CHAPTER 14

163 6 0
                                    

REEVEN POV

Nakakainis, nakakairita, yung nakangising mukha ng unggoy na toh. Gusto ko ng umuwi baka kasi masuntok ko pa siya.

"Bhabe uwi nalang tayo napagod na ko"

"Ah si---"

Sasagot na sana si Janice pero pinutol ko agad ito.

"Sainyo siya titira!?" Iritang tanong ko.

" oo pre! Magkatabi din kami ni Janice matutulog " pang-aasar nitong sagot.

Napakunot naman ang nuo ko. Anong sabi niya baka gusto niyang mamatay ng nakadilat.

Nakita ko namang hinampas ito ni Janice.

"Wag kang maniwala dyan! Bestfriend ko naman siya kaya okey lng na tumira siya sa bahay" nakangiting sabi ni Janice."

Shit! Bwisit kalma lang Ree. Bestfriend niya nga lang diba.

"Daddy Ree sama ka na muna samin maglalaro tayo ng play station sa bahay" nakangiting anyaya nito sakin. Pilit din akong ngumiti dito at tumango bilang pagsang-ayon. Kailangan kong makapag-isip ng magandang rason para dun din ako makatulog sa kanila. Mahirap na baka anong gawin pa ng Mokong na yan. Sana umulan ng malakas mamaya.

"Tara na" pag-aaya ni Janice at inalis ang kamay ni Erik sa balikat niya. Parang gusto ko namang pumalakpak sa ginawa nito.

Dahil ako lang ang may dalang kotse. Napilitan akong pasakayin ang mokong na toh pero laking tuwa ko naman ng tumabi ulit saakin si Janice. Mabuti lng talaga tumabi siya kung hindi baka ei bangga ko nalang talaga tong kotse sa mukha ng Mokong na yan. Teka ei pa ambush ko kaya siya sa abusayaf o di kaya bibili ako ng yate tapus ei papa kidnap ko siya at ilagay dun para dalhin sa pacific Ocean at ipakain sa shark. Shit! Ano bang pinag-iisip ko mas masaya yata kung mas brutal ang pagpatay. Napailing nalang ako dahil sa sobrang pag-iisip ko kung paano mawala sa landas namin ang hudas na yan, ay di ko namalayan na nakarating na pala kami.

Nakita kong masiglang bumaba si Axel at pinagbuksan ng pinto ni Mokong si Janice. Nag-inhale , exhale muna ako bago bumaba. Naunahan niya kong magpaka Gentleman kainis. Wow! Ree kailan kapa naging gentleman hah? Bago yata yun?. Pang-aasar ko sa sarili ko.

" at dahil mas masarap akong magluto ako ang mag luluto" singit ng ungas na ano ba yung pangalan. Edi siya na magaling mag luto.

"Wow!!! Mas magaling pa din ako sayo" pambabara dito ng mahal ko. Naks! Makamahal ka nuh!? Nahahawaan na yata ako ng kalandian ni Mackoy.

"Magpapabili nalang ako sa labas mamaya kung siya ang magluluto" pabulong na sabi ko.

"Ahahaha daddy Ree ayaw mo bang i----- ahmmm"

Tinakpan ko agad ng kamay ko ang bibig ni Axel. Shit tong anak ko masyadong chismoso. Nakita ko namang nagtatakang napatingin samin yung dalawa.

"He.he axel tara na laro na tayo" sabi ko dito at kinaladkad ito papuntang Living Room nila.

Nagpupumiglas na ito kaya binitawan ko na.

"Daddy bat mo tinakpan bibig ko?" Iritang tanong nito.

"Ang chismoso mo kasi" prangkang sabi ko dito na mas nag pabusangot ng mukha nito.

"Im just telling what I hear from you"

"Hehe secret nalang natin yun nak hehe"

Pang-aalo ko dito. Baka kasi magtampo pag pinatulan ko at si Mokong nalang yung gawin niyang totoong daddy. Napasimangot nalang ako sa naisip ko.

"Ang panget mo Dad ahaha selos kaba ky Daddy Erick?" Pang-aasar nito.

"Te--teka anong pinagsasabi mong bata ka?? Selos ? Alam mo ba meaning niyan hah?" Takang tanong ko dito.

"Ehehe hindi poh! Narinig ko lang sa tv yan " inosenteng sagot nito.

Hay naku! Ibang klase.

"Tara na Dad laro na tayo"

Hinatak niya na ako kaya napasunod nalang ako sa kwarto niya. Pero bigla din akong tumigil ng maalala ko si Janice. Kasama niya pala yung ungas.

" ah.eh iinom muna ako ng tubig Xel''

Pagpapalusot ko dito. Nakita ko namang napangiti ito.

"My ref poh ako sa kwarto"

"Ei mas masarap tubig dun sa kusina"

What the fuck!! Anong klaseng palusot yun. Nakita ko namang napataas yung kilay nito. Sabi na ee, matalino tong batang toh.

"Hays teka stay here nalang poh ako na kukuha"

"No ako nalang"

"Akong bahala,trust me dad"

"Pe---pero"

"Dad ako na stay calm kalang dyan,kapag umalis ka di kita kakausapin "

Nakasimangot na sabi nito. Napabuntunghininga nalang ako at tumango. Ano pa nga ba ang magagawa ko baka tutuhanin niya.

JANICE POV

"Now!! Explain"

May halong inis na sabi ni Erick ng maiwan kaming dalawa dito sa kusina. Sabi na ee magagalit siya.

"Kalma ei k-kwento ko na"

Nakangiting sabi ko dito ,yan kasi yung kahinaan niya. Pero imbis na ngumiti din siya sakin. Mas lalo lang nitong pinakunot ang kanyang nuo. Shit! Galit nga siya. Isinalaysay ko naman sa kanya ang nangyari kahapon.

"So ganun nalang kadaling magtiwala si Axel sa lalaking yun? That's imposible"

"Oo nga ee"

Kilala niya kasi yung anak ko. Alam niyang mailap toh sa mga tao lalo na sa mga lalaki. Noon nga halos isang buwan bago siya kausapin ni Axel.

"Maka oo ka dyan! Ei ikaw nga din madali kang magtiwala doon"

Panenermon nito. Hindi ko nga din alam kung bakit ganun nalang kadali niyang makuha ang tiwala ko. Simula kasi ng mangyari sakin yun ee iniiwasan ko na lahat ng lalaki sa mundo. Mga 2 years din yata ang pang gugulo sakin ni Erick bago ko siya pag katiwalaan ng tuluyan. Kung hindi niya pako nilagtas noon sa mga nambabastos sakin sa loob ng classroom namin ee di ko siya magiging bestfriend.

"Di ko alam! Dahil siguro may utang na loob ako sa kanya.

Wala sa sariling sabi ko dito.

" ganun nga ba?? Or na love at first sight ka sa knya!?"

Uso pa ba yan?? Love at first sight.

"What!? Hindi aa"

"Oh!? Sige kunyari maniniwala ako sayo"

Pang-aasar pa nito.

"Shut up! Lets just cook"

Inis na sagot ko dito. No!! Thats imposible.

"Dont you worry! Paiimbistigahan ko ang pagkatao niya" seryosong sabi ng bestfriend ko kaya di nalang ako umimik. Kapag aangal ako aasarin niya lang ako.

"Mommy!! " tawag sakin ng anak ko.

"Oh bakit?" Takang tanong ko dito.

"Lets go! Manunuod tayo ng movie" nakangiting pag-aaya nito.

"Nak naman ee tutulungan ko pa si daddy Rick mo"

Nakita ko namang napasimangot ito. Anyare sa batang toh.

"Dadie ok lang naman diba!?"

Pagkukumbinsi nito.

"Oo naman! Nice sige na si Manang Mel nalng magluluto dito! Tara mag movie marathon"

Nakangising sabi ni Erick. What the! May binabalak yata toh. Mukhang nagseselos pa naman si Reeven. Di naman ako bulag para di makita kanina na nakakuyom ang kamay ng isang yun kapag inaakbayan ako ni Erick. Shit!! Erick Grey this is trouble.

AN:

 FALLING INLOVE (with My Rapist)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon