Chapter 5: The Danger In Emotions

253 2 0
                                    

HAYATO’S POV

Di ko alam kung bakit gusto akong makausap ng tatay ko. Bah, mula yata nang mag-17 ako, hindi ko na siya nakakausap ng matino, este, ng masinsinan pala, kung di lang kami nagkikita sa bahay----na mas madalas pa ang patak ng ulan na mangyari.

My father, Ishikawa Hideki, is a world renowned businessman. Hindi ko tantiya kung gaano kalawak o kalaki ang negosyong hawak nito at wala akong balak ni katiting na alamin yun. Tsss…..Wala akong balak makihati sa kung ano mang ipapamana niya. Bahala na si Ate at si ungas na makinabang dun.

Tutal, kay ungas din naman iyon balak ipamana ng nasira kong lola kahit noon pa. Siya lang namn talaga ang itinuturing na “legitimate” child ng tatay ko. At kami ni Ate????----------Mga kawawang saling-pusa.

Mga bunga kami ng pagkakamali ng tatay ko at ng isang Pilipina na niloko lang siya at iniwan kami na parang basura. Dahil di kami matiis ng lolo ko---sa kabila ng pagtanggi ni lola---kinuha kami nito at ibinigay ang apelyidong “Ishikawa”. Pero malaki naman ang naging kapalit nun, ang buong-buhay na pagtitiis namin ni Ate. Mayroong mga pagkakataong harap-harapan kami kung alipustahin sa harap ng marami dahil sa pagiging anak sa labas namin at dumating pa sap unto na kahit nakapagtapos si Ate ng may pinakamataas na parangal, ang tingin pa rin sa kanya ng mga kamag-anak namin…

Isang malaking pagkakamali

 

BASURA

 

Maayos naman ang pagtrato sa amin ng naging madrasta namin, ang ina ni Shouichiro pero parang nahaluan yata ng ugali ng nauna naming lola ang anak nito. Mas matanda rito si Ate kaya di niya magawang kantiin ito pero iba ang usapan sa pagitan namin. Lahat na yata ng bagay na mayron’ ako ay pilit nitong inaagaw. At dahil siya lang ang kinikilalang apo ni lola, nagagawa nito ang anumang gustuhin nito---hanggang sa maging ang tanging babaing minahal ko ay agawin din nito.

And that does it!!!!

Nang alukin ako ng NME na pumasok bilang artista ay di na ko nagdalawang-isip pa na pumayag. At nanag makalayas na rin sa impiyernong pamamahay na ito.

19 years old ako nang sabay na pumanaw sa isang car accident ang lola at ang ina ni Shouichiro.Halos gumuho ang mundo ni lolo hanggang sa dumating ang Lola Hikari ko. Wala kaming alam ni katiting tungkol sa pagkatao nito but, who the hell cares????!!!!! Dito lang namin naramdaman ni Ate ang pagkakaroon ng lola pero siguro nga, si ungas lang ang may pakielam sa bagay na iyon dahil walang kaamor-amor si ungas kay Lola Hikari ko.

Tsss….=____=

Ang Idol Kong Baklush!! (HIATUS-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon