Part 3

1.3K 28 0
                                    

"Michelle! Which one you prefer, left or right?" Pinakita niya sa akin yung magazine na dala niya. Dalawang lalaki na magkaiba ang haircut. Sa left ay medium cut lang at yung nasa right ay undercut lang. Pero wapakels. Lampake kumbaga! Basta ang alam ko bad mood ako ngayong araw. Sinabi ko kasi sa kanya na wag ng sumabay sa akin pauwi eh pero heto siya ngayon sumabay rin. Hindi niya ba feel na gusto ko siyang iwasan muna ngayon? Badtrip!

"Okay naman ang dalawa." sagot ko nang hindi siya nililingon sa likuran.

"Hey, do you feel like being popular alone?" biglang tanong niya sa akin.

"What do you mean?"

"Gusto ko rin kasing maging popular." Tss. Papaimpress siguro 'to sa crush niya kaya gustong maging popular.

"Dahil ba 'to sa crush mo?"

"Yes." mabilis niyang sagot. Hindi pa talaga nagdalawang isip ah! Sakit nun dre!'

"She must have her own preferences, so I don't know."

"She is really cute. She makes me want to protect her." aray naman. Tagos hanggang bone marrows ata ang pagiging bitter ko ngayon ah! Grabe makatorture ng feelings 'tong lalaking 'to. Nakakabwesit!


"So sinasabi mo na buhok mo lang ang gusto niya? Kasi kung ako ang tatanungin kung ano mang style ang gawin mo sa buhok mo ay ikaw pa rin naman si Nathan, diba?"

"Kunsabay, tama ka, pero kasi hindi siya yung klase ng tao na mag-iisip ng mga ganyan kaya gusto ko na magmukhang cool sa paningin niya. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?"

(๑-﹏-๑)

Please tama na! Nasasaktan na 'ko oh! Bakit kailangan niya pang magpaimpress sa iba eh nandito naman ako. Mas tanggap ko siyang ng buong buo.

Sa sobrang inis ko sa kanya at sa sarili ko ay sinagot ko nalang tanong niya. "TOP KNOT STYLE!"

"Haa?!"

"S-sa tingin ko mas bagay sayo yung Top Knot Style. Mas magiging cool ka nun. Yun nalang." sabi ko tapos mabilis na naglakad palayo sa kanya. Kasi konti nalang at malalaglag na mga luha ko. Narinig ko pa siyang tinatawag ako ngunit hindi ko kayang lumingon pa.

Geez, I hate this. I hate Nathan. I really hate... But ... I hate myself more.




Kinabukasan, nalungkot ako ng konti nang hindi ko siya makita sa labas ng gate namin. Siguro narealize na niya na hindi dapat na siya sumasabay sa akin papuntang school. Aish! Bahala na nga!

Pagdating ko naman sa school, pansin ko yung mga estudyanteng parang kinikilig at nagbubulungan. Anong meron? Mas nairita pa 'ko nang pati papuntang room namin ganun pa rin ang mga malalandi everywhere. May artista ba at ganyan sila umasta? Yung parang kinukuryente na ano. Ay ewan.

Nasa doorstep na ako ng room namin nang mapansin kong nagkukumpulan ang mga estudyante sa gitna. Dun pa talaga malapit sa upuan ko ha!

But as I reach there, I was shocked. What the! Bakit? Anong---

 What the! Bakit? Anong---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ugh... gumwapo ka lalo sa hairstyle mo Nathan." saad ng mga girls.

"Oo nga! Ikaw na ata ang bagong crush ng bayan ngayon ah!" sabay sundot nung flirt kong classmate sa tagiliran niya. Nagfake smile din naman siya sa kanya.

"Anong nakain mo ngayon, bro? Ang alam ko hindi mo gustong mag-ayos ng buhok ng ganyan ang style."

Hindi ko naman din napigilang lumapit sa kanya na gulat pa rin ang ekspresyon.

"B-bakit...?"

"Di ba ko cool?" nahihiyang tanong niya na may konting inis. "Sabi mo sa akin na mas cool kung ganito diba?"

 "Sabi mo sa akin na mas cool kung ganito diba?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"N-nathan...." magsasalita pa sana ako nang nilagpasan na niya ako tapos iritang umupo sa upuan niya.

Sorry, Nathan! Sorry ... sorry kasi... kahit na hindi mo gawin yan, bagaman...

Umaandar na naman pagkabadtrip ko nang may mga babaeng lumapit sa kanya at pinaulanan siya ng tanong.

"You like to play with your hair?"

"Ha?"

"You'll look good in any style." Nasabi ko na yan. Sarap sabunutan 'tong mga to.

"Gusto mo gupitan kita?" volunteer nung isa sa mga top flirt sa room. (nahiya ako sa top flirt hahaha) "Alam mo, magaling ako maggupit ng buhok at mas gagalingan ko pa."

"Oo nga Nathan, pangarap niya kasing maging hairdresser. Alam mo na! Haha." Naikuyom ko yung mga kamao ko. Shit kayo! Tigilan niyo si Nathan.

Naalala ko tuloy yung sinabi niya kahapon. "She is really cute. She makes me want to protect her."

Ang mas nakakabadtrip pa lalo ay pumayag siyang magpaayos dun sa babae. Galing! Wow! Galing niya talaga makatorture ng feelings!

"Okay!" No!





----

Vote and Comment



As of Dec. 7, 2017:

Reads-7,763

Rank- #300 in short story

All This Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon