I Hope....

7 0 0
                                    

---Christine----

Sumakay na ako ng elevator para makaalis na sa lugar na yun. Pero di nakalampas sa paningin ko ang mga matang seryosong nakatingin sa akin habang papasara ang elevator. Mga matang di nababakasan ng kahit na anong emosyon. Mga matang di nakakasawang titigan. Mga matang nakakita sa aking muling pagluha. Mga mata ng nagngangalang Mykell Jonathan Vonderson.

--------

Dumiretso ako ng uwi sa bahay. Tinext ko nalang sila para di na mag alala pa.

Nakaupo ako sa kama ko at nakaharap sa picture ni mama na nakalagay sa bedside table ko at kinakausap.

"Mama. Namimiss na kita. Gustong gusto kitang makasama pero alam kong hindi pwede at alam ko ding magagalit ka. Ayoko pa namang nagagalit ka. Ang sakit mo pa naman pong mangurot.. huhuhuu.. pero mama. Nakaka inis po sila. Wala naman po silang alam tungkol sakin pero ang daming nasasabi. Bakit po ba gustong gusto nilang pakialaman ang beautiful life ng iyong cutie pretty gorgeous daughter na si ako?"

Lagi ko 'tong ginagawa. Lagi kong kinakausap yung picture ni mama pag ang dami dami dami dami ko ng tanong sa sarili ko kahit alam kong wala akong makukuhang sagot. Pero kasi nakakapagpagaan din to ng ng nararamdaman ko eh. Lalo na't nahihiya na din ako kina Frea. Lagi nalang silang nandyan pag kailangan ko. Kahit na lagi nilang sinasabi na magkakaibigan kasi kami.

"Pero mama. Gaya nga ng lagi mong sinasabi. They don't know how beautiful I am inside. Pero kahit outside din naman mama, maganda din ako diba? Sabi mo din po yun. Hayy. Mama. Nasave ko po yung bata kanina. Pero po ulit... Di ko po nasave yung work ko po sana. Huhuhuu.. Ang sakit pa po ng balakang ko. Bakit po kasi mama ang ganda ko? Yan tuloy. Lapitin din ako ng disgrasya.... Aish. Tama na nga 'to. Papahinga na po muna ako mama. I miss you. Look over me from there Mama. I Love You."

Nahiga na ako habang nakatingin parin sa picture ni mama. Miss na miss ko na siya eh. 5 years na din ang lumipas. Ang tagal na din pala.

Kailangan ko nang magpahinga para makahanap na ulit ng trabaho. I hope may mahanap ako.

I HOPE...
-------------

Third person's POV

Pagkaalis ni Christine sa office ni Mr. Vonderson, ay siya namang pag alis din ng doctor na si Vince sa pinto at naupo sa couch sa sulok ng office ni Mr. Vonderson.

"That girl is weird. What do you think?" Tanong ni Vince sa kaibigan. Mula pa pagkabata ay magkasama na sila. At masasabing matalik na magkaibigan.

"I don't care" walang emosyong sagot ni Mr. Vonderson. Kilala bilang masungit at matigas na tao. Strikto pagdating sa trabaho.

"I know you care bro. Right?" Mapang uyam na sabi ni vince.

"Tss." Tanging sagot lang niya na ikinatawa ng binata.

"You know what? Why don't you just hire her? I know you're thinking on hiring her. Or want her to be yo----"

"Shut. Up." Pagputol niya sa sinasabi ng binata.

Tawa lamang ang naging ganti niya sa kaibigan. Di na siya nagsalita dahil baka makakita siya ng lumilipad na bagay papunta sa kanya.

Sa kabilang banda naman, ay kanina pa nagkakamot ng ilong ang dalaga.

"Ano ba naman 'to. Grabe. Kanina pa 'tong ilong ko nangangati. Sino bang talipandas ang nag iisip sakin? Sana naman maganda ako dun. Dahil kung hindi. Nakuuu lang. Ililibing ko siya ng buhay." Bulong niya sa kanyang sarili dahil kanina pa siya paikot ikot sa higaan at hindi makatulog.

*******



Kinabukasan*

Maagang nagising si Christine para maghanap ng trabaho, dahil mamayang hapon pa naman ang klase niya na ang kaibigan mismo ang may gawa. Paalis na sana siya ng bahay ng biglang tumunog ang cellphone niya na siya naman ikinagulat niya. May tumatawag kaya dali-dali niya itong sinagot without looking whose the caller.

"Hello. I'm the Goddess speaking!!!" all wide smile she say kahit na di niya alam kung sino talaga ang tumawag sakanya.

"Good morning Ms. Santillana. This is Ana Marie Bobis. The HR Secretary of MJV Group of Companies. I just want to say that your interview will be move today at 9 am. Just look for Ms Maora Kim. Thank you and Good luck."

Wala sa sariling nakatitig lang siya sa cellphone niya nung maibaba na ng kausap ang tawag. Para siyang natuod sa kinatatayuan. Di niya alam kung mae- excite ba siya o hindi. Kinakabahan, natatakot. Hindi niya alam kung bakit pa siya binigyan ng chance sa interview na yan. Eh hindi nga siya nakapunta kahapon. So she should be automatically out of their list. 

Hindi niya rin alam kung ano ang irereact niya kung sakaling magkita man sila ng lalaking nag ngangalang Mykell Jonathan Vonderson. Ang nagmamay ari ng kompanyang nais niyang pasukan. Ano nga ba ang dapat niyang maramdaman? Hindi na niya alam.

PERO... Pero.. KAILANGAN NA NIYA NG TRABAHO. Wala pa naman siyang ibang nahahanap na pwede niyang pasukan. Paubos na din ang budget niya.

Wala nama sigurong mawawala kung susubukan niya diba? Interview palang naman eh. Saka ang sabi naman si MS. Maora Kim ang hanapin ko. kaya baka hindi sila magkita ni Mr. Vonderson... Oo. Tama Tama..

She decided to go to her interview in MJV. She's thinking of positive thoughts para lang mabawasan ang kaba at takot na nararamdaman na hindi niya maintindihan kung saan nag mumula...

Tutal naman nakabihis na siya, dun na siya dumiretso. 9 am ang sabi sa kanya at 7:40 am palang pero umalis na din siya agad at bumiyahe. It's better for her to be there this early than to be late. This is maybe her last chance and she won't waste it. She's so damn desperate to have a new job.

And I hope.. Again.

The successful of my interview.
------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Beauty and He's My Beast... Boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon