chapter 20. BEE

175 3 0
                                    

AUTHOR'S NOTE

bago ang lahat sorry po! sorry at ngayon lang nakapag update ang maganda niyong author ;)

kasi po..busy lang eh hehe

by the way pansin ko umunti na ang readers ko, okey lang dadami pa rin kayo. think positive walang aaywa..

at eto na ang story ni...

HONEY'S POV

lalalalalala... yeah.. ako Si Honey, ang matamis na Honey. haha :)

papunta ako ngayon sa canteen dahil sobrang madaming langgam sa room namin ngayon, napaaga ang Valentine eh.. eh di sila na ang may lovelife at ako ang wala?

pake ko.. haha

"Hi Honey!" sabi ni kuyang gwapo

"Hello" (^_^)v bati ko

well hindi naman sa pagmamalake pero marami rin nakakakilala sakin dito sa school, Dancer kasi ako, member ako ng dance group ng university..

BRRRRROOOOOOM!BRRRRRROOOOOM!

"waaaa! packaging tape naman oh! yung usok mo kuya grabe ha! pareho lang tayong mamamayan ng bansang ito,kaya huwag mo angkinin ang kalsada!" sigaw ko dun sa naka motor

bakit pa kasi pinababayaan ang mototr na pumasok sa university na to, grabe ang angas ng kolokoy na yon! haay, nagulo tuloy ang precious hair ko.

naalala ko tuloy yung kumag, yung kumag na nagtapon ng juice ko! parehas sila nung may ari ng motor!MAYABANG! HUBRIS!

"Honey,tara sa canteen"aya sakin ni Kuya Chad, kanina pa pala siya sa likod ko

"Oh,himala, hindi mo kasama si Bea ngayon?" tanong ko

"huh?ano kasi,,may ginagawa pa siya"sagot niya ng nahihiya haha

"oh anot magdidikit na yang mga kilay mo?"tanong niya, naglalakad na kami malapit sa Canteen

"kasi kuya,naalala ko yung dalawang kumag na nagpapainit sa ulo ko,haist halika na nga ilibre mo na alng ako choko cookies"sabi ko,at hinila siya papunta sa school

-----

"woooh! bro..long time no see"sabi nung lumapit na lalake kay kuya

"Oh!Runkle kelan ka pa lumipat  dito?" tanong ni Kuya

hmm..Runkle?sounds familiar..san ko ba narinig yang name na yan... haaay saan nga ba?

see I'm not good at names -_-

"no,hindi ako lumipat,may project kasi ako dito para sa foundation week" sagot ni Runkle

"ahh,ganon ba, good to see you" sabi ni Kuya

ako nakatinggin lang sa iba habang hinihintay si Kuya matapos makipag usap

"chicks mo pre?" tanong ni Runkle

napatinggin naman ako sa kanya, kung sino ang tinuturo na chicks niya,baka andito na is Bea eh

"ahh, no pare, pinsan ko to" sagot ni Kuya

ahh ako pala yung tinutukoy,, well haha alam ko naman na chicks ako :)

"Chad! practice na!"sigaw nung coach ni Kuya

"ah sige pare maiwan na kita, enjoy sa university namin"at nag hand shake sila

tumingin naman ako kay Kuya at nag puppy eye

My EX BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon