Pagkakasundo

12.4K 138 2
                                    

Mabilis niyang pinatakbo ang dyip para igarahe,Tinawagan siya ni Edgar naglayas daw si Jolo.Pagkatapos niyang magpalit ng damit.Agad tinawagan niya si Lara.Nasa may simbahan daw ito kaya pinuntahan niya .

Natanaw niya itong nakaupo sa may hagdanan paakyat ng simbahan.Nilapitan niya ito.

"Lara." Tawag niya, dahil nakayuko ito.Napatingala ito sa kanya kaya nakita niyang mugtong mugto ang mata nito.

"Pumunta ka na ba ng Barangay?" Tanong niya dito

"Oo pati sa pulis,pero biente kuatro oras daw bago ideklarang nawawala." Sagot nito sa kanya.Inabot niya ang kamay niya para tulungan itong tumayo.Ibinigay din naman nito ang kamay sa kanya.Dahil nagulo ang buhok nito,tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok sa mukha nito, inipit  niya sa tainga nito  .

"Umuwi ka na, ako na lang ang maghahanap." Sabi niya dito.

"Hindi ayoko!sasama ako!"

"Paano ang anak mong dalawa?lalo na si Shana kailangan linisan ang sugat niya.Hindi niya yon kayang mag-isa,saka baka hindi din yon alam ni Dennis.Sige na ..umuwi ka na." Sabi niya.

Para naman itong natauhan sa sinabi niya.

"Sige pero tawagan mo ako lagi.Hanapin mo ang anak ko.please .Hindi ko kakayanin pag nawala siya sa akin." Sabi nito sabay tulo ulit ng luha.

"Oo pangako." Sabi na lng niya.Sabay na silang umalis ng simbahan pinasakay niya ito ng tricycle.

Hindi niya alam kong saan siya mag uumpisang maghanap

Malapit ng gumabi.Tinawagan niya ang mga kakilala niya baka may maitulong ito sa kanya.

Ihinakbang niya ang kanyang mga paa.Pumunta ulit siya ng park,mga dyip na nakaparada inisa isa niya.Sa hospital ,basketball court  nagflaslight lang siya.

Si Lara din mayat maya tumatawag sa kanya.Nagpasya na siyang pumunta ng kabilang bayan.
Inabot siya ng umaga pero wala.Dahil na lowbat na siya nagpasya siyang umuwi muna.Pero hinihiling niya na sana noong malowbat siya ay hindi na siya natawagan ni Lara para sabihing nandoon na si Jolo.

Dumiretso na siya sa bahay nila,para magpalit ng damit.Dahil pagod at puyat nagpunas lang siya.

Pinuntahan niya muna si Lara.Kumatok siya, agad naman itong nagbukas.Nang makita siya nito na walang kasama.Hindi na nito napigilan ang humagulhol.

Niyakap niya ito."Mag charge lang ako ng celpon ko babalik ako,tama na.Pasasaan ba makikita din natin siya."

"Paano kong hindi na?
Mamamatay ako Ariel mamamatay ako!Hindi ko ito kakayanin.Matatanggap ko kong mawala sila dahil sa sakit,pero yong isipin ko na wala siyang kinakain na baka nakuha ng sindikato,ginawang pulubi mababaliw ako.Hindi...hindi ko kaya!"

"Huwag kang mag -isip ng ganyan.Gagalugarin ko lahat para mahanap si Jolo.Pangako ko yan sayo.Ibabalik ko sayo ang anak mo buhay na buhay."

Medyo kumalma naman ito para na itong bata na walang lakas. Pinaupo niya muna ito.

"Aalis ulit ako hindi ako babalik hanggat hindi ko siya nahahanap.Pumunta ka ulit sa mga pulis sabihin mo na wala pa din okey?"

Tumango naman ito.Sabay punas ng luha.
Umalis ulit siya.Pakiramdam niya nanghihina na din siya .Paano nga kong hindi niya mahanap si Jolo?Ayaw niyang isipin yon pero siya man ay natatakot na.

Pero mas gusto niya si Lara noong galit na galit sa kanya.Noong pinagsasampal siya na ang tapang tapang,kesa ngayon.Nadudurog ang puso niya sa awa sa babae.

Binilisan niya ang lakad.Inulit niya ulit ang mga napuntahan kahapon .Nagbabaka sakali.

Naisip niya sa kabilang bayan naman pumunta pero talagang wala malapit ng maghapon.Bigo na naman siya.May nakita siyang overpass daanan ng mga tao patawid ng kalsada.

May mga batang kalye na nakahiga.Bawat isa tinitingnan niya ang mukha.Sa may dulo may nakita siyang nakatagilid nakabaluktot may sapin na karton.Tiningnan niya ito.Si Jolo ang bata!

Agad niya itong kinarga tumawag ng sasakyan dinala niya ito sa pinakamalapit na hospital.

Ang sabi ng doctor malapit na daw madehydrate ang bata.Agad niyang binili ang reseta .Nilagyan ng dextrose ang bata.

At saka niya lang naalalang tawagan si Lara para ipaalam na natagpuan niya na si Jolo.

Hindi nagtagal dumating na ito.Tulog si Jolo pero nasa maayos ng kalagayan ito.

"Maraming salamat sa mga nagawa mo sa mga anak ko." Sabi nito sa kanya.

"Wala yon,kulang pa ang lahat ng yon kumpara sa ginawa ko sayo.Kahit buhay ko itataya ko sa kanila.Kahit konti man lng makabawi ako sa naging kasalanan ko sayo."

"Siyanga pala walang kasama ang dalawa ,ako na bahala dito.Bukas agahan mo na lang ang punta."

"Pinasamahan ko muna kay Manang, ikaw baka gusto mo munang mgpahinga." Sabi nito sa kanya

"Kumain ka na ba?" Tanong niya

"Hindi pa eh!"

"Ako din.bili na lang ako sa labas baka magising siyang wala tayo."

"Cge salamat."

Nagsalo sila sa pagkain pareho silang gutom kaya walang kibuan silang kumain.

Dahil walang pasyente sa kabilang kama sinabi niya Kay Lara na mahiga muna ito doon .Salitan sila sa pagbantay kay Jolo.

Hindi niya namalayan nakatulog siya .Ginising siya ni Jolo.

"Tito Ariel Tito Ariel" naalimpungatan siya.

"Gising ka na?"

"Saan po tayo saka bakit nandito kayo?"

"Hinanap ka namin alalang  alala sayo ang Mama mo.Sandali ha gisingin ko." Lumapit siya Kay Lara.

"Lara gising na si Jolo." Napabalikwas naman si Lara.Lumapit ito sa anak.

"Anak naman bakit mo to ginawa?" Tanong ni Lara sa anak habang yakap ito.

"Mama ayaw niyo po ba sa akin?"

"Bakit mo naman naisip yan? Siempre anak kita ,mahal kita ,mahal Na mahal ."

"Kahit po hindi ako anak ni Papa Oscar?"

"Oo anak kahit hindi ka pa niya anak.Kasi galing ka sa akin ha?" Huwag mo ng uulitin maglayas ulit namamatay si Mama sa pag-aalala sayo ."

"Promise hindi na po.Hindi na kayo galit kay Tito Ariel puwede na kami ulit pumunta ni kuya sa kanila?'

" Oo puwedeng puwede na"

"Yes!! Narinig mo Tito Ariel ha? Saka Tito Ariel puwede mo bang ligawan ang Mama ko ayoko kay Mr Guzman Na maging tatay ko."

"Naku Anak nakakahiya Kay Tito Ariel mo,saka hindi mo magiging Tatay si Sir Guzman dahil may Tatay ka naman.Siya .."sabay turo nito sa kanya.

"Talaga Mama ibig sabihin magpapakasal kayo kaya magiging tatay ko na si Tito Ariel."sabi nito,hindi nito na naintindihan ang ibig niyang sabihin.

"Basta anak pag malaki ka na malalaman mo din ang totoo ha?"

"Basta ligawan mo na si Mama ko.Tito Ariel."

"Tanungin ko muna si Mama mo kong puwede ko siyang ligawan.Saka sina kuya Dennis at Ate Shana kong payag ba sila na manligaw ako sa Mama niyo.Kasi ako gustong gusto kong ligawan ang Mama niyo.

"Payag yon ako bahala."sabay kindat nito sa kanya.

Ayaw Matulog ng GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon