CHAPTER 20

136 2 0
                                    

JANICE POV

"Bhabe kanina kapa tahimik ok kalang ba?"

Simula kasi ng may sinagot na tawag siya kanina parang ang lalim na ng iniisip niya. Teka huwag niyang sabihin na ikalawang babae niya yung tumawag kanina kaya ganyan nalang yung reaksyon niya. Tumingin ito saakin at napailing.

"Hoy!! Mr. Uy baka ibang babae yang iniisip mo? Kabet mo siguro yung tumuwag nuh?" Inis na tanong ko dito habang nakaupo kami sa kama. Kumunot naman yung nuo nito.

"Anong akala mo saakin babaero?"

"Abah malay ko"

Nakasimangot na sagot ko dito. Tssk ang hirap kasi nagtiwala agad ako sa lalaking toh. Kung hindi lang talaga tumibok yung puso ko ng ganun kadali.

"Wow!! Bhabe may nakita kabang pinapansin ko na babae sa tuwing magkasama tayo?"

"Wala!! Yun nga lang kapag wala ako! Tingin mo hindi mo papansinin yung mga babaeng palaging naglalaway sayo!! Sinabihan na kitang magpakalbo ka ng pumanget kanaman ng kunti pero ayaw mo!! Dahil ba yun sa kabet mo? "

Ang pagkaselosa mo talaga Janice. Tsssk! Paki niyo gusto ko ako lang nagkakagusto sa kanya.

"Tssk paki ko ba sa mga babaeng yun!! Ikaw lang naman yung gusto ko!! At ayaw kong magpakalbo pagtatawanan mo lang ako"

Muntik na akong ngumiti.
Hoy!! Huwag kang kiligin!!. Galit ka diba?.

"Tss!! Ewan ko sayo"

"Bhabe naman wala ka bang tiwala saakin?" Malumanay na tanong nito.

"Sayo meron pero sa babaeng nakapaligid sayo!! Wala!!"

"Ayan na naman pinapairal mo na naman yung pagkaselosa mo"

"Tsssk!! Ei bakit ganyan na mood mo? Sino yung tumawag"

Umiwas ito nang tingin.

"Yung pinsan ko lang"

Halatang nagsisinungaling.

"Ayaw ko ng sinungaling"

Inis na sabi ko dito. Napabuntonghiniga naman ito at bigla akong niyakap. Anong nangyayari sa kanya. Tama ba yung hinila ko na may iba siyang babae kaya nag kakaganyan siya.

"Bhabe Im sorry hindi ko pa masasabi sa ngayon"

"At bakit hindi!! Baka niloloko mo na ako"

"Hindi ko yun magagawa sayo! Alam mo yun?" Mahinang bulong nito. Te-teka tama yata siya.Sa past two months na pagsasama namin,araw-araw pinaparamdam nito kong gaano niya ako kamahal at kong paano siya tumayong ama sa anak ko. Pagduduhan ko pa ba yung pagtanggap niya saamin kahit alam nitong may nakauna na saakin. Bihira ka lang yatang makakakita ng lalaking mamahalin ka at tatanggapin ka ng buo. Ni minsan nga hindi siya nagtanong saakin kung ano ba talaga ang nangyari sa nakaraan ko at kung paano ba talaga na buo si Axel. Siguro hinihintay lang ni Reeven na ako mismo ang kusang magsabi sakanya tungkol doon. Yun nga lang natatakot ako,ayaw kong mandiri siya saakin.

"Bhabe?"

Kumalas ito at tiningnan ako. Napalalim yata ang pag-iisip ko kaya hindi na ako nakasagot dito.

"Okey basta kapag may problema ka just tell me ready akong makinig " sincere na sabi ko dito. Napangiti naman ito.

"Yes boss"

"Kung hindi lang kita mahal"

"Hehe I love you soo much"

Hinalikan niya ako sa labi na agad ko namang tinugon.

 FALLING INLOVE (with My Rapist)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon