39

23 1 4
                                    


It hurts the most when the person that made you feel special yesterday makes you unwanted today. 

------

Its been a week since our last date...  We are okey tho may nga times na feeling ko ang cold nya sakin o di kaya pag magkasama kmi ng lalim ng iniisip nya.. Hindi ko alam kung nanglalamig n ba sya sakin o ano.  Ang paranoid ko pa naman sa ganito. 

Tinignan ko ang phone ko at wala pa din siyang text..  

"Hayyy" singhap ko. 

Napatingin tuloy sakin ang kasama ko ngaun...

"Girl,  ano na naman ang problema mo?  Ok na di ba.  Jowa mo na ung crush mo.  Wala ka na ring basher.  Bakit pasan mo pa din ang daigdig? " tanong ni Aya sakin. 

" Ewan ko b.  Tingin ko ng cold sakin ni Shaine..  Hindi ko alam ang gagawin ko.  "

" Bakit hindi mo itanong?  Hindi yung parang ganyan ka, parang manok na nangingitlog?"

" Baka kasi sabihin nya kasi na clingy ako. Kapag nagtanong ako ng nagtanong.  Baka lalo mairita.  Baka kasi mamaya ako lang pala ung may Problem.  Ako lang pala ung paranoid.  Ako lang pala ung gumagawa ng gulo sa relasyon namin"

Ang hirap kasi nung baka isang kibo ko lang mawala na yung relasyon na pinapangarap ko.  Baka sa sobrang pagka nega ko e mawala sakin si Shaine.  Ang tagal ko pa namang hinintay to, ang dami ko ng iniyak para s lalaking un.  Kaya ayaw ko na magkahiwalay kami...  Nangangapa pa ko. 

Haaaay talaga..  Sabi na e may mangyayari na hindi maganda.  Ang saya saya kasi namin nitong huli.. 

"Girl. "

Bumalik ulit ako sa realidad nung tinawag ako ni Aya. 

" Oh? " sagot ko.  Uminim muna ako s milktea ko. 

"Communication.  Di ba pinag aralan natin yan? Kailangan mo makipag usap sa kanya.  Kailangan mong ilabas yang nas loob mo. Kailangan nya malaman kung ano iniisip mo.  In that way malalaman mo din kung ano nasa isip nya.  Malay mo nag aantayan lang pala kayo.  "

"Kinakabahan man ako Aya.  Pano kung mas maging cold siya sakin?"

"Alam mo mamatay ka jan sa What if's mo.  You should take the risk. . Mahirap mabuhay na my regrets ka.  Malay mo yang hindi mo pagtatanong ang makakasira sa inyo.  "

Sabagay may point naman ang babaeng to. 

"Sige, mamaya kakauspin ko sya.  Punta ko sakanila.  "

" Ok sige. Pero wag mo isuko ang bataan ha.  " sabi nito. 

Napa ubo naman ako at nailuwa ang pearls ng milktea. 

"Baliw ka talaga! Bat nagsasabi ka bigla bigla ng ganun? " sagot ko habng hinahampas sya sa braso. 

"Yuck girl ha.  Wala poise.  Hahahaha.  "

" Ikaw kasi e.  "

" Nagkiss na ba kayo? "

Naubo ulit ako sa tanong ni Aya... 

" Ba yang mga tanungan mo Aya. Kakahiyam hinaan mo boses mo. "

" So ano nga?  Nagkiss n kayo?  "

Tumango n lang ako habng nakayuko.

"Girl,  namumula ka.  So base sa itsura mo nag enjoy ka.  Hahaha. "

Natulala ako.  Naalala ko ung gabi pagkatapos nya ko kantahan sa club. 

Ramdam ko pa din yubg init ng labi nya sa labi ko.  Ramdam ko pa din ung paghawak nya sa bewang ko. 

Hindi ko alam n napahawak na pala ako sa labi ko.

"Girl, kinakausap kita.  Hindi ko sinabi mo na I reminisce ung paghahalikan nyo.  "

Napahampas na naman ako.

"Baliw.  Hindi no.  "

" Sus kunwari ka pa. "

Tumayo ako sa lamesa namin. 

"Tara na nga girl.  Baka nag antay na sila satin.  "

-----

Hapon na pero wala pa ring text o tawag si Shaine... 

Sinubukan ko na siyang tawagin pero wala pa din.  Hindi pa rin sya sumasagot..   Ano kayang meron?  Baka naman naaksidente na siya. 

Tinawagan ko ulit siya ng limang beses pero wala pa din. Andito ako sa labas ng bahay niya malapit na mag gabi. 

"Shaine.  Babe asan ka na ba?  Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? "

Naiiyak na ko. 

Ng vibrate ung phone ko pero si Chen pala ung tumatawag. 

" Yes? " sagot ko. 

" Anong problema mo?  Muka kang basng sisiw jan? "

"Huh? "

Mamaya bigla ako nakakita ng paa sa harap ko.  Napatingala ako. 

"Hi" bati nya. 

"Hello" malungkot kung tugon. 

" Oh anong problema mo? "

"Si Shaine.. "

Naupo rin sya sa tabi ko.. 
"Bakit ano ginawa? "

Kinuwento ko ulit sakanya ang  mga nangyari. 

"Mahal mo ba? " tanong nito.

"Oo sobra"

"Magtiwala ka lang sakanya.  "

"May tiwala naman ako e.  Pero ayaw ko kasing magkamali.  Ayaw ko mawala sya sakin.  "

"Aicee,  walang perpektong relasyon.  Dadating kayo sa point na talaga mag aaway kayo,hindi kayo nagkakaintindihan.  Pero ang mahalaga e nakikinig kayo sa isat isa at inaayos ang problema. Hintayin mo siyang sumagot at mag text sayo.  Baka may inaasikaso lang di ba.  Kilala mo si Shaine hindi ka nyan sasaktan.  "

"Thank you Chen.  "

"Wala yun.  Kaya wag ka ng malungkot ha.  "

" Oo hindi na...  Ilibre mo na lang ako ng icecream"

"Sus.  Parang bata talaga..  Tara na"

Pumunta kami sa 711 para bumili ng ice cream.  Habang naglalakad kami nakakita kami ng mga nakatambay sa Comshop.  Nakita namin si Shaine.  Nakatambay dun habang kausap ung mga lalaki na nakita namin sa Club... 

Napatigil kami ni Chen sa paglalakad.

"Chen.. "

Hinwakan nya ko sa kamay..
"Oh? "

"Bakit ganun yung taong nagpapasaya sayo yun din yung taong nanasakit sayo ng sobra...  Habang nag aaalala ako sakanya.  Heto lang pala sya nagpapakasaya sa DOTA.  "

Niyakap ako ni Chen. 

"Aicee,  love comes with pain.  So if you can't take it you should leave it.  "

"I can't"

"Then mag usap kayo.  "

Bitaw nito sa pagkakayakap sakin.  Tumingun ulit ako kay Shaine at nakita ko syang nakatingin samin ni Chen.  Mukang galit.

---------

Oh no!!!  Mukang lover's quarrel ah!!

May nakakagets na ba ng magiging problema ng dalawa sa dulo?  Chen sa Media. 

My EX BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon