Makalipas ang dalawang taon
Pawis pawisan ako habang nagtatanim, tiningnan ko ang paligid maraming mga tao ang nagtatrabaho ngayon.
"Ate!" Kumaway sa akin si Andrea pinsan ko. "Tara na ate marami ng pumupunta sa pabrika."Sigaw nito sa akin, umalis naman agad ako at sumunod sa kanya. Nagpunas ako ng pawis at naglinis ng sarili.
"Ano daw? Pwede na daw ba tayong pumasok?" Tanong ko, dito talaga ako ng tatrabaho sa Pabrika ng mga gamit sa bahay, appliances daw ang tawag doon. Ang mga gamit ay gingamitan ng koryente, wala akong ediya patungkol doon kasi para iyon sa mga mayayaman.
"Tatawagin daw ang pangalan, nagtatagal sila ng trabahador ate." Malungkot na sabi nito, sinilip ko yung nasa unahan at nagulat ako ng may lumabas na maganda ang suot.
"Sa lahat ng naririto, magbabawas kami ng magtatrabaho dahil meroon ng bagong makina na makakapagpadali sa paggawa ng mga kagamitan, kaya pagpaumanhinan nyo na lang kami, sa lahat ng makikita ang kanilang pangalan maaari ay pumunta dito sa unahan." Matapos magsalita noong lalaki na magara ang pananamit nagumpisa ng lumabas sa isang malaking panooran ang mga pangalan . Marami ang nadismaya at nagalit pero wala silang magagawa.
Hinanap ko ang pangalan namin ngunit hindi kami pinalad na makapasok sa loob. Tiningnan ko si Andrea.
"Manahi ka na lang ulit Andrea, ako naman maghahanap ako ng panibagong trabaho."malungkot ito na nakatingin sa akin.
"Sayang yung malaking pasahod nila, may pinaglalaan pa naman ako ng pera, maliit pa naman ang sahod sa pananahi.
"Okay lang yun, may trabaho ka pa namang mapupuntahan eh ako, diba." Tumango ito at ngumiti sa akin.
"Sana may mahanap kang trabaho Ate." Pinakita ko yung braso ko bago umimik.
"Kaya nito lahat, ako pa." Tumawa ito sa akin tapos naghiwalay na kami ng daan.
Bumalik ang sa taniman, nakita ko si Mang Han.
"Oh kamusta, di ka rin nakapasok sa loob." Naayos ito ng ilang gamit doon.
"Opo, meroon daw pong bagong makina na magagamit para mapadali pagawa. Yung pong umimik na lalaki yun po siguro ng mayari ng pabrika." Tinulungan ko ito s ginagawa nya.
"Hmmm, baka si Ginoong Lucian yun, mabait yun iha, minsan syang tumulong para may mapagkuhanan ng pera ang mga tao. Kung balak mong kumuha ng panibagong trabaho, pagmimina, pagkonstraksyon, at ilang pang lalaking gawain lang ang meroon. Baka hangang dito ka na lang sa pagsasaka." Tiningnan ko ang ilang mga nagsasaka, bumuntong hininga ako.
"Kahit panglalaki pong trabaho tatangapin ko na lang po, hindi rin po maganda na walang perang napagkukuhanan. Aalis na po ako." Tiningnan ako nito bago muling umimik.
"Parehong pareho kayo ng iyong ama, magiingat ka iha." Nginitian ko ito, "Salamat po." Huling sabi ko bago umalis.
Bumuntong hininga ako, hindi rin maganda ang araw na ito. Kailangn ko ng makahanap ng mapagkakakitaan. Pagsabay-sabay ko man ay kailangan para hindi na kami mahirapan kung sakaling may mangyaring di maganda.
Kung noon ay hindi namin ito pinahahalagahan ngayon napag-aralan namin na ito ay mahalaga. Meroon galing sa ibang lugar ang nagturo sa amin na pwede namin itong magamit upang magkaroon ng gamit at iba pang pangangailangan na meroon lamang sa distritong pamilihan na pagmamayari ng gobyerno.
Matapos ang buong araw, umuwi ako ng balisa. Wala akong mahanap na trabaho, nanghihinayang ako sa oras na maari akong kumita.
"Ate, alam mo ba si Kuya Evan nakahuli ng ganitong kalaking isda sa ilog." Tuwang-tuwa ito sa pagkukwento.
"Nag-aral ka na ba?" Tanong ko dito biniyan naman nya ako ng isang libro.
"Marami na akong natutunan, pwede na kaya akong magtrabaho doon sa isang gusali malapit sa gitnang bayan?" Tanong nya sa akin, ang gusaling iyon ay mga nagtatrabaho sa gobyerno ngunit 10 lamang ang kanilang trabahador o empleyado.
" Sa pagkakalam ko dapat marunong kang bumilang o magaling kang bumilang o magkwenta. Parang Ingles lang naman pinag-aaralan mo?" Kumunot ang noo nito sa pang-aasar ko.
"Marunong na akong bumilang at pagkwenta ng pera. Gusto mo ba itest mo ako?" Natatawa ako sa kanya, 14 na sya tumangkad na rin sya, magaling na rin syang gumamit ng pana, mas magaling nga sya sa akin. Sya ang nagmana kay Papa.
Sa loob ng dalawang taon wala akong ginawa kundi ang maghanap buhay, turuan si Kael, mag-aral, at tulungan si Mama.
Ang rotation ng buhay ko ay di nagbabago, kaya nakakatuwa na kadalasan makulit itong si Kael.
"Tao po, Lindsey?" Tawag mula sa labas. Binuksan ko ang pinto at si Evan ang nakita ko kasama si Tatay Kiyo Lolo nya.
"Magandang gabi po, Tay." Bati ko dito at nginitian.
"Balak ka daw kausapin ni Tatay, oy Kael tara samahan mo muna ako." Tawag ni Evan dito. Naguguluhan man, tiningnan ko si Evan at ngumiti naman ito.
" Tay, pasok po, upo po kayo." Nang makaupo na kami tiningnan nya ako.
"Kamukhang-kamukha mo talaga ang iyong ama. Iha...." Tumigil muna ito bago ako hinawakan sa kamay.
"Meroon akong mahalagang gamit na sa palagay ko ay narito sa inyo. Sa pagkakaalam ko nasa ilalim dw yun ng higaan ng magulang mo. Maari mo bang tingnan." Malumanay pagkakasabi nito.
"Mahalagang gamit ho? Pinahabilin nyo ho ba kay Papa at Mama?" Naguguluhan man pumunta ako sa kwarto nila mama.
Itinabi ko ang higaan at wala naman akong nakitang gamit doon.
"Wala naman po Tay, sigurado ho ba kayo na nandito yun?" Tiningnan ko si Tatay at lumuhod ito, kinapa nya ang sahig at meroon syang nakitang maliit na butas.
Meroon syang kinuha sa kanyang bulsa at isa itong susi. Kinuha nya iyon at isinuot doon sa butas.
"Tay, may lihim na taguan po dyan? Bakit po meron dyan ganyan pinagawa nyo po ba kay Papa?" Hindi ito nagiisa na lihim na taguan dito sa bahay meroon din sa may kusina namin. Tinulugan ko sya sa pag-angat noong tabla na nabuksan noong kanina itong susian.
"Ah, teka hindi ito tabla lang, isinimento po?" Pagtataka ko kay tatay. Tumawa ito ng mahina at patulouy naming binuksan iyon.

BINABASA MO ANG
Game For Life
PertualanganAre you willing to sacrifice? Can you do everything to survive in this kind of game? Can you do everything to be free? Gusto mo bang malaman ang mangyayari sa buhay nya? Basahin na!!!!