Finding New Job

4 1 0
                                    

-Christine-------

"Nakakainis naman. Nachempohan pa na walang hiring ngayon.. Bwisit talaga ang mga mukhang bakla na yun. Grrr."  Eto ako ngayon sa kwarto ko. Nag ngingitngit sa pagkakatanggal ko sa trabaho at pag hahanap ng bago.

After ko kasi papalitan yung cheque kanina. Umuwi na ako at nagsimulang magsearch ng hiring ngayon. At sa kasamaang palad. Wala pa akong nakikita. Ilang sites na rin ang navisit ko,wala pa rin. Nagugutom na din ako. Pano, apat na oras na akong nakaupo dito. Huhuu.. So hard ng life sakin.

Tawagan ko nalang kaya sila Frea? Ay wag nalang pala. Saka wala pa akong balak sabihin sa kanila. Mag aalala lang yung mga yun. Next time nalang pag nakahanap na ako ng bagong work.

*ring.ring.*
(Calling Rena)

"Hello. Rena babes?"

"Tine babes. Anyare? 'Bat di mo agad sinabi? Nakakatampo ka"

Eh? Alam na niya? How? Pano? Kanina lang yun diba?

"Ha? A-ano ba yun?" Kunwari di ko alam. Hayst..

"NAKAKAINIS KA TALAGANG BATA KA!!!! DI MO KAMI SINABIHAN AGAD NA WALA KA NA SA TRABAHO MO!!" nailayo ko agad ang phone ko. Grabe. Balak ata niya na mabingi ako. Pero.... alam na niya. O? Nila?

"Alam mo na? Alam na din ba nila? Saka pano mo nalaman?" Tanong ko.

"hayyy.. Galing kami dun ng boylet ko. You know. Dinner date. Then when I ask your coworker..... "

"Not anymore.." I cut her word.

"Ok. NOT anymore. But when I ask where you are, she told me that you got fired. Kailan pa? Bakit di mo agad sinabi samin? Di ko pa din nasasabi sa kanila. Actually kaaalis ko lang dun." Ewan ko kung matutuwa ako na siya lang ang nakakaalam or not? Naman kasi.

"Kanina lang din ako tinanggal. Pero yaan mo na yun. Wala naman akong magagawa eh. Mag hahanap nalang ako ng bagong papasukan. Wag mo na din muna sabihin sa kanila." Sabi ko sa kanya at nagkibit balikat, kahit di niya nakikita.

"ok. Pero May nahanap ka na ba?" I sigh.

"wala pa nga eh." binagsak ko ang likod ko sa kama ko. ang sakit na nga ng likod ko eh. Hmp.

"Papunta na ako jan. Wait for me."

Then yun. Binaba na niya yung call. Napabuntong hininga nalang ako ulit. Nakakapagod na buhay to. Hayyyss....

"Bruha ka..!! Buksam mo yung pinto mo. Aba. Walang balak magpapasok?" Napamulat nalang ako ng mata sa sigaw ni Rena sa labas ng bahay ko. Di ko napansin na nakatulog pala ako. Kaya tumayo na ako at bumaba.

"Sorry babes. Nakaidlip ako eh." Bungad ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto.

"Kaya pala walang respond sa mga texts ko. Even my call. Gaga ka talaga." Sabi niya sakin habang papasok ng bahay.

"Dun nalang tayo sa kwarto ko. Wala rin ako ipapakain sayo kaya pagpasensyahan mo nalang. Tara." Aba ang bruha, nauna pa sakin sa kwarto. Loko talaga.

"So. Ano? Wala parin? Dun ka nalang kasi sa------"

"Ayoko. Kahit anong trabaho. Wag lang sa inyong lima. Alam mo yun." Ipipilit nanaman kasi niya yun. Hayyy..

"Ok ok. Tulungan nalang kita maghanap. I brought my laptop to make it easy." Sabi niya habang nilalabas ang mamahaling laptop niya.

"Ahm. Why don't you try to be an office girl? Yun. Related sa course mo.  Saka may experience ka na din naman na jan diba?" suggest niya.

"Ewan ko. Bakit? May tatanggap ba? Mas prefer nila ang college grad na noh. Saka conflict yung working time nun sa class natin.OJT pati yung sinasabi mong experience ko." Sagot ko.

"Try lang babes. Malay mo naman diba? And you're smart if you didn't still know that." Loko talaga to.

"Pano pag ---" pinigilan niya ako sa mga sasabihin ko.

"Puro ka pano. Nakakainis na. Try lang naman eh.!!" Ayun. Nasigawan nanaman ako. Tsk.

"Oo na. Oo na." Wala naman na akong magagawa pa. Kukulitin lang ako nito. Kahit sino naman sa kanila.

"Right! Urgent hiring sila ngayon. Try mo. Akina resume mo. Sesend ko na." Kaya ayun. Pinasa nga niya online. Sa tinagal kasi naming nakaupo sa harap ng laptop namin, yun lang ang nakita naming hiring.
Actually siya yung nakakita.

"Wait. Rena babes. What position yung hiring nila?" Di kasi niya binanggit sakin kanina eh.

"Secretarial babes. Hehe." Napatayo ako sa sagot niya.

"ANO?!! BABES NAMAN.!!" Argh. Naman oh. Mas mahihirapan ako.

"Babes naman. Mas pahihirapan mo ako. Problema ko pa nga ang schedule ng klase ko eh." Mangiyak ngiyak na sabi ko sa kanya habang pabagsak na umupo sa kama ko. Pero ang bruha, nginitian lang ako. Nice yan. Magaling.

"Ok na schedule mo babes. Nag email ako kay sir Anton. Dept. Head. Fix na daw. 😊"

Tinitigan ko siya. May kakaiba nanamang ginawa tong babae na to. Sigurado.

"Oppss. Chill ka lang. Dinaan ko lang si sir sa charms ko. Syempre lalo na type ka nun. Gagawa talaga ng way yun. Hahaha" charms daw niya? Pero ako ang ginamit. Tarantado talaga. Ayaw na ayaw ko sa prof na yun. Manyakis kung tumingin eh.

Napapailing nalang ako sa mga pinag gagawa niya. Kahit para talaga sakin yun. Ewan ko ba. Hayy. Nahiga nalang ako at tumabi naman siya sakin.

"Pa- overnight ako babes ha??.... Pero bakit ka nga pala natanggal? Napaka imposible naman kasi nun eh." Rena. Oo, napaka imposible nun. Wala pa kahit isang violation against their rule akong ginawa sa loob ng 3 taon. Kaya nakakapagtaka talaga yun.

"There's a file that says I stole a hundred thousand amount of money in the restaurant's budget. And guess what? For shopping spree." Tinitigan niya ako na parang sinasabi niya na nagjojoke lang ako. Umiling ako sa kanya. To say that I am not joking.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Putspa. saan nila na halukay ang ganyang idea. Putek. Ikaw? Shopping spree? Unbelievable. Hahahahaha" oh? Diba? Siya nga natawa eh. Kasi naman. Napaka imposible talaga. I hate shopping. Hindi ako mahilig dun.

"Tsk. Ge lang. Itawa mo na lahat." Sabi ko sa kanya. Lintek kasi eh. Nakakaasar. Insulto yun sakin eh. Hmp.

"Ok. Ok. Enough na. Tanong ko lang ulit. Bakit di ka nalang dun nag apply sa pinag-OJT-han mo? Sa Montes corp.? Di ba inalok ka nila dati dun?" Rena.

Isa pa yan. Maganda dun actually. Kaso ayoko sa may ari nun. Gwapo nga. Mayaman. Pero 'wa me care. Wala akong paki noh. Pero dahil siguro sa mayaman at may itsura siya, akala niya makukuha na niya lahat. But not me. He offer me money just to be his girl. Kasi di ako madala ng tinatawag niyang charms. Pero kahit lahat pa ng yaman niya yan. Basta ayoko. Ayoko. Hindi binabayaran ang dignidad ko. Buti nga sa mommy niya ako nakaassign as personal assistant. Dahil kung hindi.? Unang tanggi ko palang sa kanya, waley na. Tanggal ako sa OJT.

"Alam mo naman na kung bakit eh. Saka babes, nandidiri ako sa lalaking yun. Eww. Baka nga may AIDS na yun eh" nakangiwi kong sagot kay Rena. Totoo yun. Baka may sakit na yun sa dami ng babae eh.

Ayun. Tinawanan nanaman ako. Ang bait niyang kaibigan ano? Tawa na din kayo.

"Hay naku. Ganda naman kasi eh. Hahahaha. Pero dapat pumayag ka na. Instant yaman ka nun.. hahahaha....." I glared at her. Pero wa epek mga 'te. Deadma.

"Pero buti nalang pala hindi mo tinanggap. Ayaw ka namin makita sa kulungan. Ganda mo para dun.. hahahahaha" ano daw? Paki explain.

"Huh? Paki explain babes" I look at her in confusion.

"Kilala ka na namin babes. Pag ayaw mo. ayaw mo. Kaya baka mapatay mo siya sa sobrang pagtitimpi.. hahahahaha.. Brutal ka pa naman 😄"

Tss. Di ko nalang siya pinansin. Tinalikuran ko siya. Matutulog nalang ako. Baka sa panaginip may matino akong makausap.

"Pakipatay nalang ng ilaw. Goodnight. Sweet nightmare to you babes."

I wish tomorrow is a good day. Good night.
------------------

I'm Beauty and He's My Beast... Boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon