Yung Tulad ng mga Flashback sa mga Telenovela

25 0 0
                                    

"Ma, bakit ang panget ni Papa?"

"Aahahahah, salbaheng bata ito! Haha, hindi panget ang Papa mo! Maganda lang talaga ang Mama, Mari."

"Ang yabang mo naman Mama, eh."

"Eh, bakit mo naman natanong kung bakit PANGIT ang Papa mo?"

"Tinutukso kasi ako sa school, Ma. Anak daw ako ng tsonggo."

"Araykupo. Ano bang pinapakain sa mga bata ngayon at ubod na ng salbahe?!"

"Eh, ano nga, Mama? BAKIT PANGIT SI PAPA???"

"Ganito kasi yan, anak..."

"Kukuha muna kong pagkain, Mama. Alam kong matagal kang mag-kwento eh."

"Aba't, hamo't bibilisan ko. O, noong baby ka pa, nagka-sunog yung inuupahan nating apartment --"

"Bakit nasunog?"

"Meron kasi tayong kapitbahay na tanga, anak. Ayun, nasunog. Habang nasusunog ---"

"Ano yung TANGA, Ma?"

"EH BASTA! O e-di-ayun-nasusunog-yung-bahay-wala-ang-Papa-mo-nung-mangyari-yon-naiwan tayo-sa-loob-pero-saktong-dumating-siya-bago-tayo-mabagsakan-ng-bubong-nadaplisan-ng-nagliliyab-na-kurtina-yung-mukha-ni-Papa-mo-sa-pagsagip-sa-ating-dalawa-kaya-pumangit-siya!"

"HA? Ang bilis mo naman magkuwento, Mama, eh!"

"Ay, NAKO, Mari! Lumalaki ka na nga! Ang kulit mo na, eh! O - ayan na pala ang Papa mo, salubungin mo muna."

"Oi, ang PANGIT kong anak sinasalubong ako!"

"MAS PANGIT KA, Papa! Hihi!"

"Alam mo na ba kung bakit pangit si Papa?"

"Oo, Papa! Kasi - "

"OPO, anak."

"O-PO! Papa! Kasi....mahal mo kami ni Mama!"

"Galing naman ng baby ko!"

***

Nagising si Mari. Kinabahan siya. Napanaginipan na naman niya ang Mama at Papa niya. Alam niyang kapag napanaginipan niya sila, may ipinaa-alam sila sa kanya. Tulad nung manligaw si Olan sa kanya. O nung umamin na si Ronaldo na bakla siya at  Mama Red na ang bagong tawag sa kanya. May mangyayari kaya?

***

"Red,"

"O?"

"Red,"

"Ano?"

"Red...,"

"Naging BLACK na yung RED! Ulet-ulet?! Ano ba yon?!" 

"Napanaginipan ko sila Mama."

Natigilan si Red sa ginagawang pagkukwenta ng sandamakmak na pera para sa payroll ng mga amiga. Inilapag sa mesa ang mga hawak na barya at saka tumingin kay Mari.

"O? E ano? Sa vibes mo may MANGYAYARE ganon?"

Tumango ang kausap.

"Baka MADE-DEVIRGINIZED ka na! CELEBRATION!" Nanlaki ang mga mata ni Red sa nabanggit.

"ULOL! BAKLA NA, BALIW PA!" Napahampas si Mari sa braso ng bakla.

"Aba, aba! NAKAKA-BALIW talaga! Hoy, ikaw, ikaw - ang tanda mo na, VIRGIN KA PA!"

"HOY! Nagsalita ang MATANDANG BAKLA! Magkasing-edad lang tayo no! Baliw!"

"Hahahaha! Oh NO, no, no way! Itong beauty na ito?! Ikaw ~ Losyang!"

Niyakap siya bigla ni Mari.

"Bestfriend, salamat, a? Alam na alam mo kung paano ako i-cheer up."

"Eh, ano pa vang role ko sa buhay kundi ito, di ba? Hanggang sa ma-devirginize ka siguro!"

"RED talaga!"

"Tigilan mo na nga akong LOSYANG ka! Help me na lang here! Ang dami ko palang utang sa payroll!

***

"PAPA, pa'no kayo nagkakilala ni Mama?"

"Nadulas ako."

"Nadulas ka?"

"Nadulas po kayo."

"Nadulas PO kayo?"

"Naglalaba kasi ang Mama mo sa tabi ng kalsada, anak. Nagmamadali ako sa paglalakad non. Nadulas ako sa iniwan niyang sabong panlaba sa nadaanan ko."

"Ah....o, eh, nadulas kayo, tapos magka-kilala na agad?!"

"AHAHAHAHA! Itong anak ko! HAHAHAH! Napaka-BIBO!" 

"Pag laki ko, Papa, maglalaba din ako sa tabi ng kalsada."

***

 Sorry, guys kung bitin. Windang pa sa exams >_<

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Truth About HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon