[ANWSF19] Right Here Waiting

1.2K 39 1
                                    


Arianne's POV



"CK i-i need..I need y-you..." Saad ko habang patuloy sa pag iyak.Bakit Sylvester? Bakit?   





[Shit Arianne umiiyak kaba?! Hala! Ilang minuto pa lang akong wala ah! Hintayin mo ko! Wag ka kung saan-saan pupunta! Wait! I'm coming!] Sigaw ni CK sa kabilang linya.





"S-sige..." Matapos 'kong sabihin yun ay ibinaba ko na yung tawag dahil baka madisgrasya si CK habang nag da-drive.Habang ako iyak lang ng iyak dito sa kwarto.






Hindi ko na kaya.Ang sakit na kasi sobra.Bakit ganun? Tama naman yung sinabi ni Sylvester na wala lang kami.Pero yung sabihin niya na di niya ako kilala yun yung masakit.Parang ilang beses akong sinaksak ng kung anong matulis na bagay dito sa puso ko.Masyadong mabigat yung nararamdaman ko.Bakit ba kasi ako umasa na nagbago na siya? Na baka sakaling magustuhan din niya ako.Kasi diba yung mga pinapakita niya sakin.Sana naging aware siya na naf-fall na ako sa mga pinag-gagawa niya.Akala ko ayos na eh.Diba nga ikakasal pa kami? Yung magdesisyon pa nga lang siya na pakasalan ako ay sobra na.Kaya naisip kong baka may feelings na din siya sakin to the point na ayus lang sa kanya na matali siya sakin.Pero i was wrong.Masyado akong nag-aasume.Hindi pa ba ako nasanay? Sylvester is Sylvester! Siya pa rin yung lalaking mas malamig pa sa yelo at mas demonyo pa sa demonyo.Oo nga naman pala.Siya yung tipong walang pakielam sa nararamdaman ng iba.Siya si Sylvester Frost and i can't change that.






"Arianne? It's me.Buksan mo ang pinto please." Dinig kong saad ni CK.Ang bilis niya talaga.Buti pa si CK.Lagi siyang nasa tabi ko tuwing kailangan ko siya.Sa ilang araw na wala si Sylvester siya yung nandito.Na sana dapat si Sylvester ang gumagawa ng pag-aalaga sakin dahil anak niya yung ipinagdadala ko.






Tumayo ako at pinihit ang doorknob.Iniluwa nito si CK na halatang nag-aalala.Mukhang tinakbo niya paakyat dito.Pawis na pawis siya.






Mas lalo akong napaiyak ng bigla niya akong yakapin.Si CK.Siya yung laging nandyan.Alam kong nasasaktan din siya na makita akong ganito.Alam ko yun na may feelings siya sakin.Just like what he confess to me.He's serious i can feel that.Seryoso siya saakin.





Accidental Night With Sylvester Frost (On Revision) (On hold)Where stories live. Discover now