CHAPTER 2

26 0 0
                                    

Nandito na kami sa Starbucks at naka-upo na kami at umiinom ng Frap namin. Katabi ko si Light sa right ko at si Flame naman sa left ko, sa harao naman namin ay si Gravity at Athena.

"Alam mo ate, yung Casimir kanina...Iba kung maka-tingin sayo. Parang ang lalim." Athena.

"Huh? Adik ka lang talaga." Sabi ko.

"No I'm not, serious matter to. Parang may kamukha nga siya na kilala natin eh." Athena. Then uminom siya ng frap niya.

"Alam niyo kayong magpinsan talaga, malalandi." Gravity. Sinapak agad siya ni Athena.

"Aray! Amazon ka talaga! Kaya wala kang Boyfriend eh!" Gravity. Biglang namula si Athena, dahil sa inis. Natawa na lang kami nila Flame at Light..

"Kapal ng mukha mo uy! FYI, hiningi ni Clench yung number ko no!" Athena. Bigla namang natameme si Gravity.

Hmmmm....

"Tama na nga yan." Flame. Tumigil naman agad sila.

Tumayo ako para mag smoke ng sundan ako ni Light. Nagsindi din siya.

"Uhm, Max. Kamusta na pala kayo ni Tucker?" Light. Si Tucker Shane ang ex-boyfriend ko. Kaka-hiwalay lang namin last month because he cheated on me. Ngayon lang sa akin tinanong ni Light ito.

"Wala na, okay naman kami. Wala na kami, Light." I tried my best to smile pero hindi umabot sa mata ang mga ngiti ko.

"That fcking jerk. Unbelievable." Light. I saw him gritted his teeth.

"Light, okay lang ako. Yeah, we were together for almost 8 months, pero ganun talaga eh. Hindi lahat Happy Ending." Sabi ko.

"Sana pala hindi na lang kita ipinaubaya sa gunggong na yun." He whispered.

"Ano?" Tanong ko sabay hits.

"Sabi ko sana pala ginulpi ko na lang siya." Light. Sabay hits.

"Di na, okay na nga ako." Sabi ko. Oo, okay naman na ako eh. Naiinis na lang ako, kasi ang tanga ko. Sa buong relasyon namin ni Tucker, niloloko lang pala niya ako. He was my first boyfriend.

(I love you Max.....)

I shook my head, May kung anong boses ang pumasok sa utak ko. Hindi ko kilala. Pero bakit kilala niya ako?

"Max, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Light. Tumango na lang ako.

Bumalik na kami sa upuan namin at nagkwentuhan lang. Mga 8pm na rin ng maisipan naming umuwi. Nauna na kaming umuwi ni Athena, dahil tatambay pa daw sila. Typical kanto boys, Right? Hahahaha!

Pumasok na ko sa kwarto ko at humiga. Maya-maya ay pumasok si Athena sa kwarto ko at umupo sa kama ko.

"Ate Max, pwede bang buksan na yung aircon? Ang init kahit gabi na." Athena. Binuksan na niya.

"Malamang, summer nga di ba?" Pambabara ko sa kanya. Nag make face lang siya sa akin.

Tumayo ako at kumuha ng isang libro. Umupo ako sa tabi ni Athena.

"Alam mo ate Max, yung Casimir talaga parang may kamukha.." Hindi ko siya pinapakinggan dahil Casimir na naman. Kaya itinuon ko na lang yung sarili ko sa pagbabasa ng libro, matagal na nasakin itong libro na ito.

I don't remember buying this book. Minsan nga nagtataka ako kung bakit wala akong maalala kahit isa noong 13 years old and below eh. Basta ang alam ko nakilala ko dun si Light, yung una kong naging kaibigan. Na una kong minahal.

Hays.....Pag buklat ko ng pahina ay may naka-ipit na picture.

"Ikaw ba yan....Ate! Si Troyer yan di ba!?" Napatingin ako ng matagal sa picture. Oo nga ako ito at si troyer na magka-akbay at masayang-masaya.

"Ate Max, he looks like Casimir." Natulala ako sa sinabi ni Athena. Sht, kamukha nga niya. Hindi kaya si Troyer at Casimir ay iisa?

I'm Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon