Chapter 1: First Meeting

1.1K 8 0
                                    

"Par." Tawag sa akin ni Mic (Butch-term namin sa lesbian) habang naglalaro ako ng billiards kasama ang barkada.

"Ano ba par! Art! Tingin ka muna dito bago ka maglaro." Kulit pa rin sa akin ni Mic.

"O bakit?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

"Par, si Apple. Apple, si Art." Pakilala nya sakin sa kasama nyang babae.

"Hi!" sabay kaway na sabi ni Apple (Femme).

"Okay." Yun lang ang nasabi ko sabay balik sa paglalaro.

"Pasensya kana don Apple. Ganyan talaga yan pag nakahawak na ng tako. Wala ng pakialam sa mundo." Narinig kong sambit ni Mic sakanya.

Nang makumpleto na ang grupo, umupo na kaming lahat para mag-inom at mag-videoke. Lahat sila ay masayang nagkukwentuhan. Tuwang tuwa silang lahat kay Apple, todo entertain sila lalo na ang bestfriend kong si Chup (Femme).. Maliban sakin. Hindi ko kasi hilig ang makihalubilo sa mga tao lalo na sa mga hindi ko kilala.

"Ang cute cute mo talaga. Friends na tayo ha?" Ang sabi ni Chup kay Apple. Nalaman nilang nagtitake sila pareho ng BSN sa isang sikat na University sa aming lugar.

At dahil hindi ako sumasali sa kwentuhan nila, nagpasya akong kumanta ng Hanggang Ngayon (by Kyla).

♪♫ Sa 'king pag-iisa, alaala ka.

Bakit hanggang ngayon ay ikaw pa rin sinta.

At sa hating gabi, sa pagtulog mo..

Hanap mo ba ako hanggang sa pag-gising mo.

Kailan man ika'y inibig ng tunay. ♪♫

Di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Apple dahil tumutulo na pala ang aking mga luha habang kumakanta. Niyakap nya ko. Feeling close naman to sabi ko sa isp ko. >.<

"Napano ka?" Tanong sa akin ni Apple sabay yakap para macomfort ako.

"Wala. May naalala lang ako." Maikling sagot ko sakanya.

"Mahal mo pa rin sya?" Tanong nya ulit.

"Siguro." Sagot ko.

"Ako nga rin eh. Di ko alam kung anong status namin. Nag-o-OJT sya ngayon sa Baguio. Itetext lang nya ko pag gusto nya. She fails to make me feel important and loved. She left me hanging." Pag-shi-share nya sakin.

"Ang hirap no? You have to talk to her once and for all. Di pwede yung ganyan na umaasa ka hindi mo alam kung babalikan ka ba nya o hindi na." Suggestion ko sakanya.

"Saka na pag-balik nya sa March. Pagkatapos ng OJT nya." Malungkot na sabi nya sakin.

You Complete Me (Same Gender Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon