siya kay Rowland at kung hindi ay malulusaw (liquidate) lahat ng shares niya sa bangkong pagmamay-ari ng kanyang angkan. Dahil mabait si Rowland, pumayag siyang makipag-date dito. Parang magnet ang atraksyon ni Samantha kay Rowland. Sa totoo lang, may fetish siya sa mga katulad ni Rowland na half-half ang lahi.

“Rowland, please luv, you move like a f***ing cow.”

Magandang-maganda si Samantha. May isang kilometro ang pila ng mga kalalakihan (at lesbians) na gusto siyang maging girlfriend. Pero katulad ni Madam Cony, saksakan din ng sama ng ugali. Parang tumatae ng mga pula at okray ang bibig niya kapag siya ay nagsasalita. Mapanghusga at mata-pobre kahit sa kapwa mayaman. Mataas ang tingin nya sa sarili, plus the fact na kalahi niya ang reyna ng England (kahit naman malayong kamag-anak na lang sila). Ewan nga ba ni Rowland kung bakit lapitin siya ng mga ganong klaseng tao. Parusa na yata ito dahil iniwan niya si –

“Rowland, why don’t you  f*** me here now?”

Saksakan din sa libog si Samantha. Sa isip ni Rowland, malaki ang problema niya. Gusto niyang makipag-sex sa ibabaw ng kariton na nadaanan nila sa palengke. Gusto niya doon sa fountain ng Trafalgar Square. Gusto niya sa loob ng glass office ni Rowland para makita ng lahat.

Ngunit gaano pa man ang tindi ng pag-uudyok, walang pinapayagan si Rowland sa mga hiling ni Samantha. Kapag umaayaw siya, sasabihan siya ni Samantha na siya ay isang “nothing but a f***ed up, gay heir”. Na sinasagot naman niya ng, “Samantha, luv, you’re a respected lady in this society – why don’t you act accordingly?” Na siyang ikatatahimik ni Samantha at sa loob-loob nito’y lalo siyang nate-turn-on sa sinasabi sa kanya.

* * *

Maraming naging acquaintance si Rowland hindi lamang sa London kung di pati na rin sa branches ng kumpanya nila sa Paris at Spain. Nire-respeto siya ng kanyang colleagues sa business dahil humahanga sila sa efficiency ng kanyang trabaho. At tunay na ipinagmamalaki siya ng kanyang ama.

Walang malapit na kaibigan si Rowland sa lahat ng mga ito. Kahit pa maganda ang pakikitungo niya sa lahat ng tao – sa isip nila ay isang makintab na plastic si Rowland na may hinihintay na kapalit sa bawat mabuting gawa. Isang pag-aakalang minana na mula sa kanyang ama.

Malamig sa London. Pero mas malamig ang mga tao sa paligid ni Rowland.

The Truth About HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon