40

25 1 1
                                    

Ang hirap kapag naging jowa mo yung crush mo no.  Parang you wnt everything to be perfect. You don't want to make any mistakes.  It that case parang napaka limited ng kilos mo.  Parang hindi ikaw.  Pati nga maliliit lang na issue lumalaki. 

Pero ganyan talaga.  I credit na ng lang daw sa karanasan. 

-----

Hindi natin sinusukuan ang isang tao dahil sa isang sitwasyon na hindi maganda.  Nagtatagumpay ang isang relasyon kapag ginusto ng dalawang tao na ayusin at pagandahin ang isng panget na sitwasyon. 

Itong Chen na to,  parang Daga.  Kapag wala ang pusa lumalabas na ng taguan para kumuha ng pagkain.  Nalingat lang ako sandali aba't yinayakap na si Aicee.  Hindi niya ba alam na si Aicee ang buhay ko?  So kung niyayakap nya to ngayon,  parang yinayakap na niya ko. 
Pota.  Wala akong hilig sa mga lalake.  Hindi ako bakla. 

"Pare, wala ka na atang kailangan gawin.  May gagawa na ng dapat mo gawin. " sabi ni Alfred.  Eto yung leader ng nakalaban kung grupo sa DOTA.

Takte.  Kung hindi sana ako naglasing nun at hindi ako nag laro ng DOTA ng gabing yun hindi ako maiipit sa sitwasyon na to. 

"Hindi pa ko pumapayag sa gusto mo Alfred.  At walang gagawin si Chen dahil hindi ako papayag.  Akin lang si Aicee.  " may diin kong sagot sa kanya.  Nakatingin pa din ako kila Aicee. 

Aba't wala atang katapusan ang yakapan nitong dalawang eto ah. 

"Kung hindi ikaw,  hindi rin yang lalaking yakap ni Aicee.  Sino ang gagawa?  Pwede naman kami n lang Shaine.  Mukang ayos din naman tong si Aicee.  "

Napatingin ako sakanya..

"Wag na wag mong babastusin si Aicee,  kung ayaw mo na ako ng makalaban mo"

Napa atras naman to ng nakataas ng kamay. 

"Chill pare.  Pero kapag wala ka pang ginawa kami na mismo ang kikilos.  Tandaan mo kilala na kami Aicee at hindi mo rin magugustuhan ang mangyayari kapag kami ang kumilos. " pagbabanta ni Alfred

"Psh.  Oo na" sagot ko at tumingin ulit sa dalawa. Buti naman at hindi na sila magkayakap. 

Nakita ni Aicee na nakatingin ako sakanya kaya naman bigla nito tinulak si Che. 

Lumapit na ko sa dalawa.  At baka masuntok ko pa tong si Chen kapag hindi lumayo sa anghel ko. 

"Aicee. " tawg ko sakanya. 

Hindi ito tumingin sakin at naka yuko lamang. 

Si Chen ang sumagot.  Tang ina nito ah,  speaker ba siya ni Aicee. 

"Shaine, kanina pa nag aalala sayo si Aicee.  Hindi ka daw sumasagot s tawag niya.  " sagot nito. 

Ay tanga Shaine.  Naiwan mo ung phone mo sa locker mo! 

"Aicee tara na"  hinawakan ko siya pero tinanggal niya ang kamay niya. 

Aba't anong problema nitong babaeng to.  Huwag niyang sabihin na ayaw niya na sakin at si Chen na ang gusto nya.  Aba putakte. 

"Aicee. " tawag ni Chen dito. 

Tumingin ito kay Chen.

Shaine tandaan mo educator ka.  Magtimpi ka. 

"Magusap kayo.  Shaine una na ko.  " sabi nito at umalis na. 

Nagsimula naman maglakad kagad si Aicee. 

"Aicee sandali lang.  Hintayin mo naman ako" sigaw ko habang hinahabol siya.  Pero ayaw patinag ng anghel na to.  Ang bilis mag lakad kung kaya lang siguro ni lumipad nagaw nya na.  Buti na lang talaga wala tong pakpak. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My EX BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon