Chapter 1

11 2 2
                                    

                        
Chapter One
Game for life

Lindsey Veronica Eve's POV

Di man ako nakapag-aral sa isang magandang paaralan, natuto naman ako ng ingles at lahat ng dapat malaman kahit papaano. Dito sa amin walang halaga ang pera dahil kahit meron ka nito hindi mo rin ito magagamit, sa mayayaman lamang ito may halaga.

Tinuran ako ni papa na gumamit ng sandata upang proteksyonan ko ang aking sarili. Hilig ni papa ang gumamit nga pana, dati kasi parehas kaming pumupunta sa gubat upang humuli ng makakain.

Nandito ako sa balkonahe.
Kasulukuyan Kong nililinis yung pana ko, na regalo sa akin ni papa. Nakita ko yung isang palaso na may sira na. Pinunasan ko ito ng biglang nabali na lang ito ng tuluyan.

"Ate!!" Sigaw ni kael bunso kong kapatid.

"Oh ano yun?" Bigla naman akong kinabahan dahil sa tono ng pagkakatawag nya.

"A-ate si p-papa---" di ko na sya pinatapos at agad na tumakbo papuntang gitnang bayan. Doon nakita ko ang maraming tao.
Nakipagsiksikan ako hanggang makita ko si papa at ang iba pa nyang katrabaho na nakaluhod habang na katali.

"PAPA!" sigaw ko. Pinilit kong makapunta sa kanya kahit meroong nakabantay. At ng makalapit na ako niyakap ko sya.

"Pa, anong nagyayari?" Naiiyak kong sabi sa kanya.

"Anak, alagaan mo ang sarili mo sina Kael ang mama mo. Tandaan mo lahat ng tinuro ko sa inyo ha." Tuluyan ng tumulo ang luha ko dahil alam ko na ngayon ko na lamang makikita at maririnig ang boses ni papa. Hindi ko man alam ang rason kung bakit sila nandito.

"Tandaan mo, maging malakas ka, matatag, matapang, gamitin mo ang talino mo sa lahat ng oras. Mahal na mahal ko kayo." Umiyak na paalala ni papa.

"Pa, mahal ko rin po kayo. Aalagaan ko po sila. Susundin ko po lahat ng tinuro nyo." Sa huling pagkakataon nayakap ko ulit sya. Naririnig ko rin ang sigaw ni mama at Kael.

"Alisin nyo na ang babae na yan." Utos nung Heneral. May humigit na sa akin paalis, ngumiti naman si papa sa akin at kayna mama.
May humilira na bantay sa harap nila, doon na ako nagpupumiglas pero masyadong malakas yung nakahawak sa akin.

"PAPA!!" Muli kong sigaw bago nila paputukan na silang lahat.

"Isang labag sa batas ang kanilang ginawa kaya ito nangyari, sumunod na kayo sa gobyerno kung gugustuhin nyo pang mabuhay. Umalis na kayo dito.." Niyakap ako ni mama at Kael, nahihirapan man pero kailangan na naming umalis.

........

Nailibing na sina papa, di namin nakita si papa kasi inilibing na sya agad matapos silang barilin. Di man lang nila sinabi na nilibing napala sila, ni di man lang nila ipinaalam sa amin.

Kaming lahat na nandito ay mga magkakakilala na.

Bago ko makalimutan, isa si papa sa dating nanalo sa Game for life. Ito ay binuo nang nakakataas at ito ay uri ng laro kung saan kumukuha sila ng 3 na magboboluntaryo na sumali sa bawat distrito. Kung walang magboluntaryo bumubunot sila ng pangalan. Ang tatlong iyon ay magkakagrupo, maaaring manalo ang tatlo kung mananatili silang buhay. Basta isang distrito lang ang dapat manalo.

Lumipas ang isang linggo at di ko pa rin alam ang dahilan kung bakit pinatay si papa. Lumapit na ako sa mga iba pang katrabaho ni papa at kaibigan pero wala silang alam.

Nandito ako sa gitnang bayan nakikipagpalit ako ng nahuli kong isda sa bigas at tinapay. Uuwi na rin agad ako pagkatapos. Dito ako lagi nakikipagpalit sa kapatid ni Mama. Puro babae ang anak nya at walang kakayahan na humuli ng mauulam nila. Nagtatanim naman sila ng palay.

Nang makauwi na ako nakita ko si Mama kausap si Aling Lisa.

"Aling Lisa magandang araw po." Bati ko sa kanya. Inilagay ko sa lamesa ang mga dala ko tapos nakita ko si Kael sa may puno sa labas.

"Mama, nandito na yung pagkain natin. Lalabas po muna ako." Sigaw ko kay mama at dumaan sa likod ng bahay.

Naglakad ako papunta sa tabi ng malaking ilog malapit sa bahay. Sa kabila ng ilog na ito ay ang Tarzanite, meroon akong nakikita dito na mga kasing edad ko. Kadalasan ay nagpapakita ako sa kanila, ngitian lang naman ang ginagawa namin.

Dito rin sa lugar na ito ako naghuhuli ng isda at dito ako tinuturuan ni Papa noon ng pakikipaglaban at paggamit ng sandata. Hilig ng aking ama ang Pagpana na isa rin sa hilig ko pero mas gusto ko ang gumamit ng isang espada, hindi sya yung makapal kundi yung manipis at mahaba ang talim. Medyo mahaba rin ang hawakan noon. Sabi ng aking Ama meroon kami noon sa bahay kaso hindi nya sinasabi sa akin kung saan iyon nakalagay. Nakita ko lamang iyon sa litrato at ang laging pinapagamit sa akin ni Papa ay isa lamang kawayan.

Nagtagal ako ng halos kalahating oras bago ako nagpasyang bumalik sa bahay. Balak ko na ring turuan si Kael ng ganitong bagay para paglaki nya ay sanay na sya at kaya nyang ipagtangol ang sarili nya.

Nang makarating ako doon ay maayos naman, wala na nga lang si Papa. Naalala ko noon ang sinabi sa akin ng aking ama. Meroon daw kaming kapatid na lalaki matanda daw ako ng isang taon dito ngunit nawala sya ng magkagulo noon. Sabi nila 4 na taon ako noon at sya naman ay 3. Gusto ko sanang makita sya at malaman man lang kung buhay ba sya o kung asaan sya. Hindi pa alam ni kael na may kuya sya, siguro palilipasin muna namin ang pagkawala ni Papa bago namin sasabihin sa kanya.

Nasa 5 taon rin ang tanda ko sa kanya 17 palang ako at bihasa na ako maraming gawain, lalo na sa pangangaso.

Nagluluto si Mama, si Kael naman ay nagbabasa. Napansin ko na may tao na nakatayo sa labas at nakaharap sa bahay kaya lumapit ako sa bintana. Pero agad din itong umalis.

"Ate ang ingles ba sa pagkain ay food?" Tanong ni Kael sa akin.

"Oo. Meroon akong sulat doon mga ingles sa mga bagay at iba pa kunin mo doon sa kwarto." Sabi ko dito agad naman syang tumayo at umalis.

"Mama tulungan ko na po kayo dyan." Kinuha ko yung bigas at isinalin sa lalagyan namin ng bigas.

"Anak ilan ba ang nahuli mo na isda?" Tanong ni mama sa akin.

"Apat po, ipinagpalit ko yung dalawa sa bigas at isang tinapay. Binigyan ko rin po sila ng mga kahoy. Hiniling kasi sa akin iyon ni Tiya Mel." Ngyon meron kaming dalawang isda, konting bigas, at isang medyo malaking tinapay. Bukas maghahanap ako ng trabaho, para magkapera at makabili ng kailangan namin.

"Ma, aalis po ako ng maaga bukas, maghahanap po ako ng trabaho. Para po makabili ako ng iba pa nating kailangan." Nakita ko naman na tumango si Mama.

"Pupunta ako sa tiya Mel mo bukas para makatulong sa sakahan. Kaya itong si Kael ay isasama ko na lang." Umupo ako sa silya, nililinis ni ina ang isda.

"Ma, balak ko na pong turuan si Kael, katulad po ng ginawa ni Papa sa akin." Napatingin naman si Mama sa sinabi ko.

"Hay, pareho kayong dalawa. Sinabi nya sa akin na magpapaturo nga daw sya kay Evan." Napakunot ang noo ko.

"Magpapaturo sya kay Evan? Bakit di na lang sa akin Ina?" Ngumiti sya sa akin.

"Hindi ko rin alam anak. Mag-usap kayo mamaya, baka kasi nais nya na lalaki ang magtuturo sa kanya." Sabi nito, pero dapat sa akin na lang, kapatid nya ako, Ate nya hindi naman ako mahina...

Nakita ko naman si Kael na lumabas ng silid ko at naupo. Nagbabasa ito gusto ko sanang ituro sa kanya lahat ng sinasabi ni Papa sa akin. Nakakapangtampo naman.

Matapos kaming kumain ako ang naghugas ng kinainan namin. Matapos kong maghugas tiningnan ko si Kael sa ginagawa nya.

"Kael matulog ka na rin." Sabi ko dito at tumango ito sa akin. Pumasok na ito sa kwarto at ako naman inayos ang kalat sa salas.

Papasok na sana ako sa kwarto ng marinig akong putok ng baril sa labas. At nakarinig ako ng sigawan...

Game For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon