ONE YEAR.
Wala namang namatay. Pero...
1 year.
Parang babaang luksa - 1 taon mong ipagdadalamhati yung namatay? After non, dapat okay na.
Ang tagal pala.
1 year...
Bakit nga ba ako natagalan maka-move on? Move on na ba talaga to? Wala na ba talagang natitirang pangangalunya? Ito na ba yon?
Bakit iniisip ko pa rin?
Buti si Red. Kahit anong heartbreak, hindi naman siya nagha-hiatus ng 1 taon from the real world - di kagaya ko.
" - hindi mo kasi dapat ibinibigay LAHAT NG LOVE mo, girl. E di mauubusan ka na kung lahat na lang para sa kanya, da va?"
P*+@#6nang bakla. At mas magaling pang mag-advice keysa sa akin.
E, oo. Ibinigay ko talaga lahat. Dahil ginusto ko ih. Kamahal-mahal naman yung tao. Mygawd, sa 4 years, wala namang ginawang masama si Olan sa akin - DI niya ko NILOKO, DI siya NAMBABAE, wala namang PYRAMID scam na nangyare, o DRUGS o sindikato (ako pa nga ata ang nagdadala ng mga yun eh), DI siya pumatol sa BAKLA....yun nga lang - INIWAN naman ako ng basta-basta.
1 year.
Ano ba tong ginawa ko sa sarili ko?? Arrested development?
Nangako ba ko non na siya lang mamahalin ko? OO? Oo ba? Di ko matandaan... anu ba to...senior moment...?
Masakit lang talaga yung break-up. Speechless ako don ha. Wala talaga akong nai-imik non...
"Aalis na ko bukas," sabi ni Olan. Nagkita sila sa tagpuan nila malapit sa parlor. Masayang- masaya si Mari noon dahil nag-celebrate sila ng 3rd year anniversary ng parlor. Hinding-hindi niya in-expect ang susunod na mangyayari.
"O, saan ka pupunta? Gusto mo ba samahan kita?" tanong ko. Tingnan mo 'tong lalaking to, hindi nakaharap sa kausap.
"Mari, gusto ko sana tapusin na natin 'to," Aba! TUMALIKOD pa!
"Hah? Tapusin ang alin?" Dinampi ni Mari ang palad sa likod ni Olan, pero hindi talaga siya humaharap sa kanya.
"ITO! TAYO! Tapusin na natin to bago ako umalis,"
"Hah? BAKIT NAMAN? Teka, Olan -"
"Ano ba....Mari! Huwag nang madaming tanong, please? N-nahihirapan ako..."
Hindi na naka-imik si Mari. Don na yata nagsimula ang pagiging tulala niya.
Ayun. Humarap din. Pero maluha-luha na si Olan. First time tong nakita ni Mari. Nagsimula na ding mangilid-ngilid ang luha niya.
"Mari, huwag mo na akong hahanapin."
Titig.
"Hindi na din kita hahanapin."
Kurap. Kurap.Titig ulit.
"I'm so sorry- mahirap i-explain," pagpapatuloy ni Olan. Niyakap na niya si Mari. No response.
"Mari, MAHAL NA MAHAL kita, kaya - kaya kelangan....," stutter na.
Si Mari kuliglig na lang ang naririnig.
Matagal siyang niyakap ni Olan. Pero tulala na lang siya.
At sa palaging katapusan ng mga break-up sa pelikula, isang nagbabagang halik sa noo ni Mari, hatid ng yours truly.
BINABASA MO ANG
The Truth About Heaven
RomanceSaan ka ba hahantong kundi sa first love mo rin?[...ongoing...] Break-up of the century ang magtutulak sa isang di makapaniwalang Mari upang mag-hibernate sa real life. At ang nang-iwan na si Olan, para ma-guilty. Pero parang boomerang ang buhay...