Chapter 34.

86 2 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Hi hello, pasensya sa tagal kong nawala... Prelim Exams kasi namin Kahapon, kaya ang Lola niyo ay aral na aral, tapos wala yung mga inaral ko sa mga tanong.. Yung iba lang naman. Na stress ata ang utak ko at heto ako ngayon may lagnat.. :))) 

Pagkatapos ng update na ituu, Thesis at yung sa Seminar naman ang aasikasuhin ko. Waaa magbabakasyon na alng ang dami pang kailangang isipin. :P

Well Well Well, itong chappie na itu ay Dinededicate ko kay sinnersweet14

Yung story niya na Long Distance Relationship Lasts. basahin niyo. Hihihi hulaan niyo kung sino ako dun :)

Pero magsimula na tayo sa story ko ngayon. :)

----------

Tjeerd's POV

Andito ako ngayon sa may parking lot hinihintay si Aicee. I have something to tell her, and it's really important.

Nakasandal ako ngayon dito sa kotse ko ng makita ko siyang padating, may kasamang dalawang lalake. Si Shaine yung isa, yung isa di ko kilala.

Nang makita naman ako ni Aicee, agad siyang lumapit sakin at kumapit sa kamay ko.

"Huwag niyo na ko ihatid, andito na yung prince ko, may pupuntahan pa kami." sabi nito.

Agad ako tumingin kay Shaine at binati ito.

"Pare ako na bahala kay Aicee." sabi ko

"Sige, una na ko Tjeerd. Bye Girlfriend" naka ngiting sabi nito bago tuluyang umalis.

"Hindi mo nga ko Girlfriend at lalong hindi kita boyfriend!!!" Sigaw nito

"Hahaha, basta mahal kita, bye!!" sigaw ni Shaine

"Nagkakamabutihan na ba kayo?" tanong ko.

"Asa ka, hindi ako easy to get no?!" mataray na sagot nito.

"Ehem!" kunwaring ubo nung lalake.

Tinignan ko ito ng masama.

"Sino ka?" tanong ko

"Ah.. Prince... siya si ano--" hindi na natapos ni Aicee yung sasabihin niya kasi nagsalita na yung lalake.

"Ako nga pala si KrisChen yung secret admirer ni Aicee"

Tuumingin lang ako dito at tumalikod na.

"Tara na Princess" aya ko kay Aicee.

Kausap pa rin nito si KrisChen.

"Ahh, sige Kris bukas na lang ha. Text mo na lang ako kung saan" sbai nito at pumasok na sa kotse.

Mabilis ko naman pinaandar yung kotse ko.

"Kelan naman kayo nag kita?" tanong ko habang nagmamaneho.

"Kahapon lang, san tayo pupunta?"

"Mamasyal, kakain muna tayo, sine, arcade kain ulit tas uwi na" sagot ko

"Libre mo?" 

"Oo bakit?"

"Wow, prince ano nakain mo at sagot mo lahat? May bago ata sayo ah.? May girlfriend ka na no?" sunod sunod na tanong nito.

My EX BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon