Chapter XVI

46 7 0
                                    



"Ahhhhhh....whoooh...hah!" 




Ang sarap mag-inat. Ang sarap ng tulog ko. Ang sarap ng simoy ng hangin. Hindi pa nasikat ang araw pero nakikita kong malapit na itong magsimula mula sa bundok na natatanaw ko.


Kakaunti pa lang ang gising. Nakasanayan ko na rin talaga ang paggising ng maaga. Sabi nga ni Lola, bago tumilaok ang manok, dapat nakabangon na kami.




"Good mownin' Hannah!" bati sa akin ni Junie. Nasa likod ko sya pero kahit di ko pa sya nakikita, alam kong sya yon dahil sya lang ang bumabati sa akin ng ganon.



Pagharap ko sa kanya, may dala na syang dalawang tasa ng kape at iniabot nya sa akin ang isa.



"Kamusta ang tulog mo?" sabay kapit nya sa bewang ko. Pareho kaming nakatingin lang sa malayo. Pinagmamasdan ang magandang kabundukan sa harap namin. Lumalabas na ang bukang liwayway.



"Ang sarap ng gising ko Junie, hindi man lang ako namahay. Ikaw?" tugon ko sa kanya.



"Okey lang. Maaga kaming ginising ni Mr. Olsen. Nga pala baka ilipat kami ni Eiza dun sa kabilang barrio. Nagkasakit daw kasi si Dave, yung isang student council kaya, kami yung papalit. Kasama namin dun si Seph." kwento nya sa akin. Nagpapaalam na rin ito.


"Ganun ba? Grabeh naman." malungkot kong sabi sa kanya. Mas kampante kasi ako pag alam kong nandito lang si Junie sa paligid. Napansin nyang nakanguso ako.




"Wag kang mag-alala, andyan sina Gen, Jonah at Abby. Andyan din si Sam, hindi ka noon pababayaan, ikaw pa!" paalala nya sa akin. Tama nga naman, madami pa din akong makakasama dito, samahan pa nina Bry at Peter at ng ilan pa naming mga kaklase.



Nakatambay lang kami ni Junie malapit sa bangin hanggang sa sumikat na nga ang araw. Nanggising na ang mga leaders at may tumawag naman kay Junie.




"Junie, alis na daw tayo. Hi Hannah. Good morning!" bati ni Eiza habang papalapit sa kinaroroonan namin. Yumakap sa akin si Junie bago sya tumayo.



"Mag-iingat ka dito ha. May radyo si Mr.Olsen kung kailangan mo ko, para macontact mo ako dun. Medyo malayo yun ih. Sige." paalam ni Junie sa akin.



"Ingat ka ha.........ingat kayo!" lingon ko kay Eiza.



"Ikaw ang mag-ingat. Sanay na kami ni Junie sa ganito. Taon taon na namin tong ginagawa eh. Bye Hannah!"




Secrets from the COFFEE SHOPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon