Chapter III

66 9 1
                                    


"Junie...... sorry na....... pleaseee"



Nasa bahay na kami ni Junie. Hindi na nya ako iniimikan since we finished the enrollment.



Bakit ba naman kase......... kung anong espirito ang sumasanib sa akin pag nakikita ko yung taong yon..... kasalanan nya talaga to eh.






kasalanan ko to.






"Alam mo Hannah, kung magsasabi ka lang sa akin ng problema......maiintindihan ko naman eh."



Parang pinipilit na ko ni Junie magsalita. Wala akong maisip na dahilan. Ayaw ko muna talagang magsabi sa kanya ng kahit ano tungkol sa lalaking yon.




"Hindi ko rin alam Junie..... masyado akong naninibago sa lahat ng nangyayari...... ang daming bagay na parang dapat kong makasanayan..... hindi ko talaga alam."



May halong katotohanan din naman ang sinabi ko. Medyo nakuha ko yata ang simpatya nya. Humarap na sya sa akin.



"Oo na.... sige na.....pasensya na rin ha. Well, kahit naman ako nag-aadjust di ba..... kase ngayon, dalawa na tayo dito sa bahay. Binilin ka pa sa akin ni Lola. Sisters na tayo ngayon..... sabi nga ni Lola kahit halos magkasing edad lang tayo eh mas magmamatanda ako sa'yo. Kaya ikaw, umayos ka. Kargo kita, kaya pag may nangyari sa'yo, ako ang mapapagalitan.... tingnan mo nung nahulog ka sa bike, ang galit kaya ni Lola sa akin... lalo na nung makita yung mga sugat mo."




Tama nga naman. Napagalitan nga siya ni Lola noon kahit wala naman talaga syang kasalanan. Tanga lang talaga ako nun.......... hanggang ngayon. Natanga na ko sa lalaking yon.




Nakonsensya naman ako kase sya pa itong nagso-sorry ngayon. Dapat talaga iwasan ko ng tingnan man lang yung lalaking yon eh! Kase naman....... Hannah, wag ka ngang hibang!







Pinuntahan ko si Papa sa shop nya. Ngayon ko lang napasok ang loob ng shop. Ang laki pala sa loob.


Ang daming gitara at ang gaganda. Nandoon din si Lola sa may harap at nagbabantay ng tindahan. Busy sya sa paggawa ng kung ano sa isang ledger.

Secrets from the COFFEE SHOPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon