Chapter 2: Getting To Know

751 5 0
                                    

"Par, ano'ng number ni Apple?" Tanong ko kay Camz (Butch) habang nagbabantay kame sa school supplies nila sa isang High School malapit sakanila.

"Bakit? Type mo no?" Tanong nya sakin ng may pangiinis.

"Heh! Hindi no. Naiinip lang ako. Akin na yung number tetext ko. Feeling close kaya yon. Minanyak pa ko. Nilapit nya mukha ko sa dibdib nya nung niyakap nya ko nung umiiyak ako." Sabay tawanan kame pagkasabi ko non.

"Musta? Art to." Message sent.

1 message received: "Okay lang. Ikaw?"

Replied: "Ok lang din." Message sent.

1 message received: "Kumain ka na?"

Replied: "Oo." Message sent.

At dahil dry ako katext as usual.. Natigil ang aming pagtetext.

"Ang dry mo naman kase! Yan wala ka na naman katext at naiinip ka na naman." Pang aasar sa akin ni Camz.

"Eh wala akong alam sabihin eh. Alam mo naman ako, isang tanong, isang sagot. Ayoko ng mapalabok na salita." Sagot ko sa kanya.

---------------

Nagpatuloy ang ganong istilo ng pagtetext namin sa isa't isa.

Nakukwento sya sakin ni Chup pag magkikita ang barkada dahil madalas nyang makita ito sa University at giliw na giliw sya dito.

Until one time, umuwi kami ni Camz sa kanila at nag-iba na ang istilo ng aming pagtetext namin ni Apple.

"How young are you? What is your birthday?" Message sent.

Yes. Bigla interesado nako sakanya.

1 message received: "18 nako. February 28 birthday ko. Ikaw ba?"

"19 nako. Anong year mo na?" message sent.

1 message received: "3rd year na. May tatanong ako sayo. Pag nasagot mo hahayaan kitang manligaw sakin."

Naexcite naman ako though wala akong balak manligaw. Hindi ako nanliligaw. Hindi ako naniniwala sa ligaw. Pakiramdam ko courting is  just a waste of time. Pero kailangan ko yon masagot kung anong tanong man meron sya.

"Ano yon?" message sent.

Kinakabahan ako.. Anong tanong kaya yon.. Taena!.. >.<

1 message received: dubdub dubdub dubdub...

Geez! My heart is beating so fast while opening the message. OA lang di ba? Eh kasi naman I don't have any idea if what would that question be.

"Anong bagay ang ginagawa nyo ng mga friends nyo na hindi ko ginagawa?" pagkabasa ko ng message.

"Mag-yosi." Message sent.

I'm feeling like my heart is in my mouth while I'm waiting for her response.

1 message received: "Tama. Sige papayagan na kitang manligaw."

Kahit hindi naman talaga ko nanliligaw, I don't know, I'm happy upon reading that message.

And now, I'm thinking on what to do para sa "panliligaw thingy".

Dahil nagduduty sya sa hospital hanggang 9 PM, hinihintay ko syang mag-out, susunduin at ihahatid sa bahay. Bawal ma-late. >.<

This time, yung eksena ng pagtetext namin.. HINDI na dry. Magkatext na kami hanggang sa makatulog kami. :-D

You Complete Me (Same Gender Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon