Chapter 4: Getting Deeper

607 4 0
                                    

"Isa lang naman ang rule ko sa relasyon. Gawin mo lahat wag ka lang magsisinungaling. Ganon din ako." Malambing kong sabi sakanya.

"Mahal kita pero hindi ko alam kung anong gagawin ko pagbalik nya sa March." She told me honestly.

"I understand and I will respect whatever decision you may have. Basta hayaan mo lang ako na mahalin kita. Kung ako man pipiliin mo in the end, thank you but if not, I'll let you go. Basta ang importante masaya ka kahit hindi sa akin. Tandaan mo, iiwan lang kita pag sinabi mo na hindi mo nako kailangan." Straight to the point kong sagot sakanya.

1 Message received. "I love you bhew."

Message from her ex. She let me read it. Nanlambot ako for the fact na may feelings pa sya sa ex nya. Sa isip ko, it's a matter of taking the risk, win or lose. Basta gagawin ko nalang lahat ng kaya ko para sa kanya.

Sabi nga nila, wag kang masaktan sa mga messages sa inbox kasi mas masakit yung sa Sent items. Which I never read.. I didn't have the guts to do so.

Nangibabaw ang katahimikan. Nasasaktan ako, pero ano bang dapat kong gawin? Pinasok ko tong sitwasyon na to. I promised to love and protect her but I'm hurting and I intend to hold on to my promises.

-----------------------------------

"How's your day at school?" Tanong ko sakanya.

"Toxic. Need ko na gumawa ng drug study. Sa January 3 na yung deadline." She said.

"Wag ka ng pastress po. I'll help you. Ako nalang gagawa ng drug study mo. I love you." Malambing kong sabi sa kanya.

"Talaga? Wow! Thank you dear." Nakangiti nyang sagot.

"You're welcome dear. I have something for you." Sabay abot ko sakanya ng sketch pad ko.

"Ano to?" Tanong nya.

"Mga drawing ko. Yan ang pinakahilig kong gawin. Lahat ng emotion ko dyan ko dinadaan. That's my life and I'm giving it to you. Please take good care of it." ^_^ Sabi ko sa kanya.

"Wow! Natouch naman ako. Don't worry I'll take good care of it. Ang galing mo naman magdrawing. Thank you talaga." Malambing na sagot nya.

"This coming weekend I want you to go home with me. I want you to meet my parents." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Sige po dear. I love you." Sagot nya.

-------------------------------

Art's crib. Saturday night.

"Mama, si Apple. Girlfriend ko. Nasan si papa?" Tanong ko kay mama.

"Tulog na sya. Alam mo naman yon maagang natutulog." Sagot ng mama ko.

"Errrr! Sayang dear. Di natin naabutang gising si papa. di bale sa susunod nalang kita papakilala sa kanya. Si mama nalang muna ngayon. Hehe.." I said.

"No problem dear." She said with a smile.

Kinailangan ko na syang ihatid. Pagkauwi ko gising si papa. Unexpectedly sinabihan nya ko na bakit ko daw pinauwi ang manugang nya. Di nya daw tuloy nakilala. O di ba supportive ang pudra ko? XD

You Complete Me (Same Gender Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon