Chapter Two
Game for lifeLife is valuable to every person.
Papasok na sana ako sa kwarto ng marinig akong putok ng baril sa labas. At nakarinig ako ng sigawan...
Sumilip ako sa bintana ng bahay, nagkakagulo doon at maraming kawal, ( kabalyero o sundalo )
"Anong nagyayari?" Tanong ni mama, nakatingin din sa akin si Kael. Iimik na sana ako ng may malakas na katok ang narinig namin sa pinto.
"Ma, ako na po ang magbubukas." Lumapit ako sa pinto at binuksan yun, lumapit naman si Mama kay Kael.
Nagulat ako ng walang ano ano'y pumasok ito sa loob ng bahay matapos kong buksan ang pinto, tila ito ay may hinahanap sa loob.
"Teka ano po bang meroon? Ano pong nangyayari?" Tanong ko pero hindi nya ako pinansin.
"Lumabas kayo!" Sigaw nito, lumapit ako kayna mama at hinila sila palabas.
"Ate?" Kinakabahang sabi ni Kael sa akin. Umiling ako dito at ngumiti. Bawat kawal ay pinapasok ang mga bahay.
Nakatayo ng kami dito sa labas ng may mapansin akong lalaki na tumtakbo palapit sa pwesto namin at may humahabol dito.
"Hoy tumigil ka?" Sigaw ng kawal pero hindi ito tumigil at nagulat na lang ako ng pinaputukan nito ito pero ibang tao ang tinamaan. Nagkakagulo sa paligid, ingay ay iba't ibang sigawan.
At aking narinig ang isang malakas na sigaw mula sa Ina ng tinamaan ng bala.
Tumigil ang lalaking tumatakbo ng makita nya ito. Nasabente pataas ata ang edad nito, humarap ito sa humahabol sa kanya. Tinaas nito ang pareho nyang kamay.
"Huh! Alam nyo ba kung anong ginagawa nyo. Tss, babaril ka na nga lang sala pa, dapat hindi ka gumagamit nyan bulok kang umasin ta." Pangungutnya nito sa kawal na bumaril, nilapitan nya yung tinamaan sa braso at tinalitan ng tela.
"Oh bakit di kayo bumaril ngayon. Tsk! You're all fools." pinosasan sya nung isang kawal, nakakapagtaka nga na hindi man lang sya pinaluhod o pinadapa, kasi yun ang kalimitang ginagawa nila sa mga hinuhuli nila.
"Ate anong sabi nya? Yung Ingles?" Tanong ni Kael sa akin.
"Hmmm, mga bobo daw sila, yung mga kawal." Kita ko sa kanya na namangha sya sa sinabi ko. Nagsenyas ako ng ng hwag ng umimik pa... Sa ganitong pagkakataoon nagawa pa nyang mamangha sa ibang lingwahe.
Matapos iyon, umalis na ang mga kawal
"Tara na sa loob, kung gusto mo na matuto mag-aral ka ng mabuti." Pumasok na kami sa loob ng bahay at naghanda ng matulog.
Hindi ko alam kung sino yung lalaki kanina at bakit ganun ang trato sa kanya. Marunong din syang mag-ingles, mayaman kaya sya?
Kinabukasan
Maaga palang nagaayos na ako ng gamit ko para sa pangangaso ko mamaya at pangingisda.
"Ate sasama ako sa iyo."sabi nito at meron syang dalang maliit na itak.
"Marunong ka bang gumamit nyan?" Isinakbit ko yung pana ko sa balikat at kinuha ang panghuli ng isda.
"Oo ate tinururan ako ni papa noon." Kinuha nya yung lagayan ng mahuhuli namin. Hinawakan ko sya sa ulo.
"Oh sige kailangan nating makarami, para mabusog tayo." Tumango-tango naman ito sa akin at lumabas na kami ng bahay.
"Ma, alis na po kami."sabi ko at lumabas na kami ng bahay.
"Ate ako na maglalagay nitong pangkulong natin sa isda sa ilog.Ako na din ang mangingisda."masigla itong tumakbo papuntang ilog.
"Magingat ka baka madapa ka at madulas sa ilog."sigaw ko habang papalayo sya sa akin.
"Okay." Napangiti ako sa isinagot nya, gusto nya talagang matutong magingles.
Nagaabang ako ng mahuhuli dito sa kagubat, inihanda ko ang pana ko. May nakita akong usa sa di kalayuan, dahan-dahan kong inilagay ang palaso sa pana ko.
Hingang malalim
Inasinta ko ito at handa na akong pakawalan ang palaso. At nang ito ay mapakawalan ko.
"Ha, tumama? Kaso tumakbo yung usa? Tumama naman ah."naglakad ako palapit doon sa pwesto kanina ng usa. May dugo sa lupa, kaya sunundan ko yung dinaanan ng usa.
"Hahaha, Yes. May nahuli ako." masaya kong tiningnan yung usa, di gaanong kalakihan yun kaya tinali ko ang paa nito at dinala sa may ilog, nahihirapan man ako sa pagdadala sy ayus lang.
"KAEL! Tingnan mo ang nahuli ko." Pinakita ko sa kanya yung nahuli at nakangiti itong lumapit.
"Aahh, ate ayus yan." Kinuha nya sa akin at hirap na iniangat.
"Oh, magandang huli yan Lindsey." Narinig kong papuri ni Evan habang basa, humuhuli rin ata sya ng isda.
"Oo, pwede kang makikain sa bahay." Ngumiti ako dito.
"Dalhin na natin ito sa bahay." Di makapagintay na pagaaya ni Kael sa akin.
"Oo, Evan pakibantayan yung amin dyan ha." Tumango ito at umakto na pinapaalis kami.
"Ingat kayo baka makasalubong nyo dyan yung mga sira ang ulo." Paalala nya, oo nga pala baka agawan nga kami. Hindi din kc maganda na marami o malaki ang mahuhili mo kung may mga ganoong klase ng tao.
"Salamat, ingat ka din dyan." Kumaway ako dito, pagpapaalam.
Kalimitan kasi, may mga siga dito at kinakaya-kaya yung iba pero hwag sana silang makialam sa kung anong meroon kami........
..........
Lumipas ang ilang linggo, maayos naman lahat, nagaaral na si Kael mangaso at gumamit ng sandata. Para maprotektahan nya ang sarili nya at pati na rin si Mama. Ganun din ako nag-aaral ako ng kung tawagin sa Ingles ay physical combat, at paggamit ng iba't iang patalim. Isang manlalaro ng Game for Life ang nagtuturo sa akin, kaibigan sya ng aking ama.
Kailangan kong paghusayan, ako ang panganay sa pamilya kaya dapat may kakayahan ako na ipagtanggol sila. Mahirap na maraming masasamang tao ang nasa paligid namin.
Makalipas ang dalawang taon
.
.
.
.

BINABASA MO ANG
Game For Life
AventureAre you willing to sacrifice? Can you do everything to survive in this kind of game? Can you do everything to be free? Gusto mo bang malaman ang mangyayari sa buhay nya? Basahin na!!!!