P R E L U D E (revised)

4.2K 118 3
                                    

"Arianne lumayas kana!"


Sigaw ni mama sabay bato nung hawak niyang sandok sa akin.


"Mama naman! Hindi ko nga po sinasadya!" Balik ko naman sabay iwas sa kababato niya pa lamang na kutsara't tinidor.




"Hindi sinasadya?! Aba'y ginagago mo ba akong bata ka?!" Halos madapa ako mula sa pag atake ni mama. Muntik na akong matamaan! Ikaw ba naman batuhin ng flying kawali't kaldero. Jusmiyo! Napapikit na lang ako dahil sa nerbyos. Bakit ba kasi ayaw maniwala ni mama? Nagsasabi naman ako ng totoo! Kung alam niyo lang, kanina pa ako takbo ng takbo at ilag ng ilag sa mga lumilipad na kasangkapan sa bahay. Ganyan kagalit si mama ngayon. Kung ano mang mahawakan niya ay awtomatikong ibabato niya sa akin. Hindi ko naman nga kasi sinasadya eh!


"Mama naman! Sinabi ng-" Halos lumuwa ang mata ko sa gulat at para bang naalog ang utak ko ng beri beri light ng muli niya akong batuhin ng mangkok. Shoot! Sapul ang noo ng lola niyo! "Aaww- Saglit lang naman mama! Sabi ko ng hindi ko nga po sinasadya!" Huminto si mama sa pag habol at pag bato sakin. Napahimas na lang ako sa noo 'kong nagkabukol pa yata, para siyang halimaw grabe ang galit niya sakin. Sa tanang buhay ko ngayon ko lang nakitang ganyan si mama.

Pero sandali- ackkk- ang sakit. Napapikit ako dahil bigla na lamang humilab ang tiyan ko.

"Hindi sinasadya? Wala ka ng ginawang maayos na bata ka!"

Ayan nanaman ho siya, kita 'kong nakadampot siya ng platong stainless na for sure ibabato nanaman niya sa akin kaya go! Takbo Arianne! Run for your life. Napakagat na ako sa ibabang labi ko dahil masakit na talaga ang tiyan ko.


Tumakbo ako sa likod ng sofa para magtago sabay sigaw ng "Mama! Time out saglit!"


"Manahimik ka Arianne Jean! Lumayas kana ng pamamahay na 'to!" Sumilip ako at kita kong nanlilisik na ng sobra ang mga mata ni mama. Sobrang kalat na rin ng bahay namin. Tsk! Hindi pwedeng ganito lang. Lumabas na ako mula sa pagtatago at hinarap si mama. Oha! Feeling strong ang preggy.


"Ma! Tama naman na oh please? Palalayasin niyo talaga ako na ganito ang kalagayan ko? 'di na kayo naawa sa magiging apo niyo." Mangiyak ngiyak kong sabi. Paawa effect ganun at baka sakaling tumalab. Wala naman kasi akong mapupuntahan if ever na lalayas ako.


"Hindi ko nga kilala kung sinong poncio pilato ang bumuntis sayo! Hala sige lumayas ka! Ginusto mo yan diba? Oh siya layassssss!!!" Hinila ako ni mama palabas ng bahay at tinulak tulak, oo pinagtutulukan ako ngayon ng nanay ko. Wala na talaga akong lakas makipagbuno kay mama, para akong gulay na lanta at nanghihina na rin ako. Isama mo pa itong sumasakit kong tiyan, ang baby ko...



Pumasok si mama sa loob ng bahay at isinara ang main door. Ako naman naiwan dito mag isa sa labas. Pasalamat ko pa rin at hindi sa labas ng gate kundi dito lang ako sa labas ng main door. Napasalampak ako sa sahig tsaka nag iiyak, dinaig ko pa ang batang inagawan ng kendi ng kalaro niya. Masakit sobra. Hindi ko alam kung yung tiyan ko ba o yung nararanasan ko ngayon. Mali, mas masakit yung ipagtabuyan. Bakit nga ba nangyayari sakin 'to?


Napatigil ako sa pag iyak ng bumukas ang main door at iniluwa si mama na dala-dala ang mga- "Mama! Seryoso ka talaga sa pagpapalayas saki- Aray ko naman! Ma! Maniw- aabsjsjshhsygs pwe! Mama nam-" Hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin ko dahil pinagbabato niya sakin ang mga damit ko. "Arianne Jean manahimik ka! Hala sige lumayas kana!"


"Mama please! Let me explain! Aksidente lang ang nangyari! Nagkakamali ka dahil hindi ko ito ginusto! Ano ba maniwala ka naman oh!" Totoo naman eh. Hindi ko 'to ginusto. 


"Aksidente Arianne?" Tanong ni mama sabay lapit sakin "O-opo ma... Please maniwala po kayo." Sagot ko naman. Mukhang naniwala naman si mama at pumasok siya sa loob ng bahay. Tumayo na ako at pinulot ang mga damit ko. Papasok na sana ako sa loob ng biglang lumabas si mama.


"AKSIDENTEEEE?!"


Juicecolored! Mga santo tulungan niyo ho ako!


"He-hehe... Mama diba yan yung samurai na pinadala ni papa?" Tanong ko sabay atras. Mukhang balak na yata akong gilitan ng nanay ko.

"Aksidente ba kamo?! Ano yun? Naglalakad ka lang sa daan tapos nabangga ka ng tite?! Walanghiya kang bata ka! Malandi ka! Nagpapakahirap kami ng papa mo para mapagtapos kayo ni Aerros! Tapos ito ang igaganti niyo? Wala kayong awa sa magulang niyo!" Sigaw ni mama sakin habang umiiyak siya. Alam ko naman eh, gusto nila akong makapagtapos. Gagawin ko naman yun. Pero kasi heto! Nangyari na! Hindi pwedeng ipalaglag ko ang bata dahil anak ko siya. Dugo't laman ko ang batang dala-dala ko sa sinapupunan ko, kahit pa hindi ito planado.


"Hindi ko 'to ginusto mama. Sabihin niyo na kung anong gusto niyong sabihin! Na kesyo malandi ako o ano pa man! Pero magkalinawan tayong hinding-hindi ko ipapalaglag ang anak ko! Ang akin lang sana ma, wag naman ganito..."

Pareho kami ni mama na iyak ng iyak. Pang famas ang acting naming dalawa- but wait hindi nga pala ito acting-an lang. Mas real pa sa nesfruta ang lahat.


"Lumayas kana Arianne. Wag mo na hintaying kaladkarin pa kita! Tandaan mong hinding-hindi ka makakatapak sa pamamahay na 'to hanggat hindi mo naihaharap sa akin ang bastardong nakabuntis sayo! Hindi ko alam kung paano 'to sasabihin sa papa niyo, lumayas kana." Diin ni mama sabay tayo at pasok sa loob. Mukhang wala na siyang balak lumabas ulit dahil pinatay na niya ang ilaw dito sa labas.


Akala ko totoo ang kasabihan na "Kayang tiisin ng anak ang magulang,ngunit hindi kayang tiisin ng magulang ang anak" pero parang hindi naman. Kita niyo nga oh, hinayaan ako ni mama. Alam kong may pagkakamali ako pero sobra naman yata 'to.


Matapos ang ilang minutong pag iyak. Tumayo na ako at nakapag-isip. Bakit nga ba ako iyak ng iyak dito? Walang mangyayare sakin kung mag iiyak lang ako. Ba't hindi ko puntahan yung walanghiyang lalaking responsable sa pagbubuntis ko. Yung lalaking parang gawa sa yelo. Si Sylvester Frost.

Accidental Night With Sylvester Frost (On Revision) (On hold)Where stories live. Discover now