Everything is running smoothly in my work.
Got new circle of friends at work. I was endorsed in a great team with great teammates.
I maintained my off (Sat and Sun)..
Nagpapalit kami ng phone ni Apple at times.. So, kampante ako na wala syang tinatago. Though hindi ko naman sya pinagdududahan ng kahit ano.
And so her ex is back. I didn't mind until one time..........
1 message received: "Tigilan mo na si Apple. Ako ang mahal nya." from an unknown number.
"Who's this?" Message sent.
1 Message received: "Ako ang mahal nya. Nagkikita kami. Alam mo ba yon? May idea ka ba kung ano mga ginagawa namin?"
"Ah talaga? Ikaw ang mahal nya? Kaya pala kami ngayon." Message sent.
Hindi ako nagpatinag sa pagtetext ng ex nya dahil may tiwala ako kay Apple. Alam ko hindi sya magsisinungaling sakin.
I informed Apple about this. Ayoko ng magulo.
------------------------------------
Nasa bahay ako ng pinakaclose kong pinsan. Pinasyalan ko sya. We were watching Mind Freak.. Late at night. I have a plan of sleepingover here.
1 Message received: "Break na tayo." From Apple.
Biglang tumulo luha ko pagkabasa ko non.
"Dahil ba sa kanya? Kayo na ba ulit?" Message sent.
1 message received: "Hindi. Sorry. Basta break na tayo."
"Nasan ka ba?" Message sent.
1 Message received: "Nasa park."
"Ganon nalang yon? Papunta ako sa park." Message sent.
Heto ako, hindi nagshishare pag may problema.. I used to solve my problems alone. Di ko masabihan mga kaibigan ko kase baka maging masama ang tingin nila sa mahal ko.
1 message received: "Wala na ko sa park. Nasa gate nako samin."
"Okay lang I'll stay in the park." Message sent.
1 message received: "Wait kita sa gate namin. Balik ko yung bag mo na naiwan mo sa bahay nung nagsleepover ka."
"Okay sige. Thank you." Message sent.
Pagating sa kanila iniaabot na nya yung bag ko. Nasa labas kami.
Hindi ko sya tinitingnan habang kinukuha yung bag ko.
Ayoko na syang pigilan. Ang sakit sakit na.
Ayaw nyang bitawan yung bag ko.
"Akin na. Pasok ka na. Uwi nako. Ingat ka nalang lagi." Sabi ko.
Ayaw pa rin nyang bitiwan. Pagkabitaw nya. Tumalikod na sya. Napalingon ako sa kanya. Hinila ko sya at hinalikan.
"Anong ginawa mo? Itetext kita pagkauwi mo. May sasabihin ako." Nasabi nya sa sobrang gulat nya.
"HInalikan kita. Ano yon?" Tanong ko.
"Basta basta. Itetext nalang kita. Sige na. Ingat." Sagot lang nya.
---------------------------
Pagdating ko ng bahay........
1 message received: From Apple "Ikaw ang pinipili ko."
"Ha? Akala ko ba hinihiwalayan mo na ko?" Message sent.
Litong lito ako na tanong ko.
1 message received: "I asked for a sign kase."
"Anong sign?" Message sent.
1 Message received: "Before midnight pag sinabihan nya ko ng 'baby bumalik ka na' babalikan ko sya kahit anong mangyare iiwan talaga kita. And yung sayo pag nahalikan moko before mindnight ikaw ang pipiliin ko."
"Wow! Ang hirap naman ng sign na binigay mo sakin. Pero masaya ako na nagawa ko." Message sent.
1 Message received: "O sige na matulog na tayo. I'm sorry. I love you."
"Wag mo ng isipin yon. Iloveyoumore. Goodnight." Message sent.
