Chapter 12: His Special Surprise

239 2 3
                                    

TYPIST’S NOTE:

nNyahahahaha!!!! Ang tagal kong mag-update….Ansaveeehhhh!!!!!!! busy aketch eh……uy, madami na palang nagbabasa nito…nadagdagan na tayo!!!! Ayiee!!!!! Tuwa ako!!!!!!! Hahahaha!!!! Ambaliw ko talaga……

Thanks po sa mga nagbabasa nitong kalokohan ko…nyahahaha!!!! Matagal ko na talagang naiconceptualize po itong kwento ang kaso, di ko alam kung san’ ko ipapublish*me ganon’????*since ako lang naman at yung mga kaibigan ko yung nag-aabalang mag-basa pero nakakataba lang ng heart na may iba ng nagiging interested na magbasa nito kahit na baguhan pa lang ako….thank you po talaga!!!!!

Sana andyan pa rin po kayo sa mga susunod pang chapter!!!!!!

BRIENNE’S POV

Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Ba’t parang wala yatang ilaw—Mama???!!!!!! Kuya???????!!!!!! Sa pag-aalala, mabilis akong pumasok ng bahay……

“Brienne, anak….” Narinig kong tawag ni mama….Ipinaliwanag ni kuya kung bakit walang ilaw dito sa bahay, brown-out pala…

Psh…..

(=,=)

Akala ko naman kung ano nang nangyari………

“Brienne, maupo ka muna rito at making ka kay mama…ikwekwento ni mama sa’yo ang lahat..”-- > kuya

“P-pati ba naman i-ikaw kuya, alam mo ang tungkol dito???”

Tumango lang ito….Psh….kung ganon’ ako lang pala ang pinagmukha nilang tanga dito….Biglang umalingawngaw sa isip ko yung sinabi ni Father kanina….

He will never forsake nor leave you

Tama, Brienne…kaya mo ito!!! Ganbarou!!!! Aja,aja Fighting!!!!! Tama si Father kahit kakaiba siya sa lahat ng pari na narinig ko sa kumpisalan—kasi yung ibang pari nagsasabi ng kung anong dasal ang dapat dasalin para sa problema, siya lang yung tanging walang ibinilin…..chorva—di ginusto nila mama na itago sa’kin ang totoo….maaaring may sapat silang dahilan para doon at iniiwasan na masaktan ako. Tama…Itong pakikinig na lang ang tanging maibibigay kong pabor para sa mama ko.

Umupo ako sa tabi ni kuya at nakinig sa kwento ni mama……

**TYPIST’S POV

Chorva!!!Third person po itetch kasi aketch ang magkwekwento ng story ng history ni Lolo D. at ng lola ni Brienne at Matthew..

Isang sikat na manunulat si Daniel Gatchalian noong kabataan niya. Lahat ng papuri at kayamanan ay kanyang buong-pusong tinatanggap. Sa likod ng lahat ng ito ay laging handang sumuporta ang kanyang kababata at matalik na kaibigang si Lourdes Ann na lihim na may pagtangi sa binata. Gayunpaman, parang tubig at langis ang dalawa. Habang nasa tuktok ng kanyang kasikatan si Daniel ay iginagapang ni Lourdes ang pangarap niyang maging sikat na mang-aawit at makapunta sa Japan. May angking kagandahan si Lourdes ngunit hindi ito kapansin-pansin kaya nabigo itong bihagin ang puso ni Daniel. Nabaling ang atensyon ng matikas at gwapong binata sa papasikat na modelong si Criselda ngunit laging binabalewala ni Criselda ang pag-ibig na inihahandog ni Daniel dahil sa pangarap. Hanggang sa tuluyan nang magsawa ang binata.

Ang buong akala ni Lourdes ay magagawa nang kalimutan ni Daniel si Criselda ngunit nagkamali siya. Nalulong sa alak ang binata hanggang pati ang mga responsibilidad nito ay tuluyan na nitong mapabayaan.  Hanggang sa isang gabi, dulot na rin ng sobrang kalasingan ay di inaasahang may mangyari sa dalawa. Pinili ni Lourdes na tuluyan na lang na lumayo nang malaman ang kanyang pagdadalang-tao. Mahal niya si Daniel kaya mas nanaisin niyang lumigaya ito sa piling ng tunay na minamahal nito.

Ang Idol Kong Baklush!! (HIATUS-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon