[ANWSF11] She's Back

1.6K 56 1
                                    

Arianne's POV 


Magda-dalawang linggo na ang nakalipas mula nung nangyare yung aksidenteng allergy ni Sylvester.At I'm so proud to say na nakasurvive din ako ng tatlong linggo sa condo niya.Maayos naman lahat.Walang nagbago,ganun pa rin si Sylvester.As usual masungit--Psh! Eh wala namang bago dun 'no! Pero may mga times naman na sinasapian siya ng ka-anghelan.Madalas niya akong ipagluto bago siya umalis.Di rin niya nakakalimutang bilan ako ng mga vitamins.Syempre alagang-alaga niya si baby.Punong-puno nga ng fresh milk yung refrigerator eh.


"Hey dull-witted! I'm going.Lock the fvcking door or else I will kick you out.You understand?" Sabay taas niya ng kilay.Ayan nanaman siya sa pangangaral niya--Oh! Baka akalain niyo may feelings na siya niyan.Syempre wala.Keso napakaclumsy ko raw kasi baka mapahamak ko nanaman si baby.



"Oo na~" Sagot ko naman sabay buntong hininga.



Umalis na siya at naiwan nanaman akong mag-isa.Sanay naman na ako,dinaig ko pa nga yung preso eh.Buti pa sila nakakalanghap ng sariwang hangin samantalang ako eto! Nakakulong,ayaw kasi akong palabasin ni snowman.Sobrang caring niya 'no? Hayst! Oo! Kay baby nga lang.Pero sanay na talaga ako promise.


Humiga ako sa sofa at binuksan yung T.V--Makanuod na nga lang~



Ilang oras na yung nakalipas at di ko namalayang nakatulog na pala ako.Nagising ako ng mag-aalas kwatro na ng hapon.Tagal din pala ng tinulog ko? 



Bumangon ako at lumapit sa fridge.Nauuhaw ako eh--Habang nagsasalin ako ng gatas sa baso,bigla namang tumunog yung intercom.Dali-dali akong lumapit sa pinto at sinagot yun.Kabilin bilinan pa naman ni Sylvester na huwag agad ako magbubukas ng pinto dahil baka mga reporter lang yun.Alam niyo naman na sobrang sikat niya na model--So issue daw yun pag nalaman na may kasama siyang babae dito,at worst ay nabuntis pa niya.



"Sino po sila?" Tanong ko.Mula dito sa loob ay kita ko yung babae sa labas.Mukha siyang model at ang ganda niya.Sino kaya 'to? 




[I'm Fleah Hernandez] Casual na sagot niya.Fleah? Teka sounds familiar! 




"Anong sadya mo?" 




[Will you please just open the door?] Mataray niyang saad.Ay wow ha! 




"Hindi pwede eh.Magagalit kasi si snowman.Sabi pa naman niya wag mag papasok ng strangers." Medyo paasar kong tono.Bakit parang kumukulo yung dugo ko sa babaeng 'to? 





Accidental Night With Sylvester Frost (On Revision) (On hold)Where stories live. Discover now