Part 2

1.6K 31 0
                                    

"I want to be cuter.." biglang sabi ko habang sinipsip ang aking favorite na Chuckie.

Kagagaling lang namin ng cafeteria at papunta na kami ngayon sa room namin. Kasama ko ang mga close friends ko. "Marami bang cute girls sa school natin?" tanong ko kay Shaira na busy na naman sa pagstalk sa idol niyang si Baekhyun. Adik sa EXO eh!

"Eh? Bakit mo naman naitanong yan? Marami rami naman ding cute girls everywhere. Pero wag kang mag-alala Michelle mas maganda ka naman sa kanila." sabay siko sa akin.

"T-talaga?!" tanong ko sa kanya. Paniwalang paniwala ang gaga.

"Ano ka ba! Di mo pansin na halos ng mga lalaki dito nagagandahan sayo? Baka nga may biglang magconfess sa'yo niyan. Be ready, girl!" Lakas makapaasa talaga 'tong si Shaira kahit kailan. Wala nga akong----

Natigilan ako sa pag-iisip ng mapansin ko yung lalaki sa hallway na kumindat sa akin. Teka lang! Sa akin ba talaga?

"Oh kita mo yun? Mga 2nd year at 3rd yang mga yan ah pero pansin pa rin ganda mo! Wag mong ideny dahil kitang kita ng dalawang mata ko pati ilong ko na ikaw ang kinindatan nung lalaki." nahiya naman ako bigla at napayuko ng kaunti nang malagpasan namin sila.

"Bakit ka ba nininerbyos diyan?"

"Eh kasi naman first time kong maranasan 'to noh. Hiyang hiya beauty ko. Hahaha" Maya maya lang nagulat nalang ako nang may humablot ng Chuckie ko mula sa likod. Sasapakin ko na sana nang malamang si Nathan lang pala.

"Painom." WAAH! I-ininom niya!? Eh nainom ko na yan eh. "Sorry, naubos na!" pacool niyang paumanhin sa akin. Hindi pa nga ako nangangalahati tapos inubos niya lang?!

"Ito nalang pambayad ko." sabay bigay ng apple pie sa akin. "Diba paborito mo yang apple pie kaya sayo nalang." Oo nga, tama siya paborito ko nga ang apple pie pero kasi.....

"OH MY GOD! Ano yun? Anong ibig sabihin nun? Indirect kiss yun girl." biglang singit ni Shaira sa akin at sinusundot pa'ko. "Alam mo. Napansin ko lang ha! Iba yung tingin ni Nathan sayo girl..."

"A-anong tingin naman..."

"Yung parang may 'Desire' ganun... yung parang gusto niyang isigaw sa sangkatauhan na 'Michelle is mine and mine alone.'  KYAAAH! Nakakakilig diba? Swerte mo girl."

"Wag ka ngang paasa. Hindi yun ganun." tutol ko sa kanya. Pa'no naman naging ganun ang tingin niya sa akin eh may iba nga siyang gusto. "Mas maniniwala pa siguro ako kung Overprotective Brother ang sasabihin mo na ayaw magkaboyfriend ang kapatid na babae."

"Ganun ba...? Baka nga mali lang ako, sorry." sumimangot naman si Shaira.

We were raised like brother and sister, there is no other reason for his actions just now. Even though he hates chocolate milk, just like an idiot.





Vote and Comment


As of Dec. 5, 2017:

Reads - 7, 744

Rank-  #376 in short story

Votes- 131

All This Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon