Mari, Mari Chismax

24 0 1
                                    

"Aiiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!"

"P#+@, Mari! Nakakagulat ka naman! Bakit ba - "

"BAKLA!!!! May IPiiiiiiiiiiiiS! May IPIS!"

"yaaaaaaaaaaaaaaah! lahat ng cock welcome, wag lang COCKROACH!!!"

Parehong takot sa ipis ang mag-bestfriend na si Mari at ang baklang si Mama Red. 

"Red, patayin mo! patayin mo!"

"Eh bakit ako?! ay ANO BA YAN?! keri mag-fly all over!!!"

"Ikaw ang LALAKI eh!"

"Hoy anong LALAKwe?! BABAE ako! BA-BA-E!"

TSLOK. 

Patay ang ipis sa hampas ng wedge ni Mama Red.

Natahimik si Mari.

"O? Ano? May ipis pa ba?"

Umiling. Wala na daw. Tulala na. Napansin ni Red.

"Ay gets ko na, alaaaam ko na yang silence of the lambs na yan...hmmm! Luma na yan, girl!"

Napangiwi si Mari.

"Naalala ko siya, Red,"

"Si Boy Ipis!? Ha! Naku! Sabi ko naman sa yo - forget mo na! What? Lahat na lang ng mangyari today and ever, maalala mo siya, ganon?!"

"Eh, kasi naman..." napanguso si Mari." Hindi ko talaga na-gets - ever - bakit naman bigla siyang umalis kasi... Kamusta na kaya siya...?"

Kibit balikat ang bakla, "Ikaw, ikaw..alam mo, anTANGA mo. Sa totoo lang."

"Ha? O e bakit naman ako TANGA?"

"Gorabels na nga yong tao! Iniwan ka na, achy breaky heart na - 1 years ago! Tapos inaalala mo pa!?"

Tango lang ng tango si Mari. 

"Potek, Mari! Bahala ka nga! O yan ikaw magtapon nyan sa labas!" sabay tulak ng wedge sa ipis at lumapag sa paa ni Mari.

"YAAAAAAH!!!!"

 * * *

One year nang nakalipas nang umalis si Olan, pero sa puso ni Mari - dehins nangyari ang lahat.

* * *

"Mari! Mariiiiiiiiii!!! Anak ng tokneneng naman! Tulala ka na naman!"

Parang nagising sa panaginip ang hitsura ni Mari habang tinatampal-tampal siya ni Red sa pisngi.

"Red, naman eh, minsan lang!"

"HANONG minsan LANG? Mag-iisang taon ka nang ganyan! Kalerky! Kulang na lang ipasok kita sa mental, no?"

"Eh anong magagawa ko?"

"Hah? oh eto, eto," abot-abot ni Red ang hairdryer." Ayan, tulungan mo kong istreytin ang buhok ko, bilis, kelangan ganders na aketch pagdating ng aking jowawits!"

Si Mama Red. Sabihin nang bakla, Pero kung kagandahan ang kumpetisyon at padamihan ng naging syota, wala nang papanalo pang ibang bakla. Well, ibang baklang kilala ni Mari.

"Ewan ko sayo, Mari, ha? Grabe na yan, sobra na, bla bla bla bla..."

Hindi na narinig ni Mari ang mga sinabi ni Mari dahil lumilipad na naman ang isip nya.

* * *

Naalala nya tuloy nang una nyang dalhin si Olan sa parlor ni Mama Red.

Pinagkaguluhan siya ng mga baklang naka-tambay don. 'Anlakas ng sex appeal ni Olan! >_<

Inggit na inggit ang mga bakla kay Mari - kahit si Red, nong unang panahon e natipuhan din si Olan. Inulan tuloy sila ng mga biro.

"ay naku OWLEN, Iwan mo na yang si Mari! Bakit ka magtitiis sa shonget?!"

"Oooh-len, balitaan mo ko 'pag hiwalay na kayo, ha?"

"Mari, Mari, Mari! Naku - 'bigay mo na yang paparu mo sa kin! Di mo makakaya ang fressure! Ako - kayang-kaya ko! Pati ng PWET ko - PRAMIS!"

Na sinasagot naman ni Olan ng mahinahon at malambing na, "Kayo talaga, 'wag nyo na agawan si Mari - lab ko yan, eh." Sabay akbay at halik sa pisngi.

"Ooooh..." chorus ng mga bakla.

"Atsaka may darating din dyan para talaga sa inyo, malay nyo - MAS GWAPO pa!" dagdag ni Olan.

"Ahahahay!" nagkagulo ang mga bakla. " Yan ang gusto namin sayo, Olan! Bola ever!"

"Lucky strike ka talaga Mari kang LUKA ka!"

Joy to the world ang mga bakla kapag nandun si Olan. At lalong peace and happiness naman si Mari dahil alam na alam niyang hinding-hindi maaakit si Olan ng kahit ng pinakamagandang bakla sa parlor ni Mama Red.

* * *

"...eh di ba naman? di ba?"

PAK!

"ARAY naman!"

"Umaray ka talaga! Dahil tulala ka na namang bruha ka! Anobey?! Tingnan mo nga ginawa mo sa buhok ko?"

Nagulat din si Mari dahil nagkabuhol-buhol na ang buhok ni Red sa halip na mai-straight.

"NAKU! SORRY! Sorry! Eh saglit, saglit - ayusin natin!"

"Ako na dyan, Mari," ani Pluto, isang pang baklang parlorista."Okay lang, mare?" tanong kay Red.

"Buti pa nga - Ok go!"

"Sorry talaga, Red, a?" sambit ni Mari.

"Okay na, okay na, sige magpaka-lukring ka muna dyan...Oy Pluto bilisan mo!"

Napa-upo na lang si Mari sa isang tabi at muling lumipad ang isip.

* * *

"Ay naku Red, kaka-worry na yang si Mari ha." sabi ni Pluto. "Bakit ganyan pa rin yan? Tagal na huh.."

"Hewan ko ba dyan!" sagot ni Red. "Malakas tama e! Kita mo naman years before, di ba? Kahit tayo, agree na everybody na SILA na forever and ever!"

"Kaya nga! Nakaka-miss din naman si Papa O. Medyo malungkot na. Pag-naiisip ko siya, ahay, naPAPA-Orgasm ako ng di-oras!"

"Tse! Baklang to! Orgasm-orgasm wala namang VAGINA!" 

"Tomo!!!! Eh, Red, bakit nga ba umalis yang si Olan? Tas nakipag-break pa. Pwede namang hindi, di ba? Uso naman yang long-long distance love affair?!"

"Ewan, pero hula ko, me kinalaman jan yung Evil Queen na mudra ni Olan! Wansapanataym pa yang hadlang sa kanila eh, sa alam ko! "

"Oh? Meh ganong factor?"

"Oo! MERON! Tas I'm sure, meron ding OTHER girl na gusto yang si mudra para kay Olan, you'll see..."

Pause.

"Soooo, ano yon? Soap opera style? Drama-rama sa hapon, ganon?"

"Heh! BAKLA! Bilisan mo! Ayan na yung jowawits ko!"

* * *

P.S.

haha sorry sa walang kwentang update! tas super late pa! sorry talaga >_< medyo naging busy these  past weeks T_T 

The Truth About HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon