BRIENNE’S POV
Bakit nandito si Lolo Danny?
Well, sa mga naishort-term memory ang back-up files ni Lolo Danny or Lolo D., Siya po ang boss ko at ang may-ari ng Cafe’ Ai-Hime, yung cosplay maid cafe’ na pinagtratrabahuhan ko….
Pero ang alam ko, kinuha siya bilang official driver huh? Special request daw nung bestfriend ng namatay-slash-nawawalang asawa niya….Eh, ba’t nandito siya ngayon at feeling ko---err, kinukutuban ako na magkakakilala sila ni mama…Nakakaloka nga at pareho si Lolo D. ng apelyido at yung maiden name ni mama, Gatchalian.
Aalis na ba ako?
O
Papakinggan ko sila???
Ayaw gumalaw ng mga paa ko, ang mga tenga ko naka-full alert na din, pati sabi ng puso kong laging unstable at ng lokaret kong isip, pareho din….ano pang laban ko?O, siya!!!! Makinig na nga, nakyu-curious din ako eh…..
“Hanggang ngayon iniiyakan mo pa rin siya”------- > Lolo D.
(O_____O) -------- > Mama
Ba-ba’t ka nandito?”
“Lagi na lang sa tuwing death anniversary ni Marco, hindi maaaring hindi ko makita na hindi tumulo ang mga luha mo.”Teka, sino si Marco?? Si papa?
“Ikaw naman ang dapat na sisihin sa lahat ng mga ito!!! Ikaw ang dahilan ng paghihirap ko!!!! Kaya dapat sarili mo ang sisihin mo dahil ikaw lang naman ang sumira sa pamilya ko!!!!!” halos mangiyak-iyak na sigaw ni mama.
“Leilanie…” medyo naaawa ako kay Lolo D. kahit na ni wala akong katiting na ideya kung bakit nagagalit sa kanya si mama.
“Ano bang kailangan niyo?”
“Nais ko lang malaman kung saan pupunta si Toni sa Biyernes. Nagpaalam kasi siya na aabsent siya sa araw na iyon.”
Teka nga ulit, ba’t napasok ako sa eksena????
“Manonood sila ng mga kaibigan niya nung concert nung bandang paborito niya.” Matabang na sagot ni mama
“Concert ng Go Senchi?”
(O__o) ----------- > mama
( *__*| | --------- > ao, nagtatago sa likod ng puno
“A-alam niyo?”
“Oo, lagi niya kasi iyong naikwekwento sa akin. Kung hindi nga lang niya sinabing regalo na pala para sa debut niya ng mga barkada niya yung mga tickets sa concert, ako na mismo ang magbibigay sa knya noon.”
AWwwwwwwWWWWW……ang sweet ni Lolo D., sana talga siya na lang ang lolo ko…
(Be careful what you wish for cause you just might get it, you just might get it…YEAH!!!!! Haha, eksena lang….)
“Oo. Matagal na nga niyang inuungot sa akin. Batang iyon…Mabuti naman pala at nagkakasundo kayo?”
“Parehong-pareho sila ni Lourdes. Masayahin kahit sa maliliit lang na bagay, determinado kahit alam nilang dehado at higit sa lahat, mahilig sa mga bagay na Hapon at kung anu-ano pa….” nakangiti na sagot ni Lolo D. pero halos papatak na ang luhang pinipigilan nito… “Ah, sige. Mauuna na ako,”
“T-teka…” biglang tawag ni mama. Pagkalingon ni Lolo D., “ Once and for all, guto kong marinig sayo ang totoo…”
“Ano iyon?”
“Mi-minahal mo ba talaga si Mama?”
Te-teka….
MAMAAAAAAAAAA!!!!!!!
BINABASA MO ANG
Ang Idol Kong Baklush!! (HIATUS-EDITING)
HumorMatagal nang pinapangarap ni Brienne na makita ang Japanese hunk and singer na si Hayato, pero para yata sa isang geek at ordinaryong tulad niya ay mananatiling isang pangarap na lamang iyon. Ngunit nabago ang lahat ng sabuyan siya ng langit ng swer...