[ANWSF9] Seriously Getting Married

1.6K 51 0
                                    

Arianne's POV


Matapos ang yakapan namin ni mama ay nagpasya na kaming umupo sa sofa.Nakakapagod din palang tumayo.So ngayon magkakaharap kami nila Mama,Aerros and even si Sylvester.May himala ba? Anong ginagawa ng nanay at kapatid ko? Diba ang pagkakaalam ko ay galit si mama sakin? 



"Mama...Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko matapos kong magpunas ng luha.Hindi pa rin kasi ako makapaniwala.




"Arianne anak pasensya na...Nadala lang ako ng galit ko kaya kita napalayas.Ganun naman talaga ang magiging reaksyon ng isang ina kapag nalaman niyang buntis na pala ang anak niya.Anak napakabata mo pa kasi kaya hindi ako makapaniwala..." Alam ko naman yun eh.Ako nga hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala.




"Sorry din po ma.Naging pabaya ako.Masyado po kasi akong nasaktan kaya ko nagawa yun.Yung mag pakalasing.Kaya eto.Nabuntis ako.Sorry talaga mama,pero diba wala na akong magagawa.Nangyare na ang nangyare at kailangan kong maging matatag para sa magiging anak ko." Shems naluluha nanaman ako.Why is that huhu--




"Yan kasi Jeantama.La-lasing lasing ka tas di naman pala kaya.Tanga ka tal--"




"Manahimik ka Aerros Ares Austria! Hindi ka kinakausap! Napakabastos mo talagang bata ka! Gumalang ka sa ate mo! Hala sige.Nakakahiya nandito tayo sa bahay ng bayaw mo.Shhhs!" 



Sabay ngiti ni mama kay Sylvester na nasa tapat niya.Nanatili namang kalmado si Sylvester.Ano daw? Bayaw? Huh anong bayaw?! 




"Ma!" Saway ko kay mama.Nakakahiya kay snowman mamaya isipin niya assuming ako.




"Sus Jeantama kunyare pa! Gusto rin naman.Psh!" 




"Shut up Triple A!" 


Ay litse nagagaya na ako sa kaka 'tss' ni snowman.Naman kasi eh! 




"Iho,Maraming salamat pala sa pagpapatuloy mo sa amin dito sa condo mo." 




"It's nothing madam.Gusto ko ring malinawan kayo sa mga nangyayare." Sagot naman ni Sylvester.Wow! 




"Kung hindi mo pa sinabi sa amin hindi namin malalaman.Alam mo buti na lang at ikaw ang ama ng dinadala ni Arianne.Dahil kung iba,naku kawawa talaga ang anak ko.Buti kapa may trabaho,gwapo,mayam--" 

Accidental Night With Sylvester Frost (On Revision) (On hold)Where stories live. Discover now