Biyuda

15.3K 135 6
                                    

Naging maayos na ang buhay nila dahil sa pagsisikap nila. masasabing niyang hindi naman sila masasabing mayaman.Pero kahit paano meron na.

May inuupahan na siyang canteen,tabi ito ng kalsada,Maraming dumadaan,malapit ito sa school ,hospital kaya marami na siyang suki.May kusinera siyang kinuha at isang servidora.

On hand siya sa kanyang negosyo
Sa harap nito may tinda pa rin silang mani at cornick na laging bagong luto, dinarayo talaga ito.Kaya mabili sila.

Pero isang araw tumawag si Dennis sa kanya, nasa ospital daw ang ama, isinugod nila.

"Misis kailangan na pong idialisis ang iyong asawa,malala na po ang kondisyon niya.Kidney failure,yong panghihina niya at paghingal ay isa po itong symtomas .Nilalason na po ang dugo niya,kapag umabot ito sa puso at utak niya possible po itong ikamatay niya." Sabi ng doctor sa kanya

Nanghihina ang tuhod niya  ,Hindi niya akalain na ganito na kalala ang asawa niya.Madalas naman niya itong sabihin na magpatingin pero hika lang daw yon at kaya niya.

Nang sabihin niya kay Oscar na magpadialisis tigas ng pagtanggi nito sa kanya.

"Ayoko Lara mamatay  din  naman ako, kahit ipa dialisis mo pa ako,gagastos pa tayo,ilaan mo sa mga bata ang pera para sa kinabukasan nila."

"Oscar ang pera nakukuha pero ang buhay mo ang mahalaga."

"Basta ayoko Lara!"

Hindi niya ito napilit.ilang buwan ang tinagal nito.Kinumbulsiyon,nadala pa sa hospital pero wala na.

Panibagong dagok na muli sa buhay niya ang pagkawala ni Oscar.
Maaari  niyang buhayin ang mga anak niya,Pero iba pa rin ang may asawa.may mahihingahan ka ng sama ng loob. at dalawa kayong masaya pag my achievement ang mga anak niyong mag asawa.Pero ngayon wala na.Mag isa na lang siya, tatay at nanay ng tatlo niyang anak.

Nang mailibing si Oscar.Kailangan niyang maging matatag para sa mga anak niya.Hindi siya puwedeng maging mahina dahil may tatlong umaasa sa kanya.Ipinagpatuloy ang buhay kahit wala ang asawa.

   Ariel POV

Pagkalipas ng sampung taon,heto siya sakay ng dyip pauwi sa bahay nila.

Hindi niya alam kong ano ang nararamdaman niya,Takot O excited sa paglabas niya.

Napakarami ng nabago sa bayan nila.

Yong mga dating lumang gusali ngayon mga makabagong establishemento na.

Puwera sa eskuelahan,hospital Na pinaganda lang at ilang bahay ng may sinabi nong panahon niya yon na lang ata ang natira.

Biente sais anyos siya ng makulong at ngayon trienta y sais na siya.

Kong maibabalik lang niya ang panahon,sana nakinig siya sa pangaral ng tatay niya.

Isinusumpa niya ang mga araw sa kulungan.lungkot lalo na ng nalaman niya na namatay ang nanay niya na hindi niya nakita.

Hirap dahil sa pagkain kong ano ang nandiyan yan lang ang iyong pagtitiisan.Init dahil sa siksikan.

Pambababoy ng kapwa niya kakosa.Natikman niya kong paano rapen ng kapwa lalake.

Nakatikim na diyan siya ng uten ng kapwa niya lalake.

Gusto niyang pagsisihan lahat ng ginawa niya noong kabataan pa siya.

Ngayon heto siya,hindi na alam ang buhay sa labas ,Kong tatanggapin pa ang isang ex convict na tulad niya.

Napukaw ang kanyang pagmuni muni na malapit na siya sa kanila.

Ang dati nilang bahay na pinakamaganda noon ay pinakaluma na ngayon.

Kumatok siya sa kinakalawang ng gate,Isang binatilyo ang nagbukas sa kanya.

"Sino po kayo?"

"Si Ariel nandyan ba ang Tatay?"

"A kayo po pala tuloy po kayo nasa kuarto po ang tatay niyo.Ako po pala si Edgar anak po ng pinsan niyo.Dito po kami pinatira para daw may kasama si Papay."

"Ganun ba?salamat ha"

"Cge po pumasok na kayo."

Nang makita siya ng ama umiyak ito.Halata na ang katandaan ng tatay niya,halos nanginginig na ito.Wala na yong dating striktong mukha na kinatakutan ng mga kapatid niya.Tanging siya lang ang hindi sumunod sa ama.At ngayon narealize niya.Tama lahat ng pangaral nito.Walang maidudulot na maganda ang bisyo.

Nagmano siya at niyakap niya ito.Babawi siya sa kanyang ama.

Ang mga kapatid niya may sarili ng bahay yong iba nag migrate na sa Canada.

Dahil may pera naman siya na itime deposit ng kapatid share niya sa ilang kabuhayan na naibenta,Nagpasya siyang bumili ng dyip na dalawa.

Papa boundary niya ang isa sa pinsan niya isa naman sa kanya.

Life must go on sabi nga ng iba.

Napatanaw siya sa likod nila.Wala na pala yong kakahuyan sa likod nila .

Dati marami ditong puno ng mangga,aratiles guyabano at mga damong pinapastolan ng baka nila.

Isa na itong malaking bahay.Sino kaya ang may-ari nito?Sina.Salvador pa kaya?Nasaan na kaya yong babaeng nakatira diyan dati?kumusta na kaya ito?

Ayaw niyang alalahanin pa.Pero ng nasa kulungan siya ito lagi ang laman ng utak niya.

Ayaw Matulog ng GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon