"ano?! palag ka ha?! matapang ka na ngayon!" sabi ko sa estudyante habang hawak-hawak siya sa bag niya.
"h-hindi po! so-sorry po!" nanginging niyang paghingi ng tawad.
"ayusin mo!" mas lalo ko siyang sinindak.
"sorry po ate Ajie! di ko na uulitin!" sigaw nung lalake.
"mabuti. Sa susunod kase kung magse-spread ka ng rumors, be sure na hindi ko malalaman ha? Kase if you did this again, I'll make sure na ikaw na ang pag-uusapan. And you know kung anong nangyari sayo?"
"w-what?"
"pinaglalamayan ka na. So tsupi! I don't want to see that acne face anymore!" sabay tulak sa kanya palayo na sanhi ng pagka-subsob niya sa sahig. Agad-agaran siyang tumakbo papalayo na halos matumba na siya.
"psh, so clumsy" bulong ko sa sarili ko sabay talikod at nag-simula nang nag-lakad papalayo.
Medyo astig ang paglalakad ko.
Kilabot...
"hala andiyan na si Ajie! takbo!"
Tough...
"anong sinabi mo?!" sabay hawak sa kwelyo ng damit niya.
"w-wala po!"
Never smiles...
"Do I look like joking. Now, run if you still want to live" agad naman siyang kumaripas ng takbo.
Cool...
"grabe, ang astig niya talaga!" sabi nung isang babae.
At diyosa...
"ok, Miss Ajie. You will join this year's Mister and Miss Uy-Mariano Academy" sabi ng teacher namin.
WAIT! WHAT?!
"a-ano ma'am?!"
Ako nga pala si Ajina Mariel Mendiola. 15 years old. 3rd year. Studying at Uy-Mariano Academy. A place where 70 % are bully students and 30 % are dweebs. At isa ako sa mga 70 % na yun. May gang ako. Pero pi-pito lang kami at lahat ay babae. At ako ang 'Sadistang Diyosa'
"ayun! nautal si sadistang diyosa! haha" asar ng mga kakalase ko.
"may kahinaan din pala siya!" sabat pa ng isa. Tinitigan ko sila ng masama. Ayun, nahuli sila sa tingin. Namutla at hindi na nakapag-salita.
"yes Miss Mendiola. You will be our representative"
"ma'am! eh sino po yung boy?"
"si Mister Pangatnihon"
O.O
"muling ibalik ang tamis ng pag-ibig! hahaha" sabay-sabay na kinanta ng mga kaklase ko. Tinignan ko sila ng masama.
"gusto niyo pang makita akong naka-gown?" tanong ko sa kanila. Mukhang na-gets nila dahil namutla sila.
"j-joke lang naman! haha syempre, gusto naming mabuhay este mapanuod ka!" sabi naman nung maarte kong classmate.
"ayaw niyo naman pala eh" sabay tutolk ulit kay Ma'am Medina.
"oh, ano kayong dalawa? game?" tanong sa amin ni ma'am Medina. Tinignan ako ni Otep, na tinignan ko naman ng masama.
"yes ma'am game po kami!" sagot naman ni Otep.
"t-teka! wala pa a--"
"ok class! open your books on page 10" biglang tumalikod si ma'am at hindi na ako pinakinggan. Nako! kung hindi lang siya teacher -.-"
Nako! bakit si Otep Pangatnihon pa? Bakit si Bully King pa?! Bakit ang ex ko pa?!
Hindi ako bitter, ayoko lang makita ang pagmumukha niya kase talagang mababasag ko yung matangos niya nguso! >.<
BINABASA MO ANG
Ang stalker kong famous
Novela JuvenilMay nakilala ka na bang gwapo, mayaman, pero sobrang ang pagiging stalker? Eh may nakilala ka na bang maganda, mayaman, galing sa malaking angkan pero bully o sadista? Pwes ako meron! wahaha. Tara na't basahin ang palabok na LOVE STORY ni Rylex at A...