Chapter VIII

55 7 1
                                    



Nagtataka man kung ano ang ginagawa ni Sam dito sa amin, di ko na lang pinansin. Pumunta ako sa kusina para mag-meryenda.




Itatanong ko ba kay Junie kung ano ang ginagawa dito ni Sam? Baka kase kung ano ang isipin nya pag nagtanong ako.




"Hannah, nagbabalak ang student council na magkameron ng acquaintance party ngayong buwan. Siguradong madami ang magsasayaw sa'yo kaya ngayon pa lang magpraktis praktis ka na for a long hour dance."


"Talaga.... may ganun sa school?" hindi naman ako nagpakita ng interes sa sinasabi nyang sayaw.


"Oo...madaming activites lagi dyan sa school.... pinapatakbo nga uli nila ako sa student council eh.... suportahan mo ko ha!"


"Oo naman. So student council ka dati?" tanong ko dito. Mukha naman talagang active sya dito.


"Oo. Elementary pa lang, part na ko ng council." pagmamayabang nito sa akin. Kaya naman pala hindi malabong kilala sya sa school.
























"Hannah! Hannah!"  tinatawag ako ni Papa mula sa baba. Kinakabahan ako. Alam ko kaseng nandoon si Sam. Bakit kaya?



"Sige na. Ako nang bahala sa kinainan mo. Iwanan mo na yan." sabi ni Junie. Tamang tama naman na tapos na kaming kumain.




Hindi ko agad maiapak ang paa ko sa pagbaba ng hagdan. Ano bang nangyayari sa akin? Si Samuel lang naman yon. Bakit ba ganito ang epekto nya sa akin?

Huminga ako ng malalim bago tuluyang bumaba ng hagdan. Dumiretso na rin ako sa shop dahil alam kong nandoon si Papa.

"O.. Hannah! Kanina pa kitang tinatawag." sabi sa akin ni Papa. Hindi ko naman makita si Sam sa paligid. Malamang nakaalis na. Buti naman. Nakahinga na ako ng maluwag. Relax mode on.

"Pa... bakit po?" masigla kong tugon dito.















Saka naman biglang sulpot ni Samuel mula sa likuran. Hawak nya ang gitara ni Papa. So, sya yung sinasabi ni Papa na gumagamit ng gitara?......... Oo nga.... I remember sabi ni Papa, Sam ang name ng gumagamit nito. Akala ko girl yung Sam. Sya pala?

Secrets from the COFFEE SHOPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon