"CHELLLE?!" ayan na naman si master. Ang bestfriend kong si Nathan Garcia twin brother ni Nick Garcia (hindi kami close nun kasi sobrang seryoso masyado). Isa sa mga adopted son ni Ninong Allen.
Tumabi siya sa akin na para bang hindi ko katabi si mama dito. Nilalagyan ko kasi si mama ng nail polish para sa party nila papa mamayang gabi, malas lang dahil may asungot na naman.
"Ano na naman?" inis kong tanong sa kanya habang patuloy pa rin sa aking ginagawa. Ngunit natigilan nalang ako nang may sinabi siyang makasaksak lungs.
"I like someone, can you help me?!" what the! Ako pa talaga, ha?! Anong maitutulungan ko diyan. Ang hirap kaya nun sa part ko. Suntukin ko kaya to para makarealize.
Naramdaman ko namang gumalaw si mama kaya tumingin ako sa kanya at nagpaalam sandali kaya kami nalang dito ni Nathan sa kwarto ko.
"Sinong nagsabi sa'yong tutulungan kita?"
"Eh pa'no yan wala akong mapaghingan ng tulong maliban sayo."
"May kambal ka, remember?! At may ate pa! Doon ka muna manghingi ng tulong sa mga kapatid mo bago sa'kin noh?! Abuso ka na sa akin." sabi ko sa kanya. May amnesia ata tong isang 'to kasi nakalimutan na may kapatid siya. Take note: Dalawa pa talaga ha! Ako nga wala eh. Tss!
"Sa tingin mo tutulungan kita sa lahat dahil lang sa childhood friends tayo?" dagdag ko pa habang inaayos ng mga gamit ko sa kama. "Don't be such a baby and go pursue the girl you like yourself." Tatayo na sana ako nang binagsak niya yung unan na hawak niya kanina at umalis sa kama ko.
"Sige! Kung ayaw mo 'kong tulungan edi wag! Sana sinabi mo nalang na busy ka para hindi masakit sa part ko." padabog niyang sabi bago lumabas ng kwarto. Leaving me dumbfounded. Damn! Sino ba kasi yung babaeng nagugustuhan niya? What's with the 'help me'. Ang tanga mo, Nathan. Don't ask me to help, because you don't know what I feel.
Kinabukasan, nalate ako ng gising sa kakaisip ko kagabi. Binuhusan pa nga ako ni mama ng malamig na tubig para lang magising ako. Nakisali pa si papa na binigyan ako ng sabon. Since basa na daw ako diretso sabon nalang daw ako at sa kama pa talaga nila ako balak paliguan ha! Kaimbyerna talaga mga magulang ko kahit kailan.
"Michelle, yung bilin ko sa'yo ha! Diretso bahay pagkatapos ng klase kasi matatagalan kami ng daddy mo." Paalala sa akin ni mama habang nilalapag ang kape ni daddy.
"Yes, ma!" sagot sa kanya nang binibilisan ang pagkain. Nang sa matapos na ako ay uminom agad ng tubig at nagpaalam sa kanila.
Paglabas ko naman ng gate ay nagulat nalang ng makita si Nathan na sa tansya ko ay kanina pa naghihintay sa labas.
"Your late."
"A-anong ginagawa mo dito?"
"Sabay tayong pumapasok sa school diba?" sagot niya sa akin. Nailang naman ako sa titig niya kaya nauna nalang akong maglakad at nasa likod ko lang siya.
"Anyway, kung sakali mang sagutin ka nung babaeng nagugustuhan mo na hindi ko pa naman kilala, hindi na tayo pwedeng magsama pa, diba?" matapang kong sabi kahit sa loob loob ko ayaw ko itong mangyari.
"Eh iba naman yun noh. Bestfriend kita kaya di pwedeng di tayo magkasama diba?"
"Pa'no naman naging iba yun? Di magandang tingnan kung kasama sa lakad parati ang bestfriend sa lakad ng magkasintahan. Awkward kaya nun. Lalo na yung magsasabay pa papuntang school. Off-limits yun."
"Nasabi mo na yan noon. Ibig sabihin nun may nagugustuhan ka na rin kaya ayaw mo na akong isama?" natigilan naman ako sa sinabi niya. Gago ba siya? Siya kaya gusto ko noon pa man. Mahal ko na nga ata eh. Tss!
Dahil sa inis ko sa pagkamanhid niya inamin ko nalang ang pagbibintang niya. "Tama ka!" matapang kong sabi. "Oo, tama ka! May nagugustuhan nga akong iba. Kaya kung maaari dumistansya na tayo sa isa't isa." Bwesit! Mangiyakngiyak na ako dito. Pinipigilan ko lang para di niya mapansin.
"G-ganun ba..." tugon niya saka ako nilagpasan.
Tanginang buhay naman oh! Bakit ba ang komplikado ng buhay ko?!
Vote and Comment
As of Dec. 4. 2017:
Reads - 7, 730
Votes - 131
Rank - #592 in short story
BINABASA MO ANG
All This Time (completed)
Short StoryGarcia Siblings #1 I always loved him because we're together since we are childhood friends. I couldn't imagine he'll find someone he loves... I can't support my feelings anymore!! -Michelle Nathan Garcia and Michelle Khendra Henderson's short s...