Seryoso Talaga 'To ??

5 1 0
                                    

---Christine-------

"Ano ba kasi nangyari sayo Tine? Bat ganyan ka maglakad? Saka bakit sabi kanina ng mga professor, change sched. ka which means, we're not classmates na." Frea. Yea. Di ako dumiretso ng uwi. Mabobored lang ako dun. At magmumukmok sa katangahan ko. Hayss.

Dalawang oras din akong nakatulog dun sa ospital na yun. Kaya gutom na gutom ako ng dumating dito sa school. Buti nalang talaga at lunch break nila frea. Mamaya pang 1 si Rensie babes eh. Si Rena naman, pinatawag ng daddy niya. Yung secretary niya ang tumawag kay Rena kanina. Nga pala, Babes talaga tawag ko sa kanila. Sila lang ang tumatawag sakin ng baby. Bunso eh. *shrug*

"Yeah. What happened ba baby Tine?... Wag mo sabihing sinuko mo na ang Bataan?"  Nabatukan ko si Viel dahil sa sinabi niya.

"Gaga. Hindi noh....Nagpasagasa ako. Gwapo yung nagdadrive eh. Pati yung doctor. Kaya trip ko magpasagasa. Trip ko lang talaga. Swear... Ang saya nga eh." Note the sarcasm guys with irap and crossed arms.

Tinignan ako ng mga bruha na akala mo alien ang nasa harapan nila. Eto pa. Kasama dun si Vennus. Oh diba? Inalis niya ang mga mata niya sa libro niya matignan lang ako ng ganun. Nays.

"Malamang. Naaksidente. Hihina niyo din pumick-up ano?" Sabi ko sakanila.

"Hindi yun.!!" Sigaw ni Viel.

"Eh ano?!" Sigaw ko din.

"Why you're shouting at me too!!??" Sigaw niya ulit.

"*shrug* trip ko lang."

"Ok ok. As I was saying. Binanggit mong gwapo? Totoo?" With twinkle eyes pa yan. Aba matinde. Basta talaga gwapo. Tsk. Tsk.

"Hindi. Joke ko lang yun. Grabe ka Viel. Naku. Basta mabanggit lang ang gwapo? Pambihira." Sagot ko naman. Loka loka talaga.

"Alam naming Tanga ka Tine. Pero hindi aabot sa punto na maaaksidente ka. So, what really happened to you?" Vennus. Ouch. Ang hard. Sakit talaga pag siya nagsalita. Pero medyo mausisa.

"Wala. Napatambay lang sa kalsada. Alam niyo na. Walang magawa. Kaya, libre niyo na ako. Gutom na aketch mga babes.. huhuu." Napailing nalang si Vennus at saka tumayo.

"Fine." Aalis na sana siya. Pinigilan lang ni Frea.

"Libre mo na din kami ni Viel babes. Haha" Frea.

Naglapag ng 500 peo bill sa mesa namin si Vennus. "Oh. Eto. Limang daan. Bumili ka." Sabay upo. Nganga naman si Frea.

"Hahaha.. Go na. Tomguts na ako babe." Ayun. Wala nang nagawa. Siya na ang bumili ng makakain namin. Buti nalang, mahal ako ng mga to. Hahaha.

Ilang sandali pa, bumalik na si Frea. Sakto namang pagdating ni Rensie.

"Tinatawagan ka daw ni Rena. But you're not answering. She's asking if I'm with you. Sinabi ko lang na kasama ka nila." Bungad sakin ni Rensi pagkaupo niya sa harap ko.

Shoot. Oo nga pala yung phone ko. Di ko alam kung nasan. Ilang beses ko na binaliktad yung bag ko wala talaga.

"Di ko alam kung nasan yung phone ko eh. Nawala ko ata kanina. Hehe ^__^v" matching peace sign pa yan.

Hmm. San na kaya yun? Try ko kaya itext yung number ko gamit yung phone nina Rensie? O di kay ni Frea? Pwede din kay Vennus o Viel. Pero di nga sinasagot yung call ni Rena eh. Hayy.

Pero try lang naman eh. Tama. Ita-try ko lang. Pag di talaga nag response. Edi wala na talaga. Sayang pa naman mga selfie ko dun. Di ko pa na a- upload sa facebook lahat eh :'3 gaganda ko pa naman dun.

"Peram ako ng phone mo. Please" nag puppy eyes pa ako niyan kay Rensie. Epektib naman to eh. Hahaha... Sana :'3

"Oh. Walang ubusan ng load Baby Tine." Yes! Sabi sa inyo eh. Haha

I'm Beauty and He's My Beast... Boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon